Hotel Room 666

1.1K 12 0
                                    

As seen on my Second story :D

Enjoy the Update :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang hirap nga naman dito sa EDSA. Ang traffic araw araw. Halos ganto ang eksenang nararanasan ko araw araw. Bilang ako ay isang nagtatrabaho bilang branch manager ng isang botique sa isang sikat na mall sa EDSA.

Pag uwi ko galing tabaho ay halos kakabit na ng araw ko ang EDSA.

Ngayon ay pauwi na ako galing sa trabaho. Traffic na naman ang EDSA. Mga sasakyan na usad pagong siguro ngayon ay 9:30 na ng gabi.

"Ay traffic na naman,"

Halos di na umaandar yung pila.

Ngayon ay parang kumukulog pa mukhang uulan pa.

At sa di inaasahan umulan na nga hayss

Siguro nga may bagyo ang lakas na ng ulan,

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa mkha na kasing babaha eh naghanap ako ng pwedenng tulugan mga cheap motels lang kahit ngayong araw lang ang lakas ng ulan eh. Mukhang bukas pa ako makaka-uwi eh ayoko namang dumiretso mukhang tatas pa ang baha baka tumirik pa yung sasakyan ko.

Ang luckily may nahanap akong motel, kung titignan mukha na syang makaluma

Ipinark ko muna ang kotse ko sa parking lot ng motel. Tapos kinuha lahat ng gamit ko sa kotse.Tapos pumunta ako sa may front desk sumugod na ako sa ulan .

Sa may front desk may babae doon.

"Excuse me miss may available rooms po ba dito ? "

"Uhmm, Wala na po."

"Wala na please miss kahit ngayong gabi lang."

"Sir, Wala na po eh occupied na po kasi lahat ng rooms dito ngayong gabi pero po may isa pong bakanteng room po kaso po hindi po nalilinis eh madumi po eh."

"Sige okay lang yun miss,"

"Bibigyan ko nalang po kayo ng special discount, kasi medyo marumi yung room kung okay lang po sa inyo single bed lang po yun may bathroom at tv."

"Sige miss okay lang yun kuhanin ko na."

May kinuha yung miss sa drawer nya nung nakita ko kung ano yung kinuha nya susi,

"Sir, Room 666 Floor 6 Po. Papalinis ko po muna yung room kung okay lang po sa inyo pwede po muna kayong maupo dyan sa may bench mga 10 minutes lang po sir"

"Okay lang sige. "

Naupo lang ako dun sa may bench na tinuro nung babae. Mga 10 minuto akong naghintay.

Tapos may dumating na janitress mukhang putlang putla ang janitress doon.

Tapos lumapit sya doon sa may information desk. At may ibunulong doon sa may babae sa may info desk.

" Uhmm Sir," Tinatawag ako ng babae.

"You're room is ready."

"Eto po yung susi." Inabot sakin nung janitress yung susi.

Hindi ko na sila pinansin dere deretso nalang ako sa elevator.

Pinindot ko yung 6th floor.

1st floor.

2nd floor.

3rd floor

4th floor

5th floor

6th floor.

*ting*

Nandito na ako sa 6th floor dali dali kong hinanap yung room ko room 666 Ipinasok ko yung susi doon sa may doorknob.

NilalangWhere stories live. Discover now