HINDI NGA AKO ANG MAMA MO!

590 5 1
                                    


HINDI NGA AKO MAMA MO!

Hi spookify readers! Sana magustuhan niyo ang iseshare ko smile emoticon

June 19, 2010 5pm

Nakahiga ako sa sofa namin at inaapoy ng lagnat. Trinay ko tawagan mga kapatid ko pero walang nasagot at ang step father ko ay lumabas din at si mama naman ay nasa trabaho pa. Kaya wala akong magawa kundi maghintay na may dumating para bilhan ako ng gamot. Dahil sa sobrang taas ng lagnat ko, feeling ko hinang hina ako kaya pumikit na lang ako para makapagpahinga na lang.

Nang biglang bumukas ang pinto namin kaya napamulat ako bigla. Pagmulat ko nakita ko dumaan mama ko kaya gumaan bigla feeling ko kase may kasama na ako. Agad kong tinawag si mama at napansin kong nakabukas ang ref namin na para bang may tinitignan siya sa loob. Bali nakayuko siya kaya natatakpan muka niya. Kaya tinawag ko na ""Ma, paabot naman tubig ko diyan, tyaka pabiling gamot, nilalagnat kase ako"" Pero walang umiimik kahit nagsalita ako kaya sinubukan ko ulit sumilip.

Nakita ko nakayuko pa rin siya kaya tinawag ko ulit ""Ma!! Sabi ko paabot tubig diyan"" pero wala pa rin nasagot kaya nainis na ako. Mas nilakasan ko boses ko kahit masama pakiramdam ko, tinodo ko na. ""Ma!!!!!!!!!!!!!!"" Nagulat ako dahil tumayo siya at nakita ko ang mukha niya, nanlilisik ang mata at nagsalita siya na ""HINDI NGA AKO MAMA MO!! GUSTO MO ISAMA KITA?"" Di ko kinaya ang nakita ko kaya nahimatay ako.Paggising ko nandun na family ko at kwinento ko ang nangyari at pinagpahinga na lang nila ako. Pero hanggang ngayon kapag naalala ko yun, natatakot pa rin ako HINDI NGA AKO MAMA MO!

Hi spookify readers! Sana magustuhan niyo ang iseshare ko :) 

June 19, 2010 5pm

Nakahiga ako sa sofa namin at inaapoy ng lagnat. Trinay ko tawagan mga kapatid ko pero walang nasagot at ang step father ko ay lumabas din at si mama naman ay nasa trabaho pa. Kaya wala akong magawa kundi maghintay na may dumating para bilhan ako ng gamot. Dahil sa sobrang taas ng lagnat ko, feeling ko hinang hina ako kaya pumikit na lang ako para makapagpahinga na lang.

Nang biglang bumukas ang pinto namin kaya napamulat ako bigla. Pagmulat ko nakita ko dumaan mama ko kaya gumaan bigla feeling ko kase may kasama na ako. Agad kong tinawag si mama at napansin kong nakabukas ang ref namin na para bang may tinitignan siya sa loob. Bali nakayuko siya kaya natatakpan muka niya. Kaya tinawag ko na ""Ma, paabot naman tubig ko diyan, tyaka pabiling gamot, nilalagnat kase ako"" Pero walang umiimik kahit nagsalita ako kaya sinubukan ko ulit sumilip.

Nakita ko nakayuko pa rin siya kaya tinawag ko ulit ""Ma!! Sabi ko paabot tubig diyan"" pero wala pa rin nasagot kaya nainis na ako. Mas nilakasan ko boses ko kahit masama pakiramdam ko, tinodo ko na. ""Ma!!!!!!!!!!!!!!"" Nagulat ako dahil tumayo siya at nakita ko ang mukha niya, nanlilisik ang mata at nagsalita siya na ""HINDI NGA AKO MAMA MO!! GUSTO MO ISAMA KITA?"" Di ko kinaya ang nakita ko kaya nahimatay ako.Paggising ko nandun na family ko at kwinento ko ang nangyari at pinagpahinga na lang nila ako. Pero hanggang ngayon kapag naalala ko yun, natatakot pa rin ako 


NilalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon