Baby-sit

466 10 0
                                    


Baby-sit

Based on my experience po ito. First time ko mag babysit sa pamangkin ko who is now 5 years old. Syempre bata kaya wala pa masyadong alam sa mundo. So here's the story.

November 25 birthday ng Ate ko (Mama ng pamangkin ko). Niyaya nya ako na sa kanila muna magstay para bantayan si Max kase magdedate daw sila ng hubby nya. Birthday nga kase. So pumayag ako. Basta may pasalubong silang balot sakin pag uwi. Haha! Sabi nila before 12 makakauwi na sila. Eto na!! Naiwan na kami ni Max sa bahay. Di na kami nagdinner kase pinakain na sya ng mommy't daddy nya bago pa 'ko dumating. Si Max hinayaan kong maglaro ng kung ano-ano. As long as nakikita ko sya. Ako naman nanunuod ng movie. 7:30 na, sabi ko kay Max umakyat na at matulog. Sumunod naman sya (Hindi mahirap utusan si Max). Sumunod akong umakyat sa kwarto nya, naglalaro pa din sya kaya sabi 'ko...
V.
Me: Max, past 7 na. Tulog na baby.
Max: Later..
Me: Max. Sabi ni Mommy pag naabutan ka nyang gising pa, di ka nya bibilhan ng honey stars tomorrow.
Max: But we are still playing.
(Nawindang ako sa ""we"" nya. Imposibleng ma-wrong grammar si Max kase since then talagang english speaking na sya. Kaya sabi ko..)
Me: We? Why we? Imaginary friend mo, Max?
Max: No. She's my friend. Can't you see her? She's just standing beside you.

Tapos napamura ako ng malutong, binuhat ko si Max agad-agad pababa ng sala. Binukas ko lahat ng ilaw nilakasan ko volume ng tv tas mejo binukas ko ng half way yung pinto. Sa sobrang takot ko, nagalit din ako kay Max. Pero anak ng.. Tawa ng tawa si Max habang nakaupo sa sofa. Natatakot na ako sa kanya pero todo sermon pa din ako na wag nya akong lokohin and wag sya tumawa. Maya-maya tumigil sya sa kakatawa. Tinignan nya lang ako ng plain. Tapos ako nagsorry na sa kanya kase baka umiyak. Bigla na naman tumawa si Max. This time yung tawa nya giggle na. Yung parang kinikiliti. Bigla nyang tinataas yung kamay nya na parang nasa roller coaster. Pilit kong binababa yung kamay nya pero tinataas nya talaga. Hanggang sa sinigawan ko si Max, sabi 'ko ""Max! Stop that!!!"" Napa-english ako dun sa takot ko. Biglang umiyak si Max.

Maya-maya niyakap ko sya nung nakababa na kamay nya kase takot na takot na ako para dun sa bata at sa sarili ko. Nung bibitaw na ako sa pagkakayakap ko kay Max, ang weird na ng itsura nya. Nakatingin sya sa may pinto. Tapos nakangiti. Akala ko andyan na ate ko. Kaso wala. Yun pala napansin ko yung pinto sumasara. Di ko na mapigilan yung takot ko. Tumawag na ako sa Ate ko, pinapauwi ko na sila. After 15mins nakarating na sila sa bahay. Iyak ako ng iyak sa sofa tas hinahayaan ko si Max na maglaro sa tabi ko sa sofa. Hindi na sya tumawa after ko tawagan yung Ate ko. Naglalaro na lang sya. Di 'ko inaalis paningin ko kay Max hanggang sa makarating Ate ko. Nung dumating na sila, nadatnan nila akong iyak ng iyak at hikbi ng hikbi. Kinuwento ko sa kanila lahat yun. At sabi nilang mag asawa ""Welcome to the club. Ikaw na ang pangatlong tao na nabiktima ng friend ni Max."" Anak ng tokwa. Di ko na ulit inaalagan yung batang yun dahil sa trauma ko. frown emoticon

Liz-ard

-spookify

NilalangWhere stories live. Discover now