Merong Langit

514 12 1
                                    


A:N True to life

-spookify

Merong langit

October 12, 2008. 3rd anniversary namin ni Dada, binigyan ko sya ng red dress para isuot sa date namin. Nasa school pa sya at 6pm pa ang uwian nya. Kilala na ko sa dorm niya kaya nakapasok ako dala ang paper bag kung san nakatago yung damit, at nilagay ko yon sa kama nya sa kwarto. ""7PM Dinner love "" ang nakasulat sa papel kasama ang damit.

Natapos ang dinner at dumiretso kami sa dorm nya dahil may regalo din daw sya, red wine. ""Alam mo kung ano ang langit love?"" bigla nyang tinanong saken habang umiinom, mukang alam ko na kung ano pero syempre kunwari hindi. Tinakpan nya ang mga mata ko at hinalikan nya ko.

Natapos yung gabi na yon at umuwi na ko samin. Napakasarap ng gabing yon dahil kasama ko ang taong pinakamamahal ko, kaso hindi ko inakala na yun na pala ang huling gabi na makakasama ko si Dada...

October 13 (1:46pm) nasa school ako, nagtext ang nanay ni Dada ""Nasaan ka?"". Mejo nakaramdam ako ng kaba nung nagtext yung mama nya. Akala ko yung kaba na yon e dahil inisip kong nalaman ng mama nya ang nangyare, pero yung kaba kong yon napalitan ng pagkagulat at takot ng matanggap ko ang isa pang text ni Dadz. ""Naaksidente si Dada nak, wala na sya nak, iniwan nya na tayo.""

Feeling ko hindi totoo lahat ng nakikita ko, kahit mga kaklase ko at prof ko sa harapan ko hindi totoo, pati text ni Dadz hindi totoo. Lumakad ako na parang tanga palabas ng UE, iniisip kung totoo ba to at anong nangyare kay Dada. Tinanong ko kung saang hospital at tumakbo na ko para maghanap ng masasakyan papunta don.

Sobrang hirap tanggapin na wala na siya, yung taong nagturo sakin pano harapin ang mga problema, yung taong nagpalakas ng loob ko, yung taong una kong minahal at mahal na mahal. 2 years akong nakatunganga tuwing gabi at pumupunta sa sementeryo tuwing umaga bago pumasok. Dumating na nga sa punto na kinekwento ko pa rin sa kanya kung ano nangyare saken (kahapon).

5th anniversary na namen. Andun lang ako sa sementeryo kausap ang taong mahal ko. Siguro dahil sobrang miss ko na siya kaya humiling ako sa kanya ""Kahit ngayon lang love, sige kahit takot ako sa multo, magpakita ka naman saken at halikan mo ko... Please love"" Diba muka akong tanga? Wala na siya pero kinukulit ko pa din. Pero siguro nga kapag iniwan ka ng taong sobrang nagpasaya sayo, matatanga ka. Natapos yung araw na yon na hindi ako napagbigyan sa kahilingan ko. Umuwi na ko.

Binuksan ko yung computer ko sa bahay at tinignan mga picture namin (Na ginawa ko din last year nung anniversary din namin). Pinaka nakakatawa don yung nagdamit siya na panlalake at nakadress ako tapos nakaluhod sya sa harap ko. Naiwan ko yung computer ko nung gabi na yon, nakatulog na ko.

Naglalakad ako sa napakalawak na lupa na di mo man makita kung hanggang saan. Nalilito ako pero masaya ako sa nakikita ko lalo na puro bulaklak na katulad ng mga bulaklak nila Dada sa bahay nila. May isang rosas na nakatayo sa tabi ko tapos pinitas ko at lumakad papalayo. ""Hi love!"" narinig ko habang naglalakad ako pero wala ako sa sarili ko, dire-diretso pa rin akong naglalakad. Biglang sinapok ako sa ulo mula sa likuran ""G*g* ka talaga! Wala ka na naman sa sarili mo"" nagulat ako at napalingon, nakita ko si Dada na suot yung red dress na binigay ko nung 3rd anniversary namin. Sobrang ganda nya! Na sobrang nakakainlove...

