Chapter 19

6 2 0
                                    

"Aiyana?" laking gulat ni Liam ng makita ang babaeng tinulungan niya

"Aiyana? Sinong Aiyana ginoo?" takang tanong ni Elena sa kanya

"Sinong Aiyana ginoo?" sambit ni Aliya kay Liam

"Ikaw ba yan Aiyana?" tanong muli ni Liam kay Aliya

"Ginoo, siya po si Senyorita Maria Aliya Abelino y Flores, asawa po ng tanyag na doktor po rito sa Santa Cecilia si Senyor Mateo Abelino y Barameda!" pagpapakilala ni Elena kay Aliya sa ginoo

"Hindi ako pwedeng magkamali, walang ibang kawangis si Aiyana, alam kong ikaw si Aiyana!" pagpupumilit ni Liam kay Aliya

"Ginoo, mawalang galang na Aliya ang aking ngalan hindi Aiyana!" sambit ni Aliya kay Liam

"Di mo ba ako natatandaan Aiyana, ako to si Liam! Ako to, yung mapapangasawa mo! Fiance Mo!" pagpupumilit ni Liam kay Aliya, naguguluhan na si Aliya sa pinagsasabi ni Liam

"Sandali nga! Papaano naman ikaw ang aking mapapangasawa gayun pa man may asawa na ako, nahihibang ka na ata ginoo! Mabuti ay humayo ka na sa iyong paroroonan at salamat na lang sa pagtulong sa amin ni Elena!" sambit ni Aliya kay Liam

"Pero--" di na pinatuloy ni Aliya sa pagsasalita si Liam

"Elena halika na! Baka tayo ay gabihin pa sa daan!" sabay hila ni Aliya kay Elena palayo kila Liam at Lolo Generoso

Tulala na lang si Liam habang pinagmamasdan ang babaeng malakas ang kanyang kutob na si Aiyana iyon..

Nilapitan siya ni Lolo Generoso..

"Apo, parang natatandaan ko ang wangis ng babaeng iyon, kung hindi ako nagkakamali siya yung nakita kong babaemg duguan nung nakaraang taon ja buhat buhat ng isang ginoo pasakay ng kanyang kalesa!" sambit ni Lolo Generoso kay Liam

Huminga ng malalim si Liam..

"Lo, malakas ang kutob kong si Aiyana ang mestizang babaeng yun, alam ko! Kailanman di ko malilimutan ang kanyang wangis, ang pinagtataka ko lang bakit tila bay nakalimutan na nya ako?" tanong ni Liam kay Lolo Generosos

"Ayan ang di ko masasagot sa iyo apo, marahil siguro ay may nangyari ng siya ay dinala ng ginoo dito sa panahon namin!" sambit ni Lolo Generoso

"Kailangan ko malaman kung saan natuloy ang mestizang babaeng iyon, halika na po lo, ating sundan ang babaeng iyon!" nagpatuloy sa paglalakad sila Liam at Lolo Generoso patungo sa dereksyon nila Aliya at Elena

Samantala...

Maggagabi na...

Tapos na ang pagpupulong ng mga doktor kasama ang alkalde ng Santa Cecilia, pauwi na si Ginoong Mateo Abelina sa kanyang tahanan sakay ng kanyang kalesa..

Ilan minuto lang ang biyahe at nakarating na rin ang ginoo sa kanyang tahanan at nais ng makita ang kanyang asawa..

Bumaba siya sa kanyang kalesa at patungo na sa loob ng bahay..

"Magandang gabi po Ginoo!" bati ng isang kasamahan sa bahay

"Magandang gabi, nasaan na si Aliya?" sambit ni Mateo

"Naku senyor, wala pa po ang senyora, lumabas po kasama si Elena namili ng mga sahog ipanluluto ng hapunan!" sambit ng isang kasama sa bahay..

