Museum

1.1K 12 0
                                    

Isang private elementary school sa Bustos Bulacan ang nagkaroon ng fieldtrip. At ang kanilang destinasyon ay sa gawing Ilocos.

Dalawang bus ang lumakad nang umagang iyon. Lulan ang mga estudyante mula kinder hanggang grade six. May ilang batang kasama pati ang magulang. Pina-payagan naman iyon basta magbabayad ng fare ang chaperone ng estudyante.

Ang mga guro ng paaralan pati na ang principal ay kasama sa fieldtrip na iyon. At ang una nilang destinasyon ay isang old museum. Sa museum na ito matatagpuan ang mga lumang bagay na nagmula pa sa iba’t ibang panahon at nagawang i-preserve.

Mainit ang gina-wang pagtanggap ng nakatalaga roong receptionist sa mga bisita. May dalawa pang tauhan ang museum na umaasiste. Sadyang bukas ang museum para sa mga estudyante at maging sa mga turista.

Pinapila ng mga guro ang kanilang mga estudyante. Ang ilang mga magulang o chaperone ay sa gawing hulihan pinapila.

Nagbigay ang museum guide ng ilang guidelines, mga do’s at don’ts sa sandaling nasa loob na ng museo ang mga bata.

Sa pangunguna ng principal, isa-isa nang pumasok ang mga bata.

“Mga bata, huwag malikot ha,” huling habilin pa ng principal. “Huwag kayong aalis sa pila ninyo.”

“Yes, ma am!” halos panabay na sagot ng mga munting tinig.

Sa bukana pa lang ay naaliw na ang mga bata sa kanilang nakita. Bakas sa mukha ng mga ito ang kuryosidad sa mga bagay na noon lang nila nakita.

Maging ang mga guro ay na-engrossed na rin sa pagmamasid sa paligid. Maayos sa kanya-kanyang puwesto ang mga lumang bagay na nagpapakita at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng Ilocos.

May mga lumang damit, lumang unipormeng pansundalo, mga baril, sumbrero at marami pang bagay na alaala ng matandang kasaysayan ng Ilocos at ng ilang bahagi ng Pilipinas sa nagdaang panahon.

Ang bawat display ay may kalakip na paliwanag na malinaw na nakalimbag sa isang papel at nakadikit sa ilalim na bahagi ng display.

Bagamat may instructions ang guide, hindi pa rin naiwasan ang paglilikot ng ilang bata. Dala na rin ng kuryosidad ng mga ito.

“Ang gara ng isang ‘yon, o! Parang baril ni Batman!”

Tawanan ang ilang bata. Isang guro naman ang pumaswit bilang pagpapatahimik sa mga ito.

Pagdating sa kalagitnaang bahagi ng museum, lalong na-amaze ang mga bata dahil naroroon ang mga bagay na maaari nilang sipatin ng malapitan at higit sa lahat, maaari nilang hawakan o galawin.

“Mga bata,” muling sabing-paalala ng guide. “Kailangan na maging maingat lang sa paghawak para hindi masira ang mga ‘yan ha.”

Nagkanya-kanyang puwesto ang mga bata. Dahil sadyang bago sa paningin, maging ang mga guro ay nalibang na rin sa pagmamanipula sa mga naroroong bagay. Kaya hindi napansin ang dalawang bata na waring nagpipilitan sa isang bahagi ng museum.

“Mapapagalitan ka sabi ni ma’am, e,” paanas lang na sabi ng isang bata.

“Hindi sabi. Huwag kang magsusumbong. Galit na tayo pag nagsumbongka.”

“Pero…”

“Ayan iiwan na niya ako.. .basta babalik ako sabi.”

Hindi na ito napigilan pa ng kaibigan. Walang nagawa ang bata kundi ang makihalubilo sa iba pa niyang mga kaklase.

Makaraan ang ilan pang minuto, isa-isa na ulit sa paglabas sa museum ang lahat. Umasiste na ang mga guro sa pagpanhik ng mga bata sa loob ng bus.

“Magsiupo na kayo ng maayos at tumahimik. Tingnan ang mga katabi ninyo. Nand’yan na ba lahat?”

NilalangOnde histórias criam vida. Descubra agora