Idolo

343 7 3
                                    

Isa akong adik sa horror, mapa-kwento, pelikula. 'Yun talaga ang gusto ko. 

Bata palang ako ng mahal na mahal ko na ang horror, ito na ata ang kinalakihan ko. 

Freddy Krueger, Jason Voorhes. Mga idolo kong serial killer. 

Bata palang ako ginusto ko na 'to! 

Gusto kong gawin sa tunay na tao itong kung anong napapanood ko sa mga pelikula at nababasa ko sa mga nobela. 

Gusto kong gawin lahat ito. 

Nandito sa harapan ko ang aking unang biktima. 

Ang ganda niya. 

Nakatali siya sa upuan na inihanda ko para sa kanya,
ang himbing ng kanyang tulog. 

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, bakat parin sa kanyang tuhod ang barbed wire na hinampas ko dito itinali ko ang barbed wire sa baseball bat at tsaka ko hinampas sa kanyang tuhod, sinigurado ko munang hindi siya makatakas saka ko siya dinala dito sa aking munting paraiso. 

Ano kaya ang pwedeng unahin? 

Natuon ang aking pansin sa may itak na nasa ibabaw ng mesa ko. Kinuha ko agad ito. 

Lumapit ako sa kanya, at nag-isip kung paano ang gagawin kong unang hakbang. 

Wala parin siyang malay ngayon. 

Itinutok ko ang itak sa kanyang pisngi at tinalupan ko ito. 

Sumirit ang napakapulang likido sa kanyang pisngi, 

Nagising siya sa wakas. 

Tinalupan ko ng buo ang kanyang pisngi at napasigaw siya, kahit anong sigaw niya walang makakarinig sa kanya dito. 

Tinikman ko ang kanyang pisngi. At ito ang napakasarap na pagkain na natikman ko sa tanang buhay ko ano kaya ang pwede kong isunod? Paa, buong mukha utak braso? 

Hindi na ako makapaghintay pa. 




------

Bukas 'yung part 2 :) 



NilalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon