Sleep Over

421 7 1
                                    

Nandito kami sa bahay ng lola ng kaibigan namin, kakamatay lang ng lola niya at gusto niya ng kasama.

"Tara, halika pasok kayo?" sabi ni Kimpop.

Apat kaming nandito kasama si Kimpop.

Ako si Gab, at si Cherry.

"Bakit ang dilim ng bahay niyo Kimpop!" tanong ko kay Kim.

"Ah, Sorry ganun ba? Hindi kasi nabayaran ang ilaw eh, pagpasensiyahan niyo na! Tsaka pumasok na kayo baka umulan na dyan sa labas oh?" sabi ni Kim, At tuluyan na kaming nakapasok sa gate.

"Kim, saan nami pwedeng ilagay 'yung bag namin?" sabi ni Cherry nang tuluyan kaming makapasok sa bahay ni Kim.

"Ah ilapag nyo nalang dyan sa may sala!" sabi ni Kim at tinuro kung saan naming pwedeng ilagay ang bag namin.

Natuon agad ang mata ko sa manika sa may ibabaw ng lamesa na may picture-frame sa kanan.

Aamin ko medyo creepy ang bahay na ito, old-fashioned ika nga nila.

Nilapag ko lang ang mga gmait at gitara ko sa gilid kasama ng mga gamit nila.

May kalumaan talaga ang bahay at isama mo pa ang muwebles na pwede nang pamugaran ng anay dahil sa sobrang luma.

"Guys baka inaantok na kayo, ilalatag ko na 'yung paghihigaan natin!" sabi ni Kim, at biglang siyang tumalikod.

"Samahan ka na namin" sabi naming lahat.

Sa totoo talaga mga takot itong kasama ko, at oo aamin ko takot din ako.

Sabi namin at umakyat na kaming lahat sa Second floor ng bahay.

Medyo nakakatakot din dito sa second floor ng kanilang bahay, dahil madilim, tanging liwanag lang ng buwan ang tangi mong makikita.

Sa kanan makikita mo ang pinto ng kwarto dalawang kwarto ang meron dito, ang isang kwarto ay kwarto ng kanyang napmayapang lola, habang ang isang kwarto naman ay nakalaan para sa mga bisita dito sa bahay, since bisita kami dun kami matutulog sa guest room.

Habang sa kaliwa naman ay may makikita kang isang maliit na altar, aaminin ko takot ako sa mga rebulto na nakikita ko, takot ako sa mga rebulto o kung anumang statwa, lagi kong kinatatakutan ang nakahigang nazareno sa bahay ng lola ko sa probinsiya.

Nakaharap kami sa pinto ng guest room, habang si Kim naman ay ipinapasok ang susi sa pintuan, nang tuluyan nang mabuksan ni Kim ang pintuan tsaka kami pumasok,

Ang tanging nakita ko lang ay isang plain na room na may kabinet sa gilid at isang bintana, ngunit kakaibang bintana na pag binuksan mo sa labas ang makikita mo, pag binuksan mo ang bintana ay makikita mo ang altar.

Ang weird.

May kinuha si Kim doon sa may Cabinet, kumuha siya ng kutson at unan kung saan kami matutulog, medyo pagod 'rin kami sa biyahe at nakakain narin naman kami, pero ang aga pa eh.

"Guys gusto nyo bang kumain!" sabi ni Kim.

"Sige kakain kami!" sabi ni Gabriel, ayaw rin naming magpaka-killjoy.

"Saglit lang lang kukuha ako ng pagkain!" sabi ni Kim, pagkatapos ilatag ang mga kakailangan upang makatulog kami.

"Sige antayin ka namin dito!" sabi ko.

Tumango lang si Kim at umalis na ng kwarto.

Ang creepy at sobrang weird nitong bahay na 'to, unang-una ang struktura ng bahay na ito, parang hautned house, pangalawa ang kadiliman na bumabalot ngayon sa bahay na ito, pangatlo 'yung mga rebulto na nasa altar, pang-apat itong bintana na nandito na pagbinuksan mo altar ang makikita mo.

Boring, walang masyadong ginagawa dito.

NilalangWhere stories live. Discover now