Mahika

1.4K 12 0
                                    

Sumenyas ang mahiwagang babae na pumasok si Hedrako sa pinto. Walang pag-aalinlangan na ganoon ang ginawa niya. Pumasok siya sa isang pinto. Sabay-sabay na lumabas sa anim na pinto ang mga katauhan ni Hedrako. Napamulagat ang mga nanonood. Totoo ba ang nakikita nila? Anim na Hedrako ang lumabas sa anim na pinto?…

Si Hedrako ang itinuturing na pinakamagaling na magician ng modernong panahon. Suot ang kapa at sumbrerong itim ay pumalot na ito sa entablado para pakitaan ng magic tricks ang mga manonood. Nagpalakpakan ang lahat pagkakita sa kanya.

Pumuwesto na si Hedrako. Hinugot nito ang panyo sa bulsa at paghagis sa ere, ang panyo ay naging paniki.

Palakpakan ang mga tao. “More! More!” sigaw ng mga ito.

Yumukod si Hedrako. Para lalong mapabilib ang mga tagahanga ay naglabas naman siya ng malalaking baraha, binalasa muna, hinimas at pagbunot, nabunot niya ay Joker. Sa isang kisapmata lang ang hawak niyang barahang Joker ay naging taong Joker.

Tawanan.

Ganoon kung paano paligayahin ni Hedrako ang kanyang mga tagahanga. Maging mga bata ay natutuwa sa kanyang magical show.

“Daddy, totoo ba ang magic dinig niyang tanong ng isang bata sa ama.

Kumindat ang lalaking may bitbit sa bata. “Oo naman. Dahil si Hedrako ang great magician!”

Masaya si Hedrako sa mga papuri sa kanya. Ang hangarin niya noong una ay magbigay ng aliw. Pahangain ang mgapanatiko sa mga gimik na dinadaan niya sa talas ng isip, bilis ng kamay.

Ang lahat ay nagbago nang isang mahikero ang dumayo sa lugar kung saan doon din siya nagpapalabas. Maging siya ay namangha sa ipinapakitang magic nito. Naka-set sa entablado ang dalawang pinto na magkakalayo. Pumasok ito sa isang pinto pero nakita niya rin na lumabas ito sa ikalawang pinto na may dalawang dipa ang layo, at sabay pa ng oras ang pagpasok at paglabas.

Kinusot niya ang mata. Paano nangyari na naging dalawa ang katauhan ng lalaking iyon?

Basta ang huling natatandaan niya ay umugong ang palakpakan.

Nagdilim ang anyo niya lalo pa’t inagawan siya ng lalaking iyon ng eksena.

“Hindi ako papayag na may mas magaling pa kay Hedrako. Hindi!”

Hindi naniyamaawat, unti-unting gumuguhit ng pangalan sa larangan ng mahika ang lalaking nakilala sa pangalang Adamus.

Mas bago ang gimik. Mas nakakagulat.

Sa bawat palabas ni Adamus ay may kasama itong magandang sirkera.

Ang sirkera ay matapat na tagapaglingkod ni Adamus. Kahit ano ay gagawin nito basta iniutos ng mahikero. Delikado ang stunt na ipinagagawa ni Adamus. Kung hindi ito nagpapalipat-lipat sa baging sa ere, pinapahiga pa ito sa dulo ng espada.

Labis na hinangaan ng tao ang paghiga nito sa dalawang espada na nakatusok sa batok at paa.

At ang gimik na pinuputul-putol ang katawan nito habang nakahiga sa loob ng kahon. Isang lumang trick pero kagat pa rin sa mga manonood.

Palakpakan ang bilib na bilib na mga manonood. “Adamus, ikaw na ang Great Magician!” sigaw ng isa, at kasunod niyon ang mga sipulan.

Larawan ng pagkadismaya si Hedrako. “Walang kuwenta ang gimik mO, Adamus! May daya!” nagpupuyos ang kalooban niya. Hindi siya papayag na masapawan ng dayong mahikero.

Desperado na nagpakalango sa alak si Hedrako. Hindi niya matanggap na may aagaw sa kanyang puwesto bilang pinakamagaling sa salamangka.

“Kahit isangla ko ang kaluluwa ko kay Satanas, maipakita ko lang ang totoong magic!”

NilalangWhere stories live. Discover now