Tawag (FEU Secret FIles)

4.2K 17 1
                                    

Hi guys this story came from FEU Secret files i don't own anything in this story. This means it's true to life. :D 

Tawag

Way back 2012

One week before the class started nag stay na ako sa dorm ko para sanayin ang sarili ko mabuhay alone far from my family. Natatanggal lang ang bored ko sa dorm dahil sa pocket wifi at Iphone na palagi kong hawak since I don't have TV and radio puro cellphone lang ako. Nung unang gabi hindi ako makatulog kasi naninibago ako. "Namamahay" ba yung tawag dun. Kaya magdamag ako gising at puro facebook ang inaatupag.

Second day ko, I tried to sleep para maayos na ung body clock ko. Naalala ko pa around 11pm narinig kong bumukas yung pinto. Pero nung sinilip ko sarado naman. Edi bumalik ako sa kama. Di ko alam kung bakit hindi ako makatulog at para bang may nakatayong mga tao sa tabi ng kama ko at pinag mamasdan akong nakahiga. Creepy. Para matanggal yung imagination ko nag sound trip nalang ako. Niloudspeaker ko yung phone ko then nag patugtog ng love songs sa Itunes. Fortunately naka tulog ako. Few hours later nagising ako. Parang naramdaman kong ang sakit na sa tenga nung kanta sa phone ko. Medyo nasa state of consciousness na yung mind ko pero nakapikit parin ako. Then narinig ko sa phone ko parang may nagsasalita pero walang tono. Nag tataka ako kung bakit may kantang walang tono. Pinakinggan ko pero nakapikit parin ako, kumakanta ng "Thunder by Boys like girls* na ibang boses at sobrang layo ng boses na yun sa tunay na kumanta. Wala ng tono, iba pa yung boses!

Holy shit! Bumilis yung tibok ng dibdib ko at agad pinatay yung phone ko. Napa isip ako ng shet ano yun. Bat ganun! Nag talukbong ako ng kumot at binuksan ang phone ko to check the time. And that was 3:00 ng madaling araw for God's sake! Alam nating lahat na oras daw yun ng devils and some demonic souls. Di ako nakatulog nun. As in. Nag facebook ako mula alas tres hanggang sa lumiwanag.

Third day, gabi. Felt the same feeling. Yung mabigat na parang kinikilabutan ka at parang may mga kasama ka sa kwarto kahit ikaw lang mag isa. Pero this time I tried to be brave kasi alam kong mahabang panahon akong mag iisa dito at kailangan kong masanay at hindi matakot so isinantabi ko yung mga guni guni sa isip ko. Nag dasal ako bago matulog. 3 hail Mary, 5 our father. Nakatulog naman agad ako. Kaso maya maya narinig ko ung phone ko parang nag riring. Tumutunog eh, kahit antok na antok ako sinagot ko. Hindi ko napansin kung unknown number o may pangalan ung tumawag basta sinagot ko. Nung nilagay ko sa tenga ko yung phone para hintaying mag salita yung tumawag, biglang may kumanta, tandang tanda ko eto yung linya

"I tried to read between the lines
I tried to look in your eyes
I want a simple explanation
For what I'm feeling inside
I gotta find a way out
Maybe there's a way out"

Yung thunder by boys like girls nanaman. Naibato ko yung phone sa takot. Mga limang minuto akong nag reflect sa pangyayare. Saka ko napag desisyunang damputin sa sahig yung phone ko. Sobrang kaba ko habang pababa ng kama. Nung hahawakan ko na yung phone nag kusang tumugtog nanaman yung kanta. P*tangina takbo ako sa kama at nag dasal ng taimtim. Tumigil ung kanta pero hindi ako tumigil magdasal hanggat hindi pa nag liliwanag. Nung makita kong may araw na saka ko dinampot ang phone at tinignan yung calls. Bestfriend ko lang pala sa batanggas ung tumawag, alas tres pa ng madaling araw. Tangina non! Tinawagan ko sya paulit ulit pero not in service. Tinext ko pa siya at minura na baket sa haba ng oras alas tres nya pa naisipan tumawag pero wala akong natanggap na reply buong araw.

Kinahapunan tumawag sakin ung mama ko. Namatay daw yung bestfriend ko noong araw na lumipat ako. Time of death alas dos ng madaling araw. Binangungot. Sabi ko kay mama, "e naka tawag pa siya kanina ah? Di ako naniniwala sayo ma!" Pero sabi niya, "ANO?! YUNG PHONE NYA NAKITA KO SA LOOB NG KABAONG NIYA. HAWAK HAWAK NIYA PA!" Naalala ko ung boses ng kumanta sa tawag at boses ng bestfriend ko iisa. At naalala ko ung kantang thunder na kinanta nya noon saken. Naibato ko yung phone ko sa takot at dali daling tumakbo palabas ng kwarto.

Hindi natuloy ang pag aaral ko sa feu dahil sa pangyayaring yon. Hindi ko kinaya ang mag isa kaya umuwi ako at nirefund ung upa. Ngayon sa batanggas na ako nag aaral at raw araw kong dinadalaw ang bestfriend ko sa puntod niya. Nagawa nya siguro yun para ipaalala sakin na alalahanin ko naman siya.

Best
2012
Other
Other

NilalangWhere stories live. Discover now