Ang nilalang

1.2K 17 0
                                    

Walang tigil sa pagwawala si Merlinda. Halos sumabog ang mga litid ng leeg niya sa pagtatangkang gumawa ng ingay mula sa bibig na may busal. Hanggang maramdaman niya ang paghablot sa katawan niya ng isang nilalang. Mababalahibo ang mga kamay niyon at matutulis ang mga kuko na agad tumusok sa magkabilang tagiliran at nagpasirit sa dugo sa kanyang katawan…

NAPALINGON si Merlinda nang marinig ang lagaslas ng tubig mula sa palikuran. Kagagaling lang niya sa banyo at tiyak niyang walang ibang tao roon. At bakit nga magkakaroon ng tao gayong nag-iisa lang siya sa bahay. Mamaya pa ang dating ng boyfriend niyang si Andrew.

Pumapagpag ang dibdib na naupo siya sa malambot na sofa. Hindi niya maalis ang mga mata sa gawing kinaroroonan ng comfort room. Nagtataka siya pero natatakot namang silipin iyon para bigyang sagot ang kuryosidad sa isip.

Nagitla pa siya nang marinig ang lagitik ng seradura. May nagbukas ng pinto.

“Sweetheart!” gulat na gulat si Andrew nang makita siya na biglang tumayo mula sa kinauupuan. “Ginulat mo ako, ah. Kanina ka pa?”

Lumapit sa kanya si Andrew at ginawaran siya ng halik sa labi. Hindi na rin nagtaka ang lalaki na nakapasok siya sa apartment nito kahit wala ang binata. Binigyan kasi siya ng duplicate key ng nobyo para maaari siyang makapasok doon na hindi na ito hihintayin pa.

“May dala akong cake. Nasa refrigerator. Pinakialaman ko na ang gamit mo,” medyo nahihiya pa niyang sabi.

“I’ll guess. Blackforestcake…”nakangiti si Andrew Iyong klase ng ngiti na nakakalimutan niya ang lahat.

Ngumiti si Merlinda. Tumango.

Muli siyang hinalikan ng nobyo. Pagkatapos ay inakbayan. “Let’s go. Iti-treat kita,” yaya nito.

Hindi na siya nakatanggi. Ilang sandali pa ay lulan na sila ng kotse nito at binabaybay ang kahabaan ng mga kainan sa Makati.

ILANG buwan pa lang nagkakakilala sina Merlinda at Andrew pero hindi naging hadlang iyon para ibigin ng dalaga ang binata. Every inch a gentleman, iyan ang tingin niya sa nobyo sa unang pagkikita pa lang.

Ang totoo ay hindi niya alam ang background ni Andrew. Nakilala niya ito nang dumalo sa isang product demonstration ng kompanyang pinapasukan. Ganun lang. ‘Na-hook agad siya nito.

Masayang kasama si Andrew at iyon ang dahilan kung bakit nalimutan niyang sabihin ang tungkol sa naramdaman niyang kakaiba habang hinihintay ang lalaki sa apartment nito. Hanggang maging siya, sa dami ng hinarap na trabaho sa opisina ay nalimutan nang banggitin pa iyon.

Minsan, habang nanonood ng panggabing newscast ay nabaling ang atensiyon niya tungkol sa isang nawawalang magandang babae. Ayon sa mga magulang ay may nobyo ang anak sa Maynila pero hindi nila kilala at pinangangambahan ding maaaring may kinalaman sa pagkawala ng dalaga.

Naalala niya ang sariling ama at ina. Nasa probinsiya rin ang mga ito. Mag-isa siyang naninirahan sa Maynila mula pa nang dito siya magkolehiyo. Nang magkatrabaho ay lalo na siyang nawalang panahon na umuwi. Ang pinakakomunikasyon niya sa mga pamilya ay ang tawag sa telepono at cellphone. Hindi pa rin niya nababanggit sa mga ito na may nobyo na siya. Ibig niyang sorpresahin ang ama’t ina. Ang balak niya ay umuwi ng probinsiya kasama si Andrew para personal itong makilala ng mga magulang.

Tunog ng cellphone ang gumulantang kay Merlina.

“Sweetheart, bakit? It’s past eleven” aniya na nakatingin sa wall clock na nakasabit sa dingding ng sala.

“M-may problema ako,” sabi ni Andrew.

Naalarma si Merlinda. Ngayon lang naiba ang boses ni Andrew mula sa masigla at puno ng buhay na tinig nito tuwing magkasama sila.

NilalangWhere stories live. Discover now