Science Room

670 7 0
                                    

As seen on my second story kilabot at takot :D 

Science Room

"Wag kang papasok dyan. "

Babala ng bawat teachers at administrator bawal na bawal pumasok lahat kami sa school pinagbabawalan pumasok doon .

Parang ang creepy rin kasi eh. Nakalagay yugn room sa ilalim nung hagdan na parang sadyang tinago talaga. Hindi ko alam talaga na curios nalang talaga ako minsan e.

Hindi ko alam sa tinagal tagal ko na dito sa paaralang to. Ni minsan hindi ko pa napapasok ang science room na yon.

Bawal daw kasi. Kung titignan mo sa unang tingin normal na pinto lang sya. Kulay Pula na akala mo'y galit na galit. Tapos may nakalagay pang "Student's Keep Out" sign na nakalagay.

"Selene, Bawal pumasok dyan." Bungad sakin ng kaibigan ko.

"Friend, minsan ba na curios dyan sa science room na yan?" tanong ko sa kanya.

"Syempre naman na curious din ako. Pero alam mo ba minsan na isip ko na pasukin din yan."

Ako rin eh. Minsan gusto ko rin pasukin yan eh. Curiosity Kills nga eh.

"Ako rin eh. Kaso naisip ko baka mahuli ako hahaha."

"Gusto mo ba pasukin natin yan."

Well that would be fun. Gusto ko ng adventure yung tipong ghost hunting di ako naniniwala sa multo. Seriously I think that old school. Ghost and other creepy stuff hahah.

"Game ako hahaha." Excited na sabi ko.

"Mamayang 7pm ? Hintayin kita sa tapat ng room na to."

"Sige ?"

*7:05 pm *

Hinintay ko nalang si kate sa labas ng room nya.

"Late ka ng 5 mins, Kate."

"Kasi naman yung teacher ko sa MAPEH eh . Ang tagal magpalabas." Bumaba na kami doon sa may science room.

Tumingin tingin muna kami sa may paligid. Walang tao.

Habang tumitingin tigin kami sa paligid. nakakita kami janitor sa di kalayuan.

"Selene, may janitor bilis akyat muna tayo."

"Waaaah, oo nga baka mahuli pa tayo tara na nga."

Dali dali kaming umakyat ni kate papunta sa ikalawang palapag pero tinitignan parin namain yung janitor.

Binuksan nya yung pinto nung science room.

Pagkalipas ng 10 minuto..........

Lumabas na yung janitor doon sa may science room.

At niyaya na rin ako ni kate na bumaba.

"Tara na nga selene,"

"Tara na Kate."

Bumaba na kami papunta doon sa Science Room.

Partially bukas yung pinto. Naiwan sigurong bukas ng janitor.

Hindi na kami nagpaligoy ligoy pa ni Kate. Pinasok na namin ang pinto.

NGUNIT

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Biglang sumara yung pinto.

Nabigla kaming dalawa ni Kate sa biglaang pagsara ng pinto.

Sinubukan ulit namin na buksan ang pinto ng buo naming lakas pero hindi namin magawa.

"Kate Ano to joke ? Bakit biglang sumara yung pinto?"

"Hindi ako yun. Promise. I swear hindi ako yun."

"Okay sabi mo eh."

Hindi ko na pinansin yun. Baka hangin lang yun.

"Friend ang dilim wala akong makita."-Kate.

"Wahh oo nga sumara kasi yung pinto kaya dumilim eh wait."

Kinukha ko yung cellphone sa bulsa ko. Wait.. Wahh walang signal yung phone ko. Walang signal.

I-on ko yung flashlight ng phone ko.

"Ang dilim talaga wala akong makita kate."

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo meron akong salamin kasi malabo yung mga mata ko. Pero ngayon mas malabo na sya kasi madilim.

Inayos ko nalang yung salamin ko . Pag ka ayos ko ng salamin ko bigla itong nahulog.

"Kate tulungan mo ako, nahulog yung salamin ko."

"Wait lang friend."

Ang labo na tuloy ng panigin ko. Inikot ikot ko muna ang mata ko gamit ang flashlight. Wait...

Nung inikot ko sa may bandang sulok nakakita ako ng babae. Hindi ko masyadong makita ang mukha nya.

"O Selene salamin mo oh."

Inabot sakin ni selene yung salamin ko pinunasan ko mata ito bago kong isuot muli.

Tumingin ulit ako sa direksyon nung babae. Ngayon nakikita ko na sya ng ng maayos.

Nakasuot din sya ng school uniform katulad namin ni kate. Pero may dugo ang kanyang palda at damit at nakatakip ang mukha nya.

Tumindig ang balahibo ko sa nakita ko. Kada blink ko para syang nag teteleport papunta sa sakin.

Hanggang sa ..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nasa harap ko na sya ngayon, kitang ko sya. nanlalamig ako.

Tulungan mo ako.

May lumabas na boses sa utak ko .

Hanggang sa ...

.

.

.

.

.

.

.

Unti unting may humawak sa kamay ko.

Napakalamig ng kamay nya.

"LABAS NA TAYO KATE ! ."

Pumunta na kami ni kate sa pinto ng biglang bumukas yung pinto.

Nakita namin yung janitor

"ANONG GINAGAWA NYO DITO?"

Hindi na namin pinansin ang janitor dali dali kaming naglakad papalabas ng eskwelahan.

Kung ano man ang misteryong bumabalot sa science room na yon ako ng pakialam pa

Wakas

Author's note

Sorry Crappy Chap. Bawi nalang next time :D

NilalangWhere stories live. Discover now