Chapter 15

5 2 0
                                    

One week after...

Nagulat na lang ang parents ni Liam na nag-eempake ito ng gamit nya sa isang camping bag

"Liam? Bakit ka nag-eempake?" takang taka na si Lanie sa kinikilos ni Liam

"Oo nga kuya, wag mong sabihin hahanapin mo ulit si Ate Aiyana?" say naman ni Claire

"Nagpaalam na ako sa ospital na mag-indefinite leave muna ako.." simpleng sagot ni Liam habang busy sa pag eempake ng mga kailangan nyang dalhin

"Indefinite leave? Ibig sabihin di mo alam kung kailan ka ulit papasok ganon?" react ni Claire sa kuya nya

"Yup, di ko alam kung kailan ako makakabalik or kung makakabalik pa ba!" humarap si Liam sa parents nya at kay Claire

"Liam, anong ibig mong sabihin na kung makakabalik pa ba? Ano na naman yang pinaplano mong bata ka?" sambit ni Leo sa anak

"Mahirap ipaliwanag dad, isa lang naman ang gusto kong mangyari eh, ang mahanap ko si Aiyana at maibalik sya dito" sagot ni Liam

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo hah? Liam Oliver? Handa kang i-risk yang buhay mo mahanap mo lang ang babaeng dalawang linggo ng nawawala!? Are you out of your mind son!? Ni hindi mo nga alam kung saan mo hahanapin siya, tapos makikita namin ngayon nag-eempake ka at sasabihin mo kung makakabalik ka pa? Liam!! Pinalaki ka namin ng mommy mo ng maayos na kahit sobrang pasaway mo noon ay nagbago ka--" di na pimatapos ni Liam ang dad nyang magsalita

"Tama ka dad, sobrang pasaway ko noon but everything change when I met Aiyana, she change me dad for the better, nagbago ako dahil sa kanya!! Kaya hayaan nyo akong hanapin sya!!" madiin na sabi ni Liam sa ama..

"Para ikapahamak mo na naman Liam? Alam mo ba yang ginagawa mo hah!? You are making the situation more difficult to resolve!!" tutol ng ama sa gustong gawin ni Liam

"Making the situation more difficult dad? I don't think so! Kaya ko ginagawa ito to resolve this situation I am facing right and that is to find her!!" matigas talaga si Liam

"Eh saan ka naman mag-uumpisang hanapin si Aiyana!? Sabihin mo nga sa akin Liam!?" nanggigigil na ang dad ni Liam sa kanya

"Kung saan man ako dahil ng paa ko papunta sa kanya.." simpleng sagot ni Liam at akmang lalabas na ng kwarto nya ng pigilan sya ng mama nya

"Liam anak? Delikado ang gagawin mong yan? Ni di mo nga alam kung saan sya hahanapin!" nagsalita na ang kanyang ina

Humarap si Liam sa mama nya at hinawakan ang kamay nito

"Ma, wag ka ng mag worry sa akin, kaya ko to! Di ko na hahayaan lumipas ang mga araw na di ko sya nakikita, kaya please ma, hayaan mo na ako, mag-iingat ako promise! I won't get hurt, mahalaga sa akin si Aiyana Ma, kaya ko gagawin to! Kaya di ako babalik dito hangga't di ko siya kasama, I'm sorry!" sabay bitaw ni Liam sa kamay ng ina at mabilis na bumaba ng hagdan ng marinig ang sigaw ng ina na umiiyak

"Liam anak!!!" sigaw ng mama nya, di mapigilan ni Liam lumuha habang pasakay ng sasakyan at tuluyan ng umalis

"I'm sorry ma, di ko alam kung anong maaaring mangyari pero kailangan ko syang makita" tanging sambit ni Liam sa kanyang sarili

Dumaan muna si Liam sa bahay nila Aiyana kung saan naghihintay si Lola Alicia sa kanya...

Bumaba muna ng sasakyan si Liam para lapitan si Lola Alicia..

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo apo?" pag-aalinlangan tanong ni Lola Alicia kay Liam

"Lola, nakapagdesisyon na po ako, handa na po akong gawin ito para makita muli si Aiyana" determinadong sinabi ni Liam kay Lola Alicia

"Iba talaga ang naging epekto sa iyo ng aking apo, buweno apo! Dalhin mo ito.." may ibinigay ng lumang kwintas si Lola Alicia kay Liam, nagtaka ang binata sa binigay ng matanda

"Para saan po ito Lola?" takang tanong ni Liam habang pinagmamasdan ang Lumang kwintas na binigay sa kanya

"Gaya ng sabi ko sa iyo nung nakaraan, mapanganib ang gagawin mo at di mo alam kung saan mo makikita ang portal patungong nakaraan, kaya dalhin mo ang kwintas na iyan, ang kwintas na iyan ang makakapagturo sa iyo kung nasaan at kung paano mo mabubuksan ang portal na nag-uugnay sa kasalukuyan at nakaraan, pakaingatan mo iyang kwintas na iyan, galing pa iyan sa ninuno namin.." paalala sa kanya ni Lola Alicia, ngumiti si Liam sa matanda

"Maraming salamat po talaga lola Alicia, pangako po di ako titigil hangga't di ko naiuuwi si Aiyana sa kasalukuyan panahon ito, hintayin nyo po sya lola, ibabalik ko po sya dito ng buo!" buong loob na pinangako ni Liam ito sa lola ni Aiyana

"Tandaan mo iho, ang nakaraan ay hindi parang kasalukuyan, maraming iba at maaari kang masaktan o mapahamak, mag-iingat ka!" sambit ni Lola Alicia kay Liam

"Opo Lola, mag-iingat po ako!" say ni Liam

"Kunga gayon, pumunta ka na sa paroroonan mo, isa pang paalala, ano mang pagsubok ang kaharapin mo sa iyong paglalakbay, laging isipin na nasa tulong ng kabutihan at pag-ibig malalagpasan mo ito kahit na ang matinding kaharap mo ay ang iyong kahinaan!" medyo napaisip si Liam sa hulinh bilin ni Lola Alicia sa kanya

Nagpaalam na sya sa matanda at pumunta na sa lugar na sinabi nito...

Makalipas ang ilang oras na paglalakbay...

Nakarating na si Liam sa isang pamilyar na lugar...

"Sandali? Parang ang liblib ng lugar na ito ah?" takang taka si Liam sa lugar na napuntahan nya

Isang liblib na kagubatan ang ibinigay na direksyon sa kanya ni Lola Alicia..

"Ang sabi sa akin ni Lola Alicia, hanapin ko yung nag-iisang puno na nasa kalagitnaan ng kagubatang ito.." patuloy sa paghahanap si Liam sa punong iyo ng biglang umilaw ang kwintas na nakasabit sa kanya na ibinigay ni Lola Alicia

Biglang umangat ang kwintas at hinila si Liam sa lugar kung saan nakapwesto ang puno sa kalagitnan ng gubat

Lumipas ang ilang minuto, huminto ang pag-ilaw ng kwintas at nagulat na lang siya na nasa harapan na niya ang mahiwagang puno..

"So ito na ang mahiwagang punong sinasabi ni Lola Alicia.." di makapaniwala si Liam na nakita na nya ang punong ito, tinignan niya ang kwintas na nakasuot sa kanya

"Nasaan kaya ang portal rito at paano kaya mapapabukas nitong kwintas na ito ang portal na iyon?" tanong ni Liam sa sarili, nacurious sya na bakit parang may ilaw mula sa loob ng kwintas na hindi gaya ng kanina

Binuksan nya ang kwintas na hugis locket ng mabuksan nya ito, isang lumang orasan ang tumambad sa kanya, bigla na lang itong tumakbo ang oras ng pabaligtad at bigla na lang lumakas ang hangin at nagliwanag ang paligid ng puno, bigla na lang may lumitaw na kulay asul sa gitnang puno at nagbukas ito sa gitna..

"Eto na kaya ang portal?" gulat na tanong ni Liam

===================================

Next: Chapter 16

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now