Mga batang kalye

1.5K 18 0
                                    

Pulos puti ang nakita niya sa mga mata nito nang tanggalin nito ang dalawang kamay sa mukha nito at humarap sa kanya.

SUNUD-SUNOD na bumusina si Leonard. Apat na bata marahil ay sampu hanggang labing-apat na taong gulang ang mga edad ang naglalaro sa kalye at halinhinang tumatakbo patawid ng kalsada. Tatlo ang lalaki sa mga ito at nag-iisa lang ang babae na tila pinakamatanda sa grupo. Puwede siyang lumusot pero natakot siya na baka may mabundol siya sa mga bata.

Sa wakas ay gumilid sa kalsada ang apat na bata pero iyon ay pagkatapos siyang pukulin ng matatalim na tingin ng mga ito. Gusto niyang kastiguhin ang mga magulang ng mga batang ito na hinahayaang maglaro sa kalye kahit ala-una na ng madaling-araw? Ang tanong lang ay kung may mga magulang pa ang mga musmos na iyon. Sa tantiya niya ay sa kalye na nakatira ang mga iyon.

Mabagal pa rin ang takbo niya kahit nag-iisa na lang yata siya sa kalyeng iyon. Kung hindi siguro nangyari ang trahedya noon, baka pinalipad na niya ang sasakyan niya.

Tatlong taon na ang nakararaan nang may aksidente siyang masagasaan. Lalaki ito, treinta anyos. Dahil agad na pinanaigan siya ng takot na makulong, ang unang naisip niya ay ang takbuhan ang biktima niya. Sa tingin niya, dahil madaling-araw na at malakas pa ang ulan nang mga oras na iyon, walang nakakita sa nangyari.

Pero inusig siya ng konsiyensiya niya bago pa siya ganap na nakalayo. Bumuwelta siya pabalik sa nakahandusay na lalaki. Isinugod niya ito sa ospital pero binawian din ito ng buhay habang inooperahan. Laking pasasalamat niya nang ipasya ng pamilya nito na huwag nang magdemanda at ipasagot na lang sa kanya ang mga naging gastusin ng mga ito sa ospital. Tutal naman daw ay aksidente lang ang nangyari at hindi naman niya pinabayaan ang biktima. Mahirap lang ang pamilya ng biktima kaya hindi lang panggastos sa ospital ang salaping ibinigay niya sa pamilya nito.

Pagkatapos ng malungkot na insidenteng iyon, halos dalawang taon siyang hindi humawak ng manibela. Na-trauma siya, natakot na kapag nagpatakbo uli siya ng sasakyan ay makakaaksidente uli siya at makakapatay. Ngayon na lang uli siya nakapagmaneho pero sobrang ingat naman siya. Madalas tuloy ay nabubusinahan na siya ng mga kasunod na sasakyan niya dahil minsan ay sumosobra ang bagal niya.

Mayamaya ay napakislot siya nang may marinig siyang pagsabog. Ang gulong pala niya ang sumambulat.

Inabot yata siya nang isang oras sa pagpapalit ng gulong. Pag-andar uli niya, nakarinig siya ng ingay sa bubungan ng kotse niya. Parang may tao o hayop doon na tumatalun-talon.

Inihinto niya sa isang tabi ang kotse niya. Pero nang lumabas siya ng sasakyan, wala naman siyang nakitang tao, hayop o anumang bagay sa bubungan niya. Kung anuman iyong narinig niya, baka nalaglag na iyon bago pa man siya nakahinto. At hindi naman siguro tao iyon.

Para makatiyak, tumingin siya sa direksiyong pinanggalingan niya, pero wala siyang nakitang taong nakahandusay roon.

Pumuwesto na uli siya sa harap ng manibela pero bago uli niya napaandar ang sasakyan ay napapitlag siya nang may makita siya sa backseat. Isang batang lalaki, marahil ay dose anyos ang edad.

“Pagbutihin mo ang pagmamaneho mo, ha?” sigaw nito sa kanya bago ito humalakhak nang pagkalakas-lakas. Sinipa nito pabukas ang pinto ng kotse niya at tumakbo palayo.

Hindi na niya tinangkang habulin ito ngunit lumabas siya ng sasakyan at sinundan na lang niya ito ng tingin. At sa pagkagulantang niya, unti-unting naglaho ang bata habang kumakaripas ito ng takbo. Biglang nanindig ang mga balahibo niya. Sigurado siyang hindi siya namalikmata lang. Talagang unti-unting naglaho ang bata sa paningin niya.

“Hoy!” Narinig niyang may sumigaw sa kanya mula sa likuran. “Sino yang tinitingnan mo?”

Paglingon niya ay isa pang batang lalaki, na marahil ay dose anyos din ang edad, ang nakita niyang nakatayo sa bubungan ng kotse niya.

NilalangWhere stories live. Discover now