Karma

1.1K 19 0
                                    

Namanhid ang buong katawan ni Vic sa pagkagimbal. Lalo na nang buhatin ng dalawang lalaki ang ‘kabaong’ na kinalalagyan niya at inihulog ito sa hukay. Sa bawat bagsak nang itinatabong lupa sa ibabaw ng ‘kabaong’ ay dagdag sa sindak ni Vic. Ililibing siya ng buhay!…

UMUULAN nang malakas. Nasa harap si Vic nang mababaw lang na puntod malapit sa dalampasigan. Nakita niyang unti-unting gumalaw ang itaas na bahagi ng puntod. Nang tangkain niyang hawiin ang buhanging nasa itaas nito ay bigla na lamang lumusot ang kalansay na kamay at mahigpit na hinawakan ang braso niya.

“Ahhh!” sigaw ni Vic

“Vic, gising! Gising!” yugyog ni Riza sa asawa.

Habol ni Vic ang hininga at halos naliligo siya sa sariling pawis nang gumising. Ngayon ay desidido na siyang pumunta kay Orly dahil alam niya, may ibig ipahiwatig ang madalas niyang napapanaginip.

Kasama ang asawa ay nagbiyahe si Vic patungong Ilocos. Malakas ang aircon ng bus at magaganda ang mga tanawing nadadaanan nila ngunit hindi iyon nakapagbigay ng ginhawa sa kanya.

Hindi nagawang ipikit ni Vic ang mga mata nang makitang matalim ang mga tinging ipinukol sa kanya ng lalaking nakaupo sa kabilang hanay malapit sa pintuan ng bus. Agad na umiwas ng tingin ang lalaki. Lumatay ang kaba sa buo niyang katauhan nang mapansin ang maliit na tattoo sa gitna ng batok ng lalaki.

Hugis-ulo ng kambing!

Meron ding ganoong tattoo si Rowell – ang kaibigan nilang namatay ilang buwan pa lang ang nakararaan. Naisip nga niya na baka miyembro rin ang mga ito ng secret society kung saan ay nabanggit dati ng kaibigan na gusto nitong salihan.

“Hon, bakit ka namumutla?”

“N-naninibago lang siguro ako sa biyahe, Riza.”

Nang muli siyang tumingin sa kinaroroonan ng lalaki ay wala na ito roon. May bago nang naka upong lalaki. Semi-kalbo rin ang gupit kung kaya’t kita ang maliit na tattoo sa bandang bumbunan nito. Katulad din ng tattoo nauna!

Masama na ang kutob ni Vic sa dalawang lalaking kasakay. Kaya di-na siya umidlip pa. Napalagay lang ang loob niya nang bumaba ang dalawa bago pa man marating ang destinasyon nila.

“SAYANG, three days lang ang leave mo sa opisina, Pareng Vic. Mabibitin kami ni Mareng Riza sa kuwentuhan niyan!” tuwang-tuwang salubong sa kanila ng asawa ni Orly.

Foursome sila noong college days na natuloy sa double wedding dalawang buwan pa lang ang nakararaan.

“Ba’t kailangan pang bumalik ka sa islang iyon, Vic?” nagtatakang usisa ni Orly nang magkasarilinan silang magkaibigan.

“Gusto ko lang makita uli ang puntod ni Rowell. May gusto lang akong tiyakin,” sabi niya.

May sariling yate si Orly. Iyon ang ipinahiram niya sa kaibigan. Pinasamahan na rin niya ito kay Mang Nito, ang katiwala niya sa kanyang resort at siyang nagmamaneho ng yate.

“Kailangan ba talagang pumalaot si Vic para gumaling, Orly?” nagtatakang usisa ni Riza.

“Madalas ang sobrang pag-iisip ang sanhi ng grabeng mga sakit,” makahulugang sabi ng doktor. “Bago dumilim ay makakabalik na sila.”

Mahigit dalawang oras bago narating nina Vic ang isang maliit at remote island.

“Tumanda na ako nang ganito pero ngayon ko lang nalamang may isla pala rito,” manghang bulalas ng matanda.

Puting-puti kasi ang dalampasigan at mayayabong ang mga puno.

“Mahilig kaming mag-adventure noon nina Orly. Sa malas, naabutan kami ng bagyo… tumaob ang lumang yate nila at napadpad kami rito.”

NilalangWhere stories live. Discover now