Saved by a dead boyfriend

506 12 7
                                    


Saved by my dead boyfriend

Hi. I hope mapost to ng admins. Thanks smile emoticon

It was December 27, 2015 when these all happened. Kakauwi ko lang from Tagaytay with my family nang maka receiv ako ng tawag mula sa bestfriend ng boyfriend ko. He told me ""May mga nakaaway si Nikko at sinaksak siya."" I panicked. I don't know what to do, sabi ko pa nga pupunta ako kaagad ng hospital pero he stopped me and he said na nasa morgue na raw ang boyfriend ko. Umiiyak ako nun at di ako makalabas ng kwarto ko kasi sobrang nagulat ako sa mga pangyayari. It was right after christmas tas nangyari pa 'to. Of course sino ba namang di magugulat. May usapan pa nga kami ni Nikko na mag facetime kaming dalawa right after kong umuwi. Pero, pano ko na siya makakausap ngayong wala na siya? So, I prepared to leave para pumunta sa morgue. Nang mga around 10 pm, paalis na ko ng bahay nung tumawag naman pinsan ni Nikko sakin.

Her: Ate, pinapasabi ni mama wag ka daw munang pumunta sa morgue. Hintayin mo susunduin ka ni kuya at papa.
Ako: Why?! What now?!
Her: Eh kasi sa totoo lang ayaw pasabi ni mama, kaso kasi..
Ako: Huy ano nga yon!
Her: Yung mga nakapatay kay Kuya eh frat daw pala. Ngayon nasa kanila yung wallet at bag ni kuya. Yung phone niya nandito sa morgue, sirang sira na. Tapos nakareceive si mama ng text ang sabi humanda ka daw.
Ako: *umiyak ulit* Bakit ako?! Anong ginawa ko?
Her: Ewan ko din ate, pero ang sabi sa text kasi ""Humanda nga pala yang girlfriend ng anak niyo. May atraso pa siya.""

At doon na ako kinilabutan ng todo at binaba ang tawag. Dali dali kong chineck lahat ng pinto sa bahay at nilock. Di ako lalabas, at ayaw kong tawagan pamilya ko kasi may pinuntahan sila at ayaw ko silang pag alalahanin. Kaya dumiretso ako sa kwarto ko, at doon nagstay. After a few hours or so, umiiyak pa din ako. Wala naman kasi akong alam na kaaway namin ni Nikko. Patulog na ako ng magtext ang isang unknown number at ang sabi ""Beh si ate mo 'to. Pabukas ng pinto oh. Dalian mo na.""

I was shocked and confused, di naman nakikitext si ate at lalong alam ko number ng pamilya ko at sila lang ang magkakasama. Kaya nanginginig pa akong binuksan ang pinto ng kwarto ko para lumabas. Nang apatingin ako sa may front door na parang may nakatayo. Bigla akong hindi makahinga at nastatwa sa tayo ko. Nandun ang boyfriend ko, nakatayo at duguan. Nakahawak sa doorknob at ang isang daliri niya na nakapatong sa labi niya na parang sinasabing ""Sssh"". Nararamdaman ko nun ang mga luha ko pero di ako makasalita. Nandun si Nikko sa harapan ko, pinipigilan akong lumabas. Lalapitan ko na sana siya nang magring ang phone ko. Bigla kong kinuha ito at ""Nikko ****** calling from facetime"" at nanginig ulit ako. Hindi ko alam kung gusto kong sagutin dahil alam kong sira na ang phone ni Nikko sabi ng kapatid niya pero gusto kong malaman kung sino ang tumatawag. Bago ko pa masagot, bigla itong nag end call. At bumalik ako sa sala at wala na dun si Nikko sa pintuan.

*Kinabukasan*
Nalaman ko na ang nagtext pala sakin ay ang nakapatay kay Nikko at tinatrap lang nila ako. Buti na lang nagpakita sakin ang boyfriend ko, nalaman namin lahat yon dahil nahuli na sila at umamin na sila yon. Hanggang ngayon, habang tinatype ko to, January 2, 2016 umiiyak ako at gusto ko lang magpasalamat sa boyfriend ko na kahit sa kabilang buhay eh ako pa din ang priority niya. Mahal na mahal kita babe. Susunod na ako dyan sayo. Pangako smile emoticon

Bessie

NilalangWhere stories live. Discover now