Chapter 29

12 2 0
                                    

"Mapapangasawa?" tanong ni Aliya

"Marahil apo, nabanggit na rin sayo ni Liam na di sya taga-rito, kaya lamang siya nandito upang hanapin ang babaeng kanyang makakaisang dibdib ngunit sa di inaasahan ito ay biglang naglaho ng parang bula, labis na nangungulila si Liam sa kanya kaya nung makita ka nya, nabigyan siya ng pag-asa na sana ikaw na yung babaeng hinahanap nya!" kwento ni Lolo Generoso kay Aliya, natahimik si Aliya sa sinabi ng matanda sa kanya

"Mabait na binata si Liam apo, kahit na ilang araw pa lang siya nandito, nakikita ko sa kanya na labis na nyang gusto makasama ang kanyang minamahal at malakas ang kutob nya na ikaw yun apo!" pagpapatuloy ng kwento ni Lolo Generoso kay Aliya

"Papaano naman po magiging ako yung babaeng hinahanap nya kung wala naman po akong matandaan na nagkasama po kami?" tanong ni Aliya sa matanda

"Gaya ng sinabi nya sayo apo, di ka nya pipilitin, hihintayin na lang nya na maging malinaw sa iyo lahat!" sambit ni Lolo Generoso kay Aliya

"Maaari ko po ba syang puntahan?" paghingi ng permiso ni Aliya kay Lolo Generoso

"Nasa iyo yan apo, puntahan mo na siya sa taas!" sambit ng matanda sa kanya

Paakyat na si Aliya sa silid ng tawagin siya muli ng matanda..

"Apo, mas bagay sa iyo yang nakalugay ang iyong buhok mas kita ang iyong kagandahan!" pahabol ni Lolo Generoso

"Salamat po!" masayang sambit ni Aliya at umakyat na siya sa silid

Samantala....

Tahimik na nakatanaw si Liam sa bintana nag-iisang silid na iyon sa munting kubo ni Lolo Generoso, nakatanaw siya sa buwan..

"Marahil ay parang kay tagal ko ng nandito kahit na iilang araw pa lang ang lumipas, nakita ko na nga siya ngunit tila di nya ako maalala, ngunit handa akong maghintay hanggang sa maalala nya akong muli!" sambit ni Liam

"Galit ka ba sa akin?" lumingon si Liam sa kung sino ang tumawag sa kanya

"Nandito ka na pala, handa na yung matutulugan mo pwede ka ng magpahinga!" sabay harap muli ni Liam sa bintana, lingid sa kanyang kaalaman, biglang umupo at tumabi si Aliya sa kanya

"Akala ko ba magpaphinga ka na?" tanong ni Liam kay Aliya

"Hindi pa ako dinadapuan ng antok eh!" simpleng sagot ni Aliya habang nakatanaw rin sa buwan

"Pasensya na sa pag-iwas ko sayo kanina.." sambit bigla ni Liam

"Okay na iyon, tsaka sinabi na rin sa akin ni Lolo Generoso kung bakit, kaya di mo na dapat ihingi ng tawad yun, tapos na yun" sambit ni Aliya

"Sinabi na rin nya sayo kung bakit ako nandito?" say ni Liam sabay tingin kay Aliya

"Oo, na nandito ka upang hanapin amg babaeng makakaisang-dibdib mo sana ngunit bigla na lang siya kaya narito ka para hanapin siya!" paliwanag ni Aliya kay Liam, tila bay bigla na lang tumulo ang luha ni Liam habang pinagmamasdan si Aliya, napansin agad ito ni Aliya

"Naiyak ka ba?" tanong ni Aliya

"Sana may magawa akong paraan para maalala mo ang lahat" sagot ni Liam sa kanya

"Tahan na uy! Di ko naman gusto na nakikita kang naluha dyan dahil sa akin uy!" sabay punas ni Aliya ng luha ni Liam

"Ikaw na ikaw nga siya, ganyan rin siya kapag ako ay nakikita nyang naluha!" ngiting sabi ni Liam kay Aliya

"Di lang ako sanay na may nakikita akong naiyak ng dahil sa akin, yun lang yun!" sabay iwas ng tingin kay Liam

Hinawakan ni Liam ang baba ni Aliya at unti unti nya itong iniharap sa kanya at ngumiti..

