Chapter 22

6 2 0
                                    

"Ginoong Liam?" nagcrossarms si Aliya ng makita si Liam na ang lapad ng ngiti nakatingin sa bagong ayos ni Aliya na tila isang simpleng dalaga ng Santa Cecilia na nakalugay ang buhok

Ngiting ngiti lang si Liam habang pinagmamasdan si Aliya na nakalugay, anaalala niya bigla yung time ng second anniversary date nila ni Aiyana..

Flashback...

Second year anniversary na nila Liam at Aiyana as a couple, dahil pareho silang busy duty nila sa ospital, nagpasya na lang silang mag dinner after the shift nila...

After Shift...

Nauna ng lumabas si Liam at matyagang hinihintay si Aiyana na lumabas galing sa ward

Ilang minuto pa ring naghihintay si Liam..

Biglang may nagtakip ng mata nya...

"Hulaan mo?" sambit ng boses babaeng nagtakip ng mata ni Liam

"Aiyana, alam kong ikaw yan!" nakangiting sabi ni Liam at tinanggal ni Aiyana ang mga kamay nya sa mga mata ni Liam, humarap si Liam kay Aiyana at napangiti siya ng malapad

"Bakit ganyan ang ngiti mo napakalapad? Okay ba ang ayos ko?" tanong ni Aiyana kay Liam

Nagpalit na ng damit si Aiyana at nakapang casual na pants and  checkered blouse na green, nakalugay ang kanyang buhok, kitang kitang ang kanyang ganda, bagay na bagay sa kanya ang nakalugay na buhok..

"You look pretty!" nauutal na sabi ni Liam, nagblush naman bigla si Aiyana sa comment ni Liam

"Halika na nga!" sabay angkla sa braso ni Liam

"We shall!!" sabay na naglakad ang dalawa habang kapit na kapit si Aiyana sa braso ni Liam papuntang parking

Fine Dine Restaurant...

Nakaready na ang kanilang dinner date...

"Aiyana?" tawag pansin ni Liam kay Aiyana

"Oh?" say ni Aiyana, may inilabas si Liam mula sa kanyang bulsa

"Happy 2nd Anniversary!" sabay abot ni Liam ng isang maliit na kahon kay Aiyana

"Thank you! Happy 2nd Anniversary!" masayang sambit ni Aiyana, binuksan na niya ang laman ng box laking gulat niya isang infinity bracelet

"You like it?" tanong ni Liam kay Aiyana

"Ang ganda, thank you!" masayang sambit ni Aiyana habang hawak hawak ang bracelet

"Isuot ko sayo, dali!" tinulungan ni Liam si Aiyana na isuot ang infinity bracelet

"Akala mo ikaw lang meron! Ako rin no!" may inilabas na medyo malaking box si Aiyana mula sa kanyang bag

"Happy 2nd my prince!" sambit ni Aiyana sabay abot kay Liam ng box, agad na binuksan ni Liam ang kahon at isang Rolex watch ang laman nito

"Wow!! Paboritong kulay ko pa talaga ito!" say ni Liam habang tinititigan ang Black Rolex watch na bigay ni Aiyana sa kanya

"Isuot ko naman yan sayo!" kinuha ni Aiyana yung watch at tinanggal ni Liam yung relos nya at hinayaan si Aiyana isuot sa kanya yung bagong relos sa left wrist nya

"Ang ganda bagay na bagay sa akin! Thank you my princess! Kilalang kilala mo talaga ako!" say ni Liam kay Aiyana

"Naku! Nambola pa! Kumain na nga tayo!!" natatawang  sabi ni Aiyana at nagpatuloy na sila sa pagkain

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now