Astro CAMP

480 6 0
                                    


ASTROCAMP

December 2013, 1st year hs ako. May astrocamp kami nun. Syempre dahil freshmen kaming magkakaibigan sumama kami. Sa ground yun naganap. Ang lakas ng tugtog. Ang saya as in. Dahil nakakapagod, naupo na kami sa ground. Maya maya napatingin ako sa may building c ng school (3rd yr & 4t hyr.

2nd floor. May nakita akong lalaki, maitim siya at malaki katawan niya. Naiiyak na ko nun. Tapos nagulat yung kaklase ko kung bakit tapos tinuro ko yung nakita ko. Pero sabi niya wala daw. Pagtingin ko sa likod ko naiyak din yung kaklase ko (May 3rd eye siya, ako wala pero nakakaramdam lang). Tinatanong siya ng mga kaklase ko, sabi niya may babaeng nakaputi sa 3rd floor building c. Nagulat talaga ko nun. Iyak ako ng iyak kaya pinakalma ako ng kasama ko hanggang sa nakatulog ako.

Ilang araw din ang lumipas nun. Nalaman ko na dun sa 2nd floor (Faculty rooms) may lalaki daw na maitim na nakakadena sa math dept sabi nung may 3rd eye. Tapos sa 1st floor daw may mga batang duguan. Sa 3rd floor may babae tapos yung sa gym naman daw kapag walang tao may babae nagha-hum ng creepy song. Meron pa siyang sinabi pero natakot na ko kaya hindi ko na pinakinggan. Hays  3rd year na ko ngayon. Hindi na namin siya kaklase (Yung may 3rd eye).


Sourc:Spookify 


NilalangWhere stories live. Discover now