"I won't force you to remember that fast, but I can wait when all things clear up!" sambit ni Liam kay Aliya

"Anong sabi mo?" litong lito na si Aliya sa sinabi ni Liam at natawa na lang ang binata sa reaksyon ng mukha ni Aliya

"Halina at magpahinga ka na alam kong pagod ka kaya pahinga ka na, ayan ipinaghanda tayo ni Lolo ng matutulugan, wag kang mag-alala malayo naman ang aguwat ng tutulugan natin kaya mauna ka ng matulog, sunod na ako!" kindat ni Liam kay Aliya na ikinapula ng mukha nito

"Eh--Saan matutulog si Lolo Generoso?" tanong ni Aliya kay Liam sabau iwas muli ng tingin dahil nararamdaman nyang umaapoy na sa init ang kanyang pisngi

"Naglatag na si Lolo sa baba ng kanyang matutulugan kaya wag ka ng mag-alala sa kanya!" sagot ni Liam kay Aliya

"Mauna ka na kaya matulog baka kung ano pa--" naputol ang sasabihin ni Aliya

"Gaya ng sabi ko sayo malayo ang aguwat tutulugan natin kaya wag kang paranoid dyan!" natatawang say ni Liam kay Aliya

"Paranoid?" takang tanong ni Aliya

"Bahala ka nga dyan, matutulog na ako kung ayaw mo!" tumayo na si Liam at dumeretso na sa pwesto nya

"Ano nga sabi yung paranoid?" di talaga makali si Aliya kung ano ba ang paranoid

"Aliya, matulog ka na okay?" sambit ni Liam sabay talikod kay Aliya

Dahil di talaga makali si Aliya kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng paranoid, ginugulo nya ang pagtulog ni Liam..

"Liam! Ano ba kasi ang ibig sabihin ng paranoid? Ano ba?" niyuyugyog ni Aliya si Liam hanggang sa --

Hinila nya ang kamay ni Aliya at napahiga ito sa pwesto ni Liam, nagkatitigan sila ng matagal, gulat na gulat si Aliya sa nangyari at titig na titig lang si Liam sa kanya..

"Ito ang ibig sabihin ng paranoid!" sabay hila ni Liam kay Aliya palapit sa kanya sabay yakap rito ng mahigpit

Pilit na kumakawala si Aliya sa bisig ni Liam..

"Titigil na ako Liam, pwede bang bitawan mo na ako, alalahanin mong may asawa ako, kaya di angkop na gawin mo sa akin ito!" pagpupumiglas ni Aliya sa yakap ni Liam

"Alam kong nakakaramdam ka ng kaligtasan kapag yakap kita kaya wag kang magreklamo pa, tsaka ikaw ay wala sa poder ng kinikilala mong asawa mo at nararamdaman ko rin na gusto mo rin itong ginagawa ko kaya magpahinga ka na" sambit ni Liam habang nakapikit na yakap yakap ng maghigpit si Aliya

Ilang minuto ang lumipas, di na rin pumalag pa si Aliya at tila nakaramdam nga siya ng kaligtasan sa bisig ni Liam, tumingin siya sa mahimbing na natutulog na si Liam..

"Bakit ganoon ang aking nadarama sa tuwing ika'y aking kasama, pakiramdam ko'y masaya ako kapag kasama ka, bakit ganoon? Di ko maintindihan ang akin sarili na para bang ka'y tagal na kitang kapiling ngunit di magawang maalala ng aking isipan, sino ka ba sa buhay ko Liam? Isang kahangalan itong ginagawa ko na ikaw kayakap ko dahil ako ay may asawa pero--" sambit ni Aliya sa kanyang isipan, hinawakan ni Aliya ang mukha ni Liam

"Napapagaan mo palagi ang aking loob Liam!" ngumiti si Aliya at niyakap na nya rin ng mahigpit si Liam at tuluyan na siyang dinapuan ng antok habang nasa bisig ng lalaking tila'y matagal na niya kilala

===================================

Next: Chapter 30

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now