Laruan

1.3K 13 0
                                    

AHAT ng mga kaklase ni Paulito ay napaawang ang mga labi habang nakatingin sa babasaging plorera. Lumulutang sa ere ang plorera na may nakalagay pang mga bulaklak.

Pumasok ang kanilang titser. Pati ito ay napatulala rin. Napaatras bigla nang umikut-ikot ang plorera at parang eroplanong lumipad patungo sa pinakapilyong mag-aaral ng klaseng iyon.

Mabuti at nakailag ang batang lalaki. Basag ang plorera nang tumama sa dingding.

Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga kaklase ni Paulito. Ang iba ay nanatiling nakaupo ngunit bakas sa mga mukha ang takot. Meron namang tumayo na at nagsimulang ngumuyngoy sa takot

Ang batang muntik nang tamaan ng plorera ay patakbong yumakap sa guro. Nangangatal din ito sa takot.

ANG nangyari ay hindi na lingid kina kay Alma, ina ni Paulito. Agad kasi itong sinabihan ng kanilang guro. Personal na pumunta sa bahay nila ang guro at masinsinang kinausap ang babae.

Panay ang hingi ng paumanhin ni Alma. Pero pagkaalis ng guro ay agad nitong kinuha ang malapad na sinturon ng asawa at pinadapa ang anak.

“Sinuway mo na naman ang bilin kong huwag na huwag mong ipakita ang kakaiba mong kakayahan!” gigil na gigil si Alma sa pagpipigil na lumakas ang boses.

Impit lang na pag-iyak ang ginawa ni Paulito kahit napakasakit na ng puwit niya sa kapapalo ng ina.

‘Tama na.Alma! Bata pa’ng anak natin! Hindi pa niya alam ang ginagawa niya!” Pinigilan ng kararating lang na si Willy ang kamay ng asawa.

AYON sa mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa, may telekinetic power si Paulito. Ito ang kapangyarihang magpagalaw ng anumang bagay sa pamamagitan ng isip.

Natuklasan nila ang kakayahan ng panganay na anak nang awayin ito ng isang kaklase sa dating eskuwelahang pinapasukan.

Pinagalaw ni Paulito sa pamamagitan ng konsentrasyon ang isang lapis at parang palaso itong humaginit patungo sa mata ng kaaway. Mabuti na lang at nakailag ang bata.

Binansagang anak ng demonyo si Paulito pagkatapos ng pangyayari. Wala nang gustong tumabi sa kanya sa upuan at lalong ayaw na siyang makalaro ng mga kaklase.

Napilitan silang lisanin ang lungsod at umuwi sa bayan nina Willy. Sa Daycare Center na nila in-enroll ang panganay para kokonti lang ang magiging kaklase.

“Paano ‘yan, Willy? Laganap na sa buong bayan ang ginawa ni Paulito. Kung tumingin nga sila sa akin ay kulang na lang sabihin nilang may lahi akong demonyo.” Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Alma sa asawa.

Hindi lubos na maisip ni Willy kung saan namana ng panganay nila ang ganoong kapangyarihan. Hindi naman niya ito tinuruan ng mahika. At malay ba naman niya sa mahika! Hindi normal sa isang anim na taong gulang ang magtaglay ng ganoong kakayahan.

“Ano kaya kung bumalik tayo ng lungsod at pumayag na sa nais ng doktor na magsagawa ng psychokinesis experiment kay Paulito nang matiyak natin kung may psychic power o sinaniban siya ng masamang espiritu!”

“Ayoko! Ayokong pag-eksperimentuhan nila ang anak natin!”

Iyon ang isa pang ipinagtataka ng lalaki sa asawa. Libre naman ang gagawing eksperimento at hindi naman bubuksan ang utak ni Paulito para matakot ito nang ganoon na lamang.

Natigil ang kanilang pag-uusap nang marinig ang palahaw ng bunso nilang anak na si Bea.

Takbo sila sa sala. Sindak ang mag-asawa nang makitang nakalutang sa ere ang tatlong taong gulang na bunso.

Nakatingin lamang sa kapatid si Paulito.

“Paulito, ibaba mo si Bea!” sigaw na utos ni Alma.

NilalangWhere stories live. Discover now