Naiiyak ako nung nakita ko sya at natatawa, hindi ko alam kung ano nangyayare e bakit nandun sya. ""Ano ganyan ka na lang love hanggang sa paggising mo. Humiling ka saken, ngayon pinagbigyan ka baliw lang pala makakaharap ko"" Sabi nya saken kaya natahimik ako at nag ayos. Binigay ko yung hawak kong rosas sa kanya at nung tinanggap nya, niyakap ko sya ng napakahigpit. ""Love, ayoko na mawala ka ulit sakin"" sabi ko sa kanya. Naiyak din sya at sinabing ""Kung pwede nga lang bumalik sa oras na yon love, di sana nangyare lahat ng to"".

Ayokong nakikita si Dada na nakabugnot, simangot, malungkot at lalo na may luha sa mata, kaya nagpunas ako ng luha ko at pinunasan ko din ang mata nya. Pumunta kami sa may mahabang upuan na kahoy at don kami nagkausap. Sobrang tagal namin nag uusap kasi kung anu ano lang pinag uusapan namin, pero nabanggit nya saken...

""Love, alam mo ba may gusto sayo si Janina (Kaklase ko sa compgraph). Lagi ko syang nakikitang nakatingin sayo na parang naaawa. Ganun din ako pag nakikita kita sa school.. naaawa""

Sinabi ko kay Dada na wag siya magselos dun sa kaklase ko dahil wala yung babaeng yon para saken, pero lalong nainis si Dada saken. ""Patay na ko! Ikaw buhay pa! Kung mas pipiliin ko ang pagseselos ko kesa sa makita kang masaya, p*ky* ka g*g*"" sinabi ni Dada.

Alam ko mapagmura yung taong mahal ko pero ganun kasi kame pag walang masabe e.

""Ano ba nangyare sayo nung araw na yon?"" tinanong ko.

""Pupunta sana ako sa mall para bilhin ko yung gusto mong sapatos (Nike na kulay green), kasi sobrang ganda nitong binigay mo e (yung red na dress). Pero di ako nakapag ingat sa sobrang pagkaexcite ko at tinamaan ako nung mabilis na sasakyan""

Napayuko na lang ako matapos kong marinig yon at hinawakan na lang yung kamay ni Dada.

""Love, alam mo ba na totoo palang may langit?"" bigla nyang siningit. Nagulat ako dahil iba yung pumasok sa isip ko.

""Love hanggang dito ba naman?"" tanong ko sa kanya. Natawa kame dahil naalala namin yung gabi na sinabi nya saken yun. Pero nagseryoso sya ulit at sinabi nya

""Ito love tignan mo tong lugar na to, diba ganito ang sinasabi ko sayo na gusto kong makita? Ito ang langit love... isang lugar na makikita mo lahat ng gusto mo""

Napatingin ako sa mga bulaklak na magaganda at napangiti, di ko alam kung sabog yung GF ko or totoo nga na ganun ang itsura ng langit.

""E bakit ikaw lang nandito? At bakit ang gusto mo lang ang nandito?"" tanong ko sa kanya. Kasi daw pinagbigyan siya ni God na magkita kame kahit isang beses lang (Mas maliwanag pa daw sa araw yung mga kamay at green yung mata, mukang normal lang daw na tao).

Tumingin ako sa taas at nagpasalamat kay God ng sobra. Hinalikan ako ni Dada sa pisngi at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.

""Love, sana pagkatapos nito maging masaya ka na ulit tulad nung hindi mo pa ko kilala. At love, sabi saken ni God na sabihin ko daw sayo na kapag pakiramdam mo wala ng saysay ang buhay mo o wala ka nang dahilan pa para mabuhay, hayaan mo daw lumipas ang araw, linggo, buwan o kahit taon hanggang sa mahanap mo ulit ang bagay na magiging rason mo para mabuhay.""

Sobrang hindi ako makapaniwala na sinabi yun ni God dahil dumating ako sa punto na kinwestyunan ko si God at tinanong kung para saan pa ang buhay ko.

""Love, lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita. Pero ok lang sakin kapag dumating ang araw na magmamahal ka na ng iba. Basta gusto ko lang ngayon, makita ka na ulit na masaya"" huling sinabi saken ni Dada bago niy ako sinamahan bumalik kung saan kame nagkita. At don na natapos ang pagkikita namin ni Dada. Nagising na ko.

NilalangWhere stories live. Discover now