Stalker

598 8 1
                                    

(C) True to life story 


This happened 6 years ago. My sister who is 4 years younger than me had a stalker. Yung stalker, mukha namang maayos kung sa totoo lang, parang normal lang.


 Napansin namin 'yon kasi lagi ko syang nakikita sa tapat ng bahay namin and pag kasama ko kapatid ko mag shopping or mag grocery lagi syang andon nakabuntot.


 Tinanong ko yung kapatid ko kung napapansin nya ba yong lalaki na yon, sabi nya pag daw papasok sya sa school laging nandon na sa tapat ng bahay namin yon nakatayo at pag papasok na sya, susundan sya hanggang sa school.


 Pag uwian na daw nila lagi din daw anduon yon. Maganda kasi ang kapatid ko, mataray lang pero sobrang ganda (ako din syempre). Sabi nya sakin wag nalang daw pansinin kasi wala naman daw syang pake.

Kaso isang beses umuwi kapatid ko na hinatid ng mga tanod, mga past 9pm na yon, gabi na kung sa gabi.


 Pero lagi naman kasing ganon yon so normal nalang. Iyak sya ng iyak kasi daw nag mall daw sila ng mga kaibigan nya, nakasunod parin yung lalaki tapos daw nung pumunta sila sa bahay ng kaibigan nila, nag pupumilit daw pumasok sa village at nag sasabing kasama nya daw sila. Nung pauwi na daw sya malapit lang dito samin, may paliko kasi dito dun sa paliko hinatak sya at pilit hinalikhalikan. Buti nalang at may tanod na nakakita sakanya at natulungan sya, pero nakatakas yung lalaki.

Hindi nagpakita yung lalaki, siguro mga isang buwan din syang hindi nagparamdam. Hatid sundo sa school sya after that incident Akala namin tumigil na sya pero nagulat nalang kami nung sa mailbox namin may CD si papa na nakuha. Naka-pentel Science project nakapangalan sa kapatid ko.


So syempre sobra na pagiingat ni papa, Iccheck nya daw muna bago nya ibigay sa kapatid ko. Tapos pag labas ni papa sa kwarto nila namumutla sya tapos sabi nya sakin tumawag daw ako ng pulis. Ang laman pala ng CD e video nung lalaki sa loob ng kwarto ng kapatid ko. nakahiga sa kama nya at nagma-masturbate. "

Dany

To the sender, sana okay kayo ng family mo lalo na yung kapatid mo. Sana nahuli na yung stalker na yun para wala nang masama pang mangyari. God bless to you and your family. 


NilalangWhere stories live. Discover now