Chapter 16

5 2 0
                                    

"Eto na ba ang portal papuntang nakaraan?"

Nagulat si Liam ng biglang nagkaroon ng hati ang liwanag sa gitna ng puno..

"So? Ikaw pala ang susi ng portal?" pinagmamasdan niya ang kwintas na ang loob ay lumang orasan habang malakas ang hampas ng hangin na nanggagaling sa portal

"Finally, makikita na rin kita Aiyana, hintayin mo ako!" unti unting pumasok si Liam sa loob ng portal at tuluyan na syang nakapasok at nagsara na muli ang portal..

Year 1890...

Isang maaliwalas na umaga sa bayan ng  Santa Cecilia..

Sa Tahanan ng mayamang angkan ng Abelino..

Abala ang mayamang ginoo na si Don Mateo Abelino y Barameda sa paghahanda ng agahan nila ni --

"Magandang umaga aking --" nagulat si Maria Aliya Abelino y Flores, ang may bahay ni Don Mateo Avelino

"Aking butihing asawa, kay ganda naman ng gising ng aking pinakamamahal ah!" hinalikan ni Don Mateo ang kamay ni Aliya, isang matipid na ngiti ang isinukli ni Aliya sa asawa

Mahigit isang taon ng simula nung iniuwi ni Don Mateo si Aliya, ito ay labis na pinagtataka ng mga kasamahan niya sa bahay dahil namatay ang unang dinalang asawa ng kanilang amo dalawang taon na nakakalipas bago dumating si Aliya na pinakilala niyang kanyang bagong asawa...

Flashback...

Isang taon na nakakalipas...

Taon 1889..

Abala ang mga kasambahay sa pag-aayos ng bahay ni Don Mateo Abelino y Barameda, isang mayamang ginoo mula sa Angkan ng Abelino ng Santa Cecilia

"Isang taon na rin nakakalipas simula nung namatay ang asawa ni Don Mateo dala ng labis na pagpapahirap ng Senyor sa kanya, grabeng pagmamalupit ang ginawa ng senyor sa pobresitang babae na kakakilala pa lang natin!" wika ni Elena kay Patricio na isang hardinero sa tahanan ng mga Abelino

"Higit na sobrang lupit ng senyor sa babaeng iyong lalo na sya ay labis na nakainom ng vino, kaawa awa talaga ang pagpanaw ng dayuhang babaeng iyon sa kamay ng ating amo.." napailing na lang si Patricio sa pag-alala sa malagim na sinapit ng asawa ni Don Mateo

Habang nag-uusap si Elena at Patricio, dumating si Roman, mensahero at katiwala ng mga Abelino..

"Elena, Patricio, isang liham mula kay Don Mateo!" abot ni Roman ng sulat kay Elena

"Ipaghanda ang aking tahanan, ako ay magbabalik na!" binasa ni Elena ang nakasulat, kahit na sila ay pangkaraniwang tao lang kay kahit papaano ay nakakabasa at nakakasulat sila

"Patricio! Ipagsabi sa lahat ng ating kasama na parating na ang Senyor galing sa kanyang paglalakbay, magmadali ka at mamayang gabi ay nariyan na siya!" dali dali umalis si Patricio para ipaalam sa lahat ng kasama na paparating na ang kanilang amo

Maggagabi na...

Isang kalesa ang pumasok sa loob ng bakuran ng mga Abelino, sinalubong siya ng mga tagapangalaga ng tahanan, laking gulat ng mga ito na sa pagbaba ng senyor ay may buhat buhat siyang duguan na dalaga na nasa halos bente singko ang edad..

"Ipaghanda ang isang silid madali kayo!" sambit ng senyor at agad agad inihanda ang isang silid para sa dalagang walang malay na may tama sa kanyang ulo

Inihiga ng senyor ang dalaga sa kama at nagmamadaling pumasok ang isang katiwala dala dala ang gamit ng senyor na pang doktor, ginamot ng senyor ang mga sugat at tama ng babae sa kanya ulo..

