UV Express (Spookify)

485 7 0
                                    

UV EXPRESS
Source: Spookify (story not mine!)

Author's Note: Medyo tuminding balahibo ko habang binabasa 'to, ingat sa pagbabasa nito lalo na sa gabi! 

"Hi spookifiers! I just want to share my experience, yung dahilan kung bakit ilang months akong di sumakay sa UV Express dahil sa trauma.

Ako kasi malakas ang kutob ko sa mga bagay bagay kaya kahit gusto kong matulog sa byahe di ko magawa kasi iba ang nafi-feel ko, something na KAKAIBA talaga. Di ako nagkamali.

 Nung nasa may part na kami ng Espanya binuksan ni manong driver yung fm para may pampabuhay naman sa loob, nung una ok ang tunog nya pero ilang saglit lang naging....choppy yung tunog. "ckrrrrrrkkkkkkkk....crrrkkkk" basta ang sakit nya sa tenga, napaka unusual nun kasi kung nawalan man ng signal yung radio, magiistop lang yun hindi ganun maya maya mas naging weird ang tunog after ng series of "Krrrrrrkckkkkkkkrrrrrrk"

Biglang nagkaroon ng matining na tunog, yung sobrang sakit sa tenga kaya biglang napatay ni Manong yung radio. Napatingin ako sa kanya at napansin kong nagtaka talaga sya, humarap sya sakin at parang pinalubag nalang nya ang loob ko at sinabing "Nagloloko talaga minsan tong radio" pero bakas pa rin sa mukha nya ang pagtataka, kitang kita ko yun dahil katabi ko lang sya.

Maya maya nung nandon na kami sa may welcome rotonda, nagpatay sindi yung blue lights sa fx, seriously lalo akong kinilabutan, narinig ko pa si kuya sa likod ko na nagc-COC na nagsabing "Ano ba yan nakakagulat naman yang ilaw"

 Liningon ko yung likod at medyo nagising yung isang ate sa likod ng driver pero nagtataka ako kasi parang di ko maaninag mukha nya, pero sa isip ko nun baka dahil natatabunan lang ng buhok nya. Maya maya pa nagbayad si ate na nanggaling sa Morayta "Kuya Litex lang po galling Morayta" sabay abot nya kay kuyang nagc-COC, na pinagtaka ko, bakit dun nya inabot, eh gising na naman yung isang ate sa harap nya.

 Kaya medyo nabeastmode si kuyang nagc-COC, kasi nga naman naabala pa sya eh pwede naman ipaabot dun sa babae, "Ano ba naman yan, bayad daw kuya oh" sabi nya.

 Tapos pinasuyo sakin ni kuya na kumuha nalang ako ng 10 pesos at ipaabot ko nalang, yun yung sukli ni ate, so sige, ayos lang, kumuha ako ng 10 pesos at dahil ayoko ng mabeastmode si kuya, dun ko nalang sa may dalawang babae inabot "Makikisuyo lang po, sukli daw po" sabi ko sabay abot ng sukli, pero nagtaka ako, di lang ako pati ang driver at lahat sila. "Ne, kanino mo inaabot?" sabi ni Manong, "Dun po ka........." pag lingon ko................. WALA YUNG DALAWANG BABAE NA KANINA LANG AY NATUTULOG!!!! WALA TALAGA.

Napatingin naman sakin si kuyang naka-earphone at si ate galing sa Morayta ay nagsalita "Bakit po Miss?" tanong nya dahil natulala talaga ako as in. Lumingon naman si kuyang nagcCoC sa tabi nya at napahinto sya ng paglalaro at talagang namumutla sya, bigla nyang sinabunutan yung sarili nya "Miss, nakita mo rin diba? Nakita mo rin sila? Di naman ako nababaliw di ba?" tanong nya, mangiyak ngiyak ako nun dahil akala ko ako lang ang nakakita.

Hininto ni Manong driver ang FX sa may footbridge sa may Delta para makarelax kami at kumalma, sabay tanong nya "Ano ba nangyari neng?" mangiyak ngiyak pa rin akong sumagot "Kuya meron pong dalawang babae jan kanina na natutulog, promise po kitang kita ko" sabi ko, sabi naman ni kuyang nagcCoC "Ako rin po kitang kita ko, alam kong may katabi akong dalawang babae dito kanina" sabi nya. "Pano nangyari, wala namang sumakay na dalawang babae jan, kayo kayo lang pasahero ko" sabi ni Manong, sumabat naman si kuyang naka earphone "Tsaka wala kaming nakita dito sa likod, ikaw (referring to kuyang nagcCOC) lang naman magisa ang nakaupo jan kanina pa, wala kaming nakita dito sa likod."

 Sabi nya at tumango naman si ate sa tapat nya. "Tangina, bat naman kami magsisinungaling, dalawa pa kami nagsabi di nga kami magkakilala" sabi ni kuya. Maya maya sumabat si Manong "Sa totoo lang kahit di ko nakita, naniniwala ako sa inyo dahil iba rin ang pakiramdam ko kanina pa" Nagpray kami na linead ni Manong para maging safe ang pagpapatuloy ng byahe namin, lumipat din si ate sa tabi ko, bale dalawa na kami sa harap, at si kuya naman ay tumabi na rin dun sa isang kuya na nasa likod ko. Bale bakante na ang pinakadulong part.

Nagpatuloy kami sa byahe, nagusap usap nalang kami kahit di kami magkakakilala para mawala ang takot na naramdaman namin, so yun medyo kumalma na kami at umayos na ang lahat hanggang nung nandon na kami sa may footbridge sa may perya ba yun basta bago magEver.

 Nagpatay sindi na naman ang ang ilaw, maya maya may nagsabing "Sa tabi lang po......." Boses babae, napalingon si Manong samin kasi kaming dalawa lang naman ang babaeng pasahero sabi nya "Bababa?" "Sa SM pa po ako" sabi ko "Sa Litex pa po ako" sabi naman ni Ate na katabi ko, maya maya, kinalabit ako ni kuyang nakaearphone sa likod at nanginginig nyang sinabi "Tang-ina,,...ting---nan nyo, si--la ata ang bababa" paglingon namin halos manigas ang buong katawan ko, sa may dulong bakanteng part, nandon yung dalawang babae na duguan ang mukha at walang mata!! At ilang Segundo lang nawala sila, pero maya maya bigla nalang silang sumulpot sa may MISMONG HARAP NG FX, GALING SA BUBONG! Halos mamatay ako nun sa takot.
"

Alexis
Fairview, Q.C

Goodnight

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NilalangWhere stories live. Discover now