"Ang sabi nya siya magpapahangin lang sa may labas!" sambit ni Mateo, nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang hinihingal na si Aliya at Elena

Lumingon ang ginoo sa may pintuan...

"Mahal ko, saan ka naman nanggaling tila yata napapadalas ang pagtakas mo ng walang paalam?" lumapit si Mateo kay Aliya at hinawakan ito sa braso ng mahigpit, nagulat ang mga kasamahan nito pati si Elena

"Ano ba Mateo! Nasasaktan ako!" pagpupumiglas ni Aliya sa hawak ni Mateo

"Pasalamat ka Mahal ko, maganda ang naging usapan namin kanina ng mga doktor at ng alkalde kung hindi, di lang yan ang matitikman sa pagtakas mo na naman ng walang paalam!!" sabay bitaw ni Mateo sa braso ni Aliya

Isang matalim na tingin ang isinukli ni Aliya kay Mateo..

"Mateo!! Ngayon lang ako nakatakas ng di mo nalalaman, bakit? yung mga nakaraan pagtatangko nagtagumpay ba ako? Hindi ba hindi dahil sa mga matang yan na daig pang mga lawin!! Kaya wag na wag mo akong susumbatan na hindi ako nagpapaalam sayo!!" ginantihan ng matatalim na salita si Mateo ni Aliya

"Tandaan mo to Aliya! Hindi hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na to hangga't di ako kasama!! Naiintindihan mo ba ako!!" madiin na sambit ni Mateo sabay talikod kay Aliya

Naiwan sa may pintuan si Aliya at Elena...

"Okay ka lang senyorita?" tanong ni Elena kay Aliya

"Mauna na ako sa kwarto Elena, salamat sa pagsama sa akin sa labas!" sambit ni Aliya sabay deretso sa kanyang silid

Nilapitan ni Patricio si Elena..

"Grabe na ang pagmamalupit at paghihigpit ni senyor Mateo kay Aliya, parang nakikita ko na naman ang nangyari sa unang asawa nito!" sambit ni Patricio kay Elena

"Kaya nga Patricio, pero alam kong matapang at matatag si senyorita Aliya kumpara mo sa naging unang asawa ng senyor alam kong malalagpasan nya ito!" sambit ni Elena kay Patricio at sabay na silang pumunta sa kusina para ipaghanda ng hapunan ang senyor..

Mula sa di kalayuan sa bahay ng Abelino..

Nakatanaw si Liam kasama ang kanyang lolo Generoso..

"Apo, dyan nanunuluyan ang sinasabi mong si Aiyana?" sambit ni Lolo Generoso

"Opo lo, nakita kong pumasok ang dalawang babaeng iyon sa magarang bahay na iyan!" sambit ni Liam sabay turo sa bahay ng Abelino

"Ayan apo ang bahay nga ng doktor na si Mateo Abelino, isang tanyag na doktor nga ang ginoo iyon na sinasabing asawa ng babaeng kawangis ng babaeng hinahanap mo!" kwento ni Lolo Generoso

"Kailangan kong makalusot sa bahay na iyan na di nila nalalaman!" say ni Liam

"Apo, delikado ang gagawin mong iyan paano kung mahuli ka ng ginoo?" paalala ni Lolo Generoso kay Liam

"Lo, kailangan kong malaman kung sino ang doktor na yan na kumuha kay Aiyana, at kailangan ko rin malaman kung bakit di ako matandaan ng babaeng mahal ko?" pagpupumilit ni Liam

"Apo, delikado, baka ipadakip ka at ikulong sa kwartel!" sambit ni Lolo Generoso kay Liam

"Lo, magaling ako sa ganyan, kaya wag po kayong mag-alala, dito po muna kayo ah! Sandali lamang po ako!" sambit ni Liam sabay karipas ng takbo papunta sa bahay ng Abelino at di na ito napigilan pa ni Lolo Generoso

===================================

Next: Chapter 20

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now