Karma

365 5 2
                                    


"Hindi ka pa ba matatapos diyan?!" tanong sakin ng officamte ko habang nakasalampak ang dalawa niyang kamay sa aking office desk.

"Tatapusin ko muna 'to, sabay na tayo hintayin mo naman ako?" sabi ko sa officemate ko habang may tina-type ang pinapagawa sakin ng boss ko.

"Sorry beh, hindi na kita mahihintay eh, alam mo naman may date kami ng boyfriend ko. " sabi niya.

"Sige mauna ka na, pag natapos nalang ako ay uuwi na ako." sabi ko habang nakatingin parin sa screen.

"Are you sure?"

"Yup."

"Thanks bes, sige una na ako." sabi niya at tinangal ang pagkakasalampak ng kanyang kamay sa aking desk.

Work! Work! Work, 'yang ang motto ko ngayong may asawa na ako pangarap ko talaga' yung bahay sana mapag-ipunan naming dalawa, nakatira lang kami sa isang bahay na pinarentahan sakin ng tita ko maliit ngunit sapat na iyon para saming dalawa.

Natigilan ako sa pag-titipa ng aking keyboard ng tumunog ang cellphone ko, asawa ko lang pala ang tumatawag.

Inalis ko muna ang kamaya ko sa keyboard at sinagot ang kanyang tawag.

"Hon hindi ka ba tapos dyan!?" pambungad niya sakin.

"Oo hon, pero patapos na rin ako dito!"

"Ah sige aantayin nalang kita sabay tayong kumain!"

"Sige hon, i love you!"

"I love you too!" sabi niya bago ko tuluyang binaba ang cellphone.

Tinignan ko ang orasan na naka-sabit sa may dingding ng opisina, it's almost 9:30 at gabi na.

Nang natapos ako tuluyan kong pinatay ang computer at lumabas na ng building.

Alas-dyes na pala nung natapos ako, saan ba ako maghahanap ng dyip ng ganitong dis-oras ng gabi.

Naglalakad lang ako dito sa may bangketa, at wala na nang dumadaan ng kung ano man bahala na lalakarin ko nalang pauwi kahit medyo malayo.

Natigilan ako sa paglalakad ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Hon asan ka na ba?"bungad niya sakin.

"Nandito naglalakad wala na akong dyeep na masakyan eh!" sabi ko.

"Hon delikado na maglakad, dyis oras na ng gabi naglalakad ka pa, better take a taxi or be sorry!"

"Asus ang sweet naman ng mister ko, pero sayang ang pera pag nag-taxi pa ako, dag-dag din 'to sa pambayad natin sa renta dito sa bahay!"

"Please take a taxi please?! Delikado na sa gabi please?" hindi narin ako nakapalag sa mister ko.

"Sige i'll take a taxi just wait for me okay? i lo---" Naputol ang sinabi ko ng biglang hablutin ng mga taong nakamotor ang cellphone ko.

Dalawa silang nakasakay sa motor ang bilis ng pangyayari ni hindi ko man lamang magawang maipaglaban ang sarili ko.

Pero nabigla ako sa nakita ko.

Hindi sila pangkaraniwang riding in tandem dahil...

Pugot ang kanilang mga ulo.

Sinundan ko lang sila ng tingin dahil hindi pa sila nakakalayo.. pero..

Bigla silang nasagasaan ng truck ng basura..

Tumalsik pa sakin ang kanilang dugo at nalasahan ko pa ito.

Mula sa malayo kitang0kita ko ang kanila ng wasak na katawan at ang isa durog ang mata at kitang-kita ko 'rin ang pagsirit ng dugo sa kanilang katawan. 

NilalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon