Ang Lihim ni Inday

739 10 3
                                    

As Seen on MY Second Story 

"Inday! Ang TANGA ! TANGA MO." sigaw ng amo ni inday.

"Sori po mam! Ibawas nyo nalang po sa sweldo ko ngayong buwan."

"Ibawas ? Eh halos lahat nabasag mo na sa bahay na to eh ngayong buwan. Wala ka munang sweldo ngayong buwan. "

"Mam wala pong kakainin ang mga anak ko ngayong buwan mam please ! nagmamakaawa po ako sa inyo."

"Wala nang pero pero wala ka munang sweldo."

Iniwan ng amo nya si inday paano ba naman kasi. Nabasag na naman ni inday ang vase sa may sala habang naglilinis sya.

Tuwing lilipas ang isang buwan pakonti ng pakonti na ang sweldo ni inday. Nasa probinsya kasi ang pamilya ni inday. Sya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya.

Pumunta na si inday sa maid's quarter' . Nagkulong sya sa pinto. Humagulgol sya ng iyak. Iniisip nya kung paano mabubuhay ang pamilya nya ngayong buwan. Lasingerro kasi ang asawa nya. Lahat ng padala ni inday puro sa toma lang dinederetso ng asawa nya. Kaya ang pinapadala nyang budget nagkukulang para sa pantustos nya para sa pamilya nya.

Lumipas ang oras hagulgol lang ng hagulgol si inday. Yung ibang maid nag aalala na sa kanya. Hindi pa sya kumakain ngayong araw. Halos sarado buong araw ang maid's quarter .

"INDAY ! INDAY ! INDAY! INDAY! " nakailang sigaw na ang amo nya ngunit hindi parin sumusulpot si inday.

Makailang minuto lamang. Dumating ang isang maid ngunit hindi si inday.

"Manang Cely. Asan si inday?"

"Ah ? Si inday po ba ? nasa maid's quarter pa po eh hindi nga po nalabas ng kwarto nya."

"Ah ganon ba mang Cely sige hayaan nyo muna mapag- isa si Inday hindi ko kasi sya sinuweldohan ngayon buwan. Paano ba naman kasi kilala nyo naman siguro si inday diba ? ang dami nya nang nabasag."

"Ah ? Oo nga po mam eh ano nga po palang pag uutos nyo." wika ni Cely.

"Kunin mo nga yung gamot parang masama yung pakiramdam ko eh."

"Sige po Madam ! "

*KINAGABIHAN*

Dumating na ang asawa ng amo ni inday.

"Ser! Ser! Si Mam po inaapoy ng lagnat."

"Asan sya ngayon!?"

"Nasa kwarto po."

Dali dali pumunta ang yung asawa nya sa kwarto nya.

Nasa harap palang sya ng pinto kakaaibang aura na ang bumalot sa kanya.

Pagkapasok nya sa kwarto. Kitang kita nyang nanghihina na ang kanyang asawa. Kung kaninang umaga masigla pa ang katawan nito ngayon para nang isang lantang gulay ang kanyang asawa maputla na ito kung dati kulay pula ang labi nito ngayon kulay itim na.

Nanlumo ang kanyang asawa sa kanayang nakita. Bigla nalang may tumulong luha sa kanyang mga mata.

Dali dali ring sumunod si Cely sa kwarto.

"CELY ! Anong nangyari sa mam mo ba't sya nagkaganto ?" humahagulgol na tanong ng asawa nya.

"Hindi ko po alam ang nangyari ! "

Mas lalong ikinagulat ng dalawa ang sumunod ang nangyari.!

May lumabas na kakaibang insekto sa katawan ng babae. Animo'y ipis ito pero sobrang itim ng ipis.

Kasunod nito lumabas narin ang alupihan, bubuyog, bangaw at kung ano ano pang insekto sa katawan nya,

Nanlumo ang dalawa sa nakita, maya maya lumabas din ang dugo mula sa mata ng babae, lumuluha na ito ng dugo.

Kumukurap na ang mata ng babae. Mukha na syang walang buhay.

Hanggang sa bigla nang sumara ang mata nung babae.

*KINABUKASAN*

Namatay na ang dalaga, Nung binuksan yung kwarto ni inday wala na sya doon pero nabigla sila nung binuksan yung pinto ni inday. May voodoo dolls na nakapaligid, at karayom na nakatusok sa voodoo dolls at mga insekto na patay.

Hindi parin malaman ng pulisya kung anong sanhi ng ikinamatay ng babae at mga misteryosong voodoo dolls na natagpuan sa kwarto ni inday.

Wakas.

Tingin nyo anong propesyon ni inday hahaha? Sorry ang panget ng chapter ko haha. bawi nalang next time woohoo. :D

VOTEII COMMENTII BECOME A FAN

NilalangWhere stories live. Discover now