Takang taka ang mga tao sa paligid ng senyor sa kakaibang suot ng dalagang dinala ng senyor sa kanyang tahanan..

Makalipas ang ilang araw ng mahimbing na pagkakatulog ng dalaga, ito ay nagising na, sinalubong sya ng senyor..

"Salamat sa Diyos at nagising ka na.." sambit ng senyor sa babae, umupo ito sa tabi ng dalaga, dahan dahang umupo ang dalaga sabay biglang hawak ng kanyang ulo na binalutan ng makapal na tela para mapigilan ang pagdurugo ng napuruhang ulo nya

"Aray! Nasaan ako? Anong lugar ito?" takang taka ng dalaga

"Nasa aking tahanan ko, nakita kitang duguan at walang malay sa kagubatan at minabuti kong dalhin ka dito para magamot ang iyong tama sa ulo.." simpleng sambit ni Mateo sa dalaga

"Sadali bakit parang wala akong maalala, ano bang nangyayari? Bakit di ko matandaan ang nangyari? Sandali? Sino ako?" maraming tanong ang namutawi sa bibig ng dalaga, nagulat si Mateo dahil di nya maalala ang lahat maging ang kanyang sariling pangalan, sinamantala ni Mateo ang pagkawala ng ala-ala ng dalaga

"Huminahon ka, ikaw ay si Maria Aliya Abelino y Flores at ikaw ay aking asawa!" pagsisinungaling ni Mateo sa dalaga, nanlaki ang mga mata ng dalaga, nagulat ang mga katiwala ng senyor sa sinabing kasinungalingan ng kanilang amo

"Asawa? Ikaw ay aking asawa?" tanong ng dalaga

"Oo aking mahal, mag-iisang buwan na tayong kasal.." isang kasinungalingan muli ang namutawi sa bibig ni Mateo

"Kung gayon, bakit natagpuan mo akong duguan sa kagubatan kung ako ay iyong asawa?" takang tanong ng dalaga kay Mateo

"Tayo ay nagkaroon ng pagtatalo kaya ikaw umalis sa ating tahanan, agad naman kitang hinanap upang humingi ng tawad sa aking ginawa, ngunit natagpuan kitang duguan at walang malay kaya agad kitang iniuwi dito sa ating tahanan!"  sambit ni Mateo sa dalaga

"Maraming salamat sa pagsagip ng aking buhay!" pasasalamat ng babae kay Mateo

"Para sa aking butihing asawa, di kita pababayaan!" hinawakan ni Mateo ang pisngi ng biglaan ng asawa at tinignan ito kanyang mga mata, papalapit na ang labi ng senyor sa babaeng pinakilala nyang asawa niya ng biglang..

"Aray! ang ulo ko sumakit na naman bigla!" hinawakang ng parehong kamay ng babae ang kanyang ulo na namimilipit sa sakit

"Mabuti ay ikaw ay magpahinga na aking mahal, para bumilis ang iyong paggaling!" sambit ng dismayadong si Mateo dahil hindi nya nagawang halikan ang babae, agad namang humiga sa kama ang babae

"Pahinga ka lang nandito lang ako upang ikaw ay aking bantayan!" umupo sa isang upuan malapit sa kama si Mateo

Mahimbing na ang tulog ng dalaga, lumabas na si Mateo sa silid, nakita nyang ang naguguluhang mukha ng mga kasamahan niya sa bahay..

"Simula ngayon, makikilala nyo na siya bilang si Maria Aliya Abelino y Flores ang aking pinakamamahal na asawa! Naiintindihan nyo ba?" sambit ni Mateo sa mga kasamahan nya sa bahay

"Opo senyor!" sagot ng mga kasamahan ng senyor sa tahanan

"Mabuti!" ngumiti ang senyor at iniwan ang mga kasamahan nitong gulat na gulat sa pagsisinungaling ng senyor sa kanila

====================================

Next: Chapter 17


Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now