Dorm

632 7 0
                                    


Dorm

Gusto ko lang sana ishare yung nangyare sa dorm nung isang araw.

Magkasama kame ng kuya ko sa dorm namin sa mendiola. Tuwing sabado umuuwi kame ng kuya ko pero nauuna ako sa kanya dahil may pasok pa siya sa umaga, tapos sunday din ang balik namin. Isang beses na hindi ako umuwi ng weekend dahil may tinatapos na project, natulog ako sa dorm. Yung kama namin don merong kanya kanyang study table sa ilalim. Isang gabi natulog ako sa kama ng kuya ko since wala pa sya at malamig sa pwesto nya dahil dun dumadaan yung hangin ng aircon. Mag uumaga na siguro 4am or 5am nang bigla akong magising dahil narinig ko yung pintuan ng kwarto namin sa tabi ng kama na bumukas. Nakalock yung pintuan kaya alam ko na yung kuya ko yung pumasok dahil syempre meron din syang susi sa kwarto. Binagsak nya yung pintuan pasara at dumiretso sa ilalim ng kama kung saan ako nakahiga. Hinagis nya yung bag nya sa cabinet tapos may pinatong siya sa lamesa (yung laptop nya siguro).

Pagkatapos tumayo lang sya sa harapan ko (hindi ko alam kung nakaharap o nakatalikod sya kase buhok nya lang yung nakikita ko dahil mataas yung kama). Bigla nyang pinatong yung kamay nya sa bakal ng kama at ramdam ko yung bagsak nung kamay nya. Nagkunwari akong tulog kase akala ko uutusan nya ko or baka paalisin nya ko sa kama nya kase alam ko na badtrip yung kuya ko. Habang nakapikit yung mata ko alam ko na sinisilip nya kung gising ako, pumanik pa sya sa kama para tignan talaga kung tulog ako o gising pero pinikit ko lang mata ko. Mararamdaman mo yung pag akyat nya sa kama dahil sa bigat ng paa nya. Nakita niya siguro na tulog pa ko kaya bumaba na siya at dumiretso sa banyo sabay bagsak sa pintuan ng banyo pasara.

Dali dali akong bumaba ng kama at nagbihis na para sana tumakas kasi ayoko yung aura ng kuya ko nung oras na yun. Umupo ako sa may upuan malapit sa banyo para masuot ko yung medyas ko, habang sinusuot ko yung medyas sinubukan ko pakinggan yung banyo pero wala man akong naririnig sa loob. Napapaisip ako kung anong problema ng kuya ko bakit tahimik syang ganun. Bigla kong narinig yung pintuan papasok ng kwarto na bumubukas, tapos narinig ko sa labas tunog ng susi. Natulala ako habang hawak hawak yung pares ng medyas ko nang makita ko yung kuya ko sa labas ng kwarto na binuksan yung pinto.

""O pasok ka na?"" tanong nya saken pero di ako makasagot dahil naguluhan ako nung oras na yon. Nandun lang ako nakatingin sa kanya habang nilalagay nya mga gamit nya sa cabinet sa ilalim ng kama at pinatong yung laptop sa lamesa. Tumingin sya saken at nagtanong kung napano daw ako pero di pa rin ako makasagot. Dumiretso sya sa banyo at sinara na parang walang tao sa loob na alam kong kanina lang pumasok na din sya don.

JSN

NilalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon