Chapter 35

10 2 0
                                    

Nasa bayan na si Patricio upang hanapin muli si Aliya bago pa sya maunahan ng mga guwardya sibil, napakaraming tao ngayon sa bayan araw ng pamamalengke ng karamihan kaya mahirap ang daan..

Patuloy sa paghahanap ang mga guwardiya sibil sa bawat sulok ng bayan..

Samantala...

Matapos ng ilang minutong paglalakad pababa ng bayan ay nakapasok na sila Liam at Aliya sa bayan ng Santa Cecilia..

"Napakarami atang tao ngayon?" sambit ni Liam habang naglalakad sila sa kalagitnaan ng bayan

"Araw ng pamamalengke ngayon kaya maraming tao sa bayan!" sagot naman ni Aliya sa kanya

"Uso na rin pala sa panahong to ang araw ng palengke" si Liam

"Natural! Ito yung araw kung saan namimili ang mga tao ng maramihan kaya maraming namimili ngayon!" sambit muli ni Aliya

Habang papunt ang dalawa sa dereksyon ng bahay ng mga Abelino ay may napansin sila..

"Bakit may mga guwardiya sibil sa ganitong oras?" sambit ni Liam ng makalapit sila sa kinaroroonan ng mga ito ay may narinig sila na ikinagulat nila pareho

"Mayroon ba kayong namataan na isang babae na di nalalayo  sa isang mestiza de sangley?" sambit ng isang guwardiya sibil sa mga namimili roon

Sa kinatatayuan nila Liam, hinawakan nya agad ang kamay ni Aliya..

"Bakit?" tanong ni Aliya kay Liam

"Mukhang ikaw ang tinutukoy ng mga guwardya sibil na yan!" bulong na sabi ni Liam kay Aliya

"Ano? Huwag mong sabihin na--" bago pa matapos si Aliya sa pagsasalita ay hinila na siya ni Liam patungon sa ibang direksyon papunta sa bahay ng Abelino palayo sa mga guwardiya sibil

Nagmamadaling maglakad si Liam hila hila si Aliya ng may --

*Blags*

May nabangga silang lalaki at napaupo ito sa lapag...

"Pasensya na nagmamadali kasi kami ng kasama ko eh!" sambit ni Liam ng tumingala ang lalaki at laking gulat nito

"Liam?" sambit ng lalaki kay Liam

"Patricio?" tanong pabalik ni Liam sa lalaki

"Ako ng kaibigan!" sambit ni Patricio matapos syang tulungan tumayo ni Liam

"Ikaw nga, kumusta?" sambit ni Liam

"Eto mabuti naman, kahit na may masakit na nangyari sa mansyon" pilit na ngiti ni Patricio ng sumabat si Aliya sa usapan

"Magkakilala kayo?" tanong ni Aliya kay Liam, nagtaka naman si Patricio kung sino ang kasama ni Liam

"Oo, nagkausap kami nung isang gabi, nagkakuwentuhan!" simple sambit ni Liam kay Aliya

"Kaibigan? Sino iyang kasama mo? At tila boses babae na nakatago sa kasuotang panglalaki?" tanong ni Patricio kay Liam

"Di mo sya nakikilala Patricio siya si --" bago pa maipakilala ni Liam si Aliya ay biglang --

"Liam papalapit na ang mga guwardiya sibil!" sabay may inabot na kapirasong papel si Patricio kay Liam at agad itong umalis

Napansin rin nila Liam ang mga guwardiya sibil na papalapit, agad naman nagmadaling naglakad sila Liam at Aliya papalayo sa mga guwardiya sibil na nagroronda..

Nakahinga sila Liam at Aliya ng wala na sa kanilang paningin ang mga guwardiya sibil..

Malapit na sila sa Bahay ng mga Abelino at agad munang nagtago dahil may lumabas na tao..

