Chapter 53

5 2 0
                                    

"Secret"

"Liam, ibaba mo ako!?" pinandilatan na ni Aiyana si Liam habang buhat buhat siya nito

"Ayaw!" nginisian lang ni Liam si Aiyana

"Isa!" banta ni Aiyana kay Liam

"Nope!!" sambit ni Liam

"Ay ang tigas!!" aambaan na ni Aiyana si Liam

"Eto na po mahal na prinsesa, ibababa ko na po kayo sa iyong higaan!" sambit ni Liam sabay baba ni Liam kay Aiyana sa kama

"Good boy!" sambit ni Aiyana kay Liam

"Syempre basta ikaw!" say ni Liam sabay higa sa tabi ni Aiyana

"Talagang kina-career mo na ang pagtabi tabi sa akin no?" biro ni Aiyana kay Liam

"Naman!! Kasi pag-uwi natin sa present time ay kailangan ko ng sanayin sarili kong tumabi sa mapapangasawa ko di ba?" sabay harap ni Liam kay Aiyana, kinilig naman si Aiyana sa sinabi ni Liam sa kanya

"Asus!! Bola pa!!" ngiting sabi ni Aiyana kay Liam

"Totoo yun noh!" sambit ni Liam, natawa na lang si Aiyana sa itsura ni Liam

"Para kang bata kamo, itsura mo!!" sambit ni Aiyana kay Liam

"Love mo naman eh!" taas kilay na sabi ni Liam

"Oo na! Love na Love!!" malambing na sambit ni Aiyana kay Liam

"Yan ang sinasabi ko sa future Misis ko eh!" hinila na ni Liam si Aiyana kanyang bisig at niyakap ito ng mahigpit

"Super yakap yarn!?" biro ni Aiyana kay Liam

"Pagbigyan mo na ako, namiss ko to eh!" sagot ni Liam kay Aiyana

"Naku parang nung Aliya pa ako eh di ka sumusulit eh, wag ako Liam!" sambit ni Aiyana kay Liam

"Mas espesyal ngayon dahil naaalala mo na ako!" sambit ni Liam kay Aiyana

"Sige na nga!" yumakap na rin pabalik si Aiyana kay Liam

"Mahal na mahal kita Aiyana ko!" say ni Liam sabay halik sa ulo ni Aiyana

"Mas Mahal kita Liam ko!" sambit ni Aiyana kay Liam at sabay na silang dinapuan ng antok at nakatulog ng maayos sa piling ng isa't isa

Kinabukasan...

Maagang nagising sil a Aiyana at Liam sa sikat ng araw..

"Morning!" bati nila sa isa't isa ng may ngiti sa kanilang mga labi

"Aga natin pareho ah?" masayang sambit ni Liam

"Alangan naman magpagising pa tayo kila Lola, mahiya ka naman! Nakikitulog at nakikituloy lang tayo dito noh!" paliwanag ni Aiyana kay Liam at bumangon na ito at nag-ayos ng sarili

"Sabagay! Masarap pa naman matulog kapag may kayakap" sambit ni Liam sabay taas baba ng kilay

"Dumali ka na naman sa kalokohan mo, tara na! Tayo na ang magluto ng agahan!" sabay bato ni Aiyana ng unan kay Liam

"Eto po tatayo na, etong future misis kong ito, di pa tayo kinakasal mandona ka na!" biro ni Liam kay Aiyana

"Ah mandona pala ah? Halika dito, dali halika dito!" naka crossarms na si Aiyana

"Joke lang! Tara ng magluto!" sabay hila ni Liam kay Aiyana palabas ng kusina

Nag-umpisa na silang magluto, medyo nanibago si Liam..

"Problema mo?" tanong ni Aiyana

"Naninibago kasi ako sa mga panggamit nila sa pagluluto dito!" sambit ni Liam

"Masanay ka na! Tulungan naman tayo eh!" sagot ni Aiyana kay Liam

"Sweet naman!" si Liam

"Tse!! Magluto na nga lang tayo!" at nagpatuloy na sila sa pagluluto ng agahan

Habang nakain sila ng agahan kasama si Lola Amelia at Lolo Generoso..

"Mga apo! Di ko akalain may talento pala kayo sa pagluluto?" papuri ni Lola Amelia

"Ang totoo po nyan si Liam po talaga ang masarap magluto, ako po sakto lang po!" sambit ni Aiyana kay Lola Amelia

"Pambihira apo, di lang pala nars ang iyong talento kung di sa pagluluto rin, napakasuwerte naman ni Aiyana sa iyo!" pagmamalaki ni Lolo Generoso kay Liam, ang lapad ng ngiti ni Liam

"Ngiting aso ka naman dyan!" biro ni Aiyana kay Liam

"Syempre naman! Atleast di ka na magugutom pa kapag ikinasal na tayo!" pagmamalaki ni Liam kay Aiyana

"Ewan ko sayo! Tapusin na nga natin kumain!" say ni Aiyana at nagpatuloy na silang kumain

Matapos kumain ng agahan ay nagpahangin muna si Aiyana at Liam sa Azotea (Veranda) ng lapitan sila ni Lola Amelia at Lolo Generoso

"Lo, La?" sambit ni Liam ng makita si Lola Amelia at Lolo Generoso

"Mga apo, tila may pinag-uusapan kayo seryoso ni Aiyana?" tanong ni Lola Amelia

"Ahm lola Amelia, lolo Generoso, nagpag-uusapan na po pala namin ni Liam na kailangan na namin makauwi sa kasalukuyang panahon, medyo napapatagal na rin po kasi ang magtigil po namin rito lalo na pa at halos isang taon na nakakalipas dito sa panahon nyo at gusto ko na rin po makasama ang lola Alicia at nanay ko po, sigurado pong labis na nangungulila na po sila sa akin.." pahayag ni Aiyana sa dalawang matanda

"Naiintindihan ko kayo apo, kahit labag man sa loob ko, alam kong darating at darating ang araw na kailangan nyo ng bumalik kung saan ang mundo nyo, mahirap makibagay sa mundong di mo naman kinalakhan kaya walang problema sa akin kung napagpasiyahan nyo ng umuwi dahil alam kong yun ang nararapat, nagbalik na ang alaala mo kaya marapat na makauwi na kayo sa mundo nyo, sa panahon nyo!" sambit ni Lola Amelia kay Aiyana at Liam

"Payag na rin ako mga apo na kayo ay bumalik sa panahon nyo dahil dun naman talaga ang inyong mundo hindi rito, kaya lang naman kayo napunta rito dahil sa kakagawan ng gahaman at matapobreng Mateo Abelino iyon, ngayin na desidido na kayong umuwi sa kasalukuyang panahon, tatanggapin namin iyon ng maluwag!" sambit naman ni Lolo Generoso sa dalawa

"Maraming salamat po lolo at lola sa pagpayag!" niyakap pareho ni Liam at Aiyana si Lolo Generoso at Lola Amelia

Matapos ang yakapan ay kumalas na si Liam at Aiyana..

"Nasa iyo pa rin ba Liam apo ang  susi ng portal?" tanong ni Lolo Generoso kay Liam

"Narito po lo, nakasabit sa akin!" sabay labas ni Liam ng kwintas na susi sa pagbubukas ng portal

"Mukhang kay Alicia galing yang kwintas na iyan apo?" takang tanong ni Lola Amelia kay Liam

"Papaano nyo po nalaman?" takang tanong ni Liam kay Lola Amelia

====================================

Next: Chapter 54

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now