Kamay ng orasan

1.8K 27 0
                                    

Inihiga ang mga katawan ng kanyang mga kaibigan sa isang pahabang mesa at pinagtatadtad na parang karne ng baboy sa palengke

NAGKAYAYAANG mag-out of town ang magkakaopisina at magkakaibigang sina Melanie, Justin, Feder, Paris, Britney at Ben. Sinamantala nila ang weeklong vacation at nagtungo sila sa isang isla sa Western Visayas. May nakapagsabi kasi sa kanila na may pagkamisteryoso ang naturang isla. Mahilig kasi silang magbabarkada sa adventure.

Magkakahilerang nakaupo sila sa mahabang upuan na naroon habang naghihintay sila ng bangkang maghahatid sa kanila sa isla nang biglang may lumapit sa kanila na isang matandang lalaki na tila pulubi. Sinabi nitong kung sa isla raw sila patungo ay mabuti pang huwag na silang tumuloy. Tatanungin sana ito ni Melanie kung bakit ngunit biglang itinaboy ito palayo ng isang lalaki. Binale-wala na lang nila ang sinabi nito.

Sa wakas ay nakarating din sila sa isla. Naka-sumpong sila ng isang lumang bahay roon na bunga lowstyle at gawa sa kahoy.

Lumabas si Melanie upang magpahangin. Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagdaan ng isang nagmamadaling babae. Binati niya ito. Pero sa halip na gantihan ang pagbati niya ay sinabi nito na kailangan na nilang umalis ng islang ¡yon.

Nang itanong niya rito kung bakit ay hindi siya sinagot nito. Basta iniwan na lang siya nito. Napaisip siya. Dalawang tao na ang nagbawal sa kanila na tumuloy at manatili sa isla. Lalong nadagdagan ang kuryosidad niya sa misteryosong isla.

NANG mga sumunod na oras ay nasa sala silang magbabarkada. Nagkakantahan at nagkukuwentuhan ang mga babae, ang mga lalaki naman ay nag-iinuman.

Biglang nag-inat si Melanie. Nakaramdam na kasi siya ng antok. Nagpaalam na siyang papasok na sa kuwarto paramagpahinga.

“Mamaya na. Ikawtalaga, Melanie. Ngayon pa lang nagkakasarapan, eh. Tingnan mo nga ang oras—” narinig pa niyang sabi ni Ben na natigilan, ngunit hindi niya pinansin. Nagpatuloy siya sa paglakad papunta sa kuwarto. lidlip muna siya dahil napagod siya sa biyahe.

“Wow! Vintage! Ang gara ng relong ‘to. Kakaiba. Umaandar nga, pero bakit iba ang oras? Sira yata,” ani Ben, hawak ang isang lumang table clock. Antigung-antigo ang hitsura ng orasan kaya naagaw niyon ang atensiyon ng lahat.

“Huwag mong pakialaman ‘yan,” napalingong sabi niya rito. “Huwag ka ngang basta galaw nang galaw riyan ng gamit.”

NANG tanghaling iyon ay namasyal si Melanie kasama ang mga kaibigan niyang babae. Sa paglalakad nila ay nakakita sila ng scarecrow sa taniman. Nakakatakot iyon. Kakaiba kasi ang hitsura niyon sa karaniwang hitsura ng isang scarecrow. Kung titingnan iyon ay parang buhay na tao na ginutay-gutay ang damit at pangit talaga ang hitsura.

Pagkatapos maglakad-lakad ay naligo sila sa dagat. Nang mapagod sa kakalangoy ay bumalik na sila sa bahay para makapagpahinga.

Lumabas ng bahay si Melanie at umupo sa lumang garden set. Hapon na noon at malapit nang kumalat ang dilim.

Napaangat ang likod niya sa pagkakasandal sa upuan nang may makita siyang tao sa likod ng puno na sisilip-silip sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Napangiwi siya nang mapansin niyang tadtad ng tila bukol ang mukha nito at may tumutulong malapot na likido mula sa bibig nito.

Nang ginawin siya dahil sa malakas na ihip ng hangin ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Naabutan niya sina Ben at Justin na pinakikialaman ang antigong table clock.

“Bakit ninyo ginagalaw ‘yan?” nanlalaki ang mga matang wika niya. “’Di ba’t sinabi ko nang ‘wag kayong gagalaw ng anumang gamit dito? Hindi atin ‘yan.”

“Halika rito, Melanie. Tingnan mo, o,” ani Ben, takang-taka ang anyo. Ipinakita nito sa kanya ang antigong orasan. “Kanina pa kasi namin ina-adjust ni Justin ang oras nito. Iniikot namin ang pihitan, pero bumabalik pa rin sa dati niyang oras.”

NilalangWhere stories live. Discover now