"Sandali parang namumukhaan ko ang lalaking yan ah?" sambit ni Liam kay Aliya

"Si Mateo Abelino y Barameda, ang tanyag na doktor ng Santa Cecilia, asawa ko!" sagot ni Aliya, medyo nag-iba ang awra ni Liam ng makita ng malapitan ang matapobreng senyor

"Hindi ako maaaring magkamali!? Paano sya napunta sa panahong to!?" nakakaramdam na ng inis si Liam ng makita si Mateo ng ganyang kalapit

"Ano bang iyong pinagsasabi dyan? Anong hindi ka maaaring magkamali? Kilala mo sya?" sambit ni Aliya kay Liam

"Dahil ang lalaking yan at ang kinaiinisan kong doktor sa panahon namin ay iisa!" seryosong sagot ni Liam habang matalim ang tingin kay Mateo sa di kalayuan

"Ano!? Papaano nangyari yun?" takang taka na si Aliya sa mga pinagsasabi ni Liam ng biglang takpan ni Liam ang bibig nito

"Mmmm!" pilit ni Aliya magsalita

Ilang minuto pa ay tinanggal na ni Liam ang kamay nya sa bibig ni Aliya..

"Bakit ba!?" naiinis na tanong ni Aliya sa ginawa ni Liam

"Pinapakinggan ko ang pinag-uusapan ng Mateo na yan at ng Alferez!" sagot ni Liam

"Anong pinag-uusapan nila?" tanong ni Aliya

"Mukhang tama nga ang dinig ko mula sa mga guwardiya sibil kanina sa bayan, ikaw nga ang hinahanap nila at utos yun ng matapobreng asawang kuno mo!" paliwanag ni Liam kay Aliya

"Anong asawang kuno ka dyan?" di maintindihan ni Aliya ang pinagsasabi ni Liam

"Nagpapanggap na asawa mo, yun!" sagot ni Liam kay Aliya

"Teka nga! Paano mo naman nasabing nagpapanggap yang si Mateo na asawa ko?" sambit ni Aliya sa kanya

"Ang sabi ko sayo di ba pag naging maliwanag na yang utak mo okay!" sagot naman ni Liam

Sa puwesto ni Mateo at Alferez..

"Bueno! Alferez! Pagbutihin nyo pa ang paghahanap sa aking asawa at sa tumulong sa kanya, gustong gusto ko ng makita ang lapastangan nagbigay ng lakas ng loob kay Aliya na tumakas at suwayin ako ng ganto!" gigil na sagot ni Mateo sa Alferez

"Makakaasa ka sa aking mga guwardiya sibil senyor!" sagot ng Alferez kay Mateo

"Gawin nyo lahat para makita sila, buhay o patay!" seryosong sagot ni Mateo

Sa pwesto nila Liam at Aliya...

Nanlaki ang mga mata ni Liam at Aliya sa narinig nila mula kay Mateo...

"Aliya mukhang kailangan na nating bumalik sa bahay ni Lolo Generoso bago pa may makakita sa atin dito!" bulong ni Liam kay Aliya

"Walang hiyang Mateo yan! Talagang di niya ako tatantanan kahit na buhay o patay!" nanggigil na si Aliya kay Mateo ng hawakan ni Liam ang kamay nito

"Mamaya ka na manggigil ng husto, halika na bago pa tayo makita!" tahimik na umalis si Liam at Aliya sa kinatataguan nilang lugar malapit sa mansyon ng Abelino

Di namalayan nila Liam at Aliya na may sumusunod na pala sa kanila..

Iwas na iwas ang dalawa sa mga guwardiya sibil na nakakasalubong nila hanggang sa nakarating sila sa labas ng bayan ng di napapansin ng mga guwardiya sibil, eksaktong mag alas tres na ng hapon..

"Grabe, di na tayo nagtanghalian nyan hah?" reklamo ni Aliya ng naglalakad na sila papasok ng kagubatan

"Sa bahay na lang tayo bumawi ng kain, tsaka maiisip pa ba natin kumain na ngayon alam na natin na mga guwardiya sibil na ang naghahanap sa atin, kasama na ako sa wanted ngayon, galing Liam, pumunta ka nga dito sa panahon to para hanapin si Aiyana, anyare? para tuloy akong prisonerong nakatakas sa kulungan na ngayon ay tinutugis na dahil may tinulungan akong magandang dilag na tumakas mula sa kanyang asawa!" nagmonologue na si Liam sa harap ni Aliya

"Wanted? Ibig sabihin parang pugante ganon?" si Aliya

"Mukhang yun ang magiging papel ko sa mga oras na to!" sagot ni Liam

"Mukhang galing ka rin sa ibang panahon Liam?" natigil si Liam at Aliya sa kwento nila ng may nagsalita mula sa likuran nila

Lumingon sila at nakita si ---

====================================

Next: Chapter 36

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now