Itim na libro

1K 14 0
                                    

Palala lang nang palala ang mga sugat niya. Pumuputok na ang ilan sa mga iyon at may lumalabas nang uod sa mga mata niya.

“PARE, tumagay ka muna,” ani Edong sa binatang napadaan sa kalye nila.

“Huwag na po, Kuya. Papasok pa ho ako sa trabaho,” tanggi ng binata.

“Bata, walang tumatanggi sa akin, alam mo ‘yan. Baka may kalagyan ka.”

“P-pero—”

“Wala nang pero-pero,” aniya at ¡dinuldol sa labi nito ang baso. Napahalakhak siya nang lagukin nito ang pilit na ipinainom niya na alak.

Siya ang siga sa lugar na iyon. Hawak niya sa leeg ang lahat ng tao roon. Wala siyang sinasanto. Walang puwedeng tumanggi sa anumang naisin niya at walang puwedeng magkamali. Ang magkamali, buhok lamang ang walang latay ang matatamo mula sa mga bataan niya.

Nang umalis na ang binata ay nakipag-umpukan uli siya sa mga kainuman niya. Kahit ang mga namumuno sa barangay nila ay kayang-kaya niyang ¡tumba. Hawak din niya sa leeg ang mga pulis sa lugar nila. Palibhasa ay sagana rin ang mga ito sa mga tong na nakukuha niya sa mga pasugalan niya. Bukod pa iyon sa mga itinutulak niyang droga.

Hindi na niya kailangang mamasukan dahil ang mga kita niya sa mga iyon ay sobra-sobra pa sa kanya. Kahit sampung pamilya ay kaya niyang buhayin lalo na sa kita niya sa droga at ilang pasugalan.

“Gardo, type ko ‘yong dalaga ni Aling Nilda. Maganda ang mukha. Nakita kong dumaan kanina. Habang nagdadalaga, lalong kumukurba ang katawan, bata. At ang kutis, ang kinis at ang puti. Balbon, pare, kaya siguradong mabuhok din,” humahalakhak na sabi niya.

“Ah, si Joan. Ano’ng gusto mong gawin ko, Bossing? Ihahain ko na ba sa ‘yo? Kung gusto mo, regalo ko na siya sa ‘yo sa birthday mo,” ani Gardo na namumula na ang mga mata sa magkahalong kalasingan at pagka-high sa droga.

“Ikaw ang bahala kung gusto mong masiyahan talaga ako. Alam mo na kung ano’ng gagawin mo.”

Alam niyang madaling magagawan ng paraan ni Gardo ang gusto niyang mangyari. Walang asawa si Aling Nilda. Sa pagkakaalam niya ay basta na lamang ito sumulpot sa kanilang lugar mula sa kung saang bayan kasama ang babaeng anak nito na ngayon nga ay dalagang-dalaga na. Ang alam niya ay walang kamag-anak ito sa kanilang lugar. Kung anuman ang gawin niya sa dalaga nito ay ito lamang ang posibleng magreklamo. Kapag nangyari iyon, madali na niyang magagawan ng paraan ang matanda. Tutukan lamang niya ito ng patalim ay tiyak na titikom ang bibig nito. Baka isama pa niya ang anak nito sa hukay pagkatapos niyang pagsawaan kapag ginalitsiya nito.

“Titiyempo lang ako, Bossing. lyung-iyo na ang dalaga. Nakareserba na para sa ‘yo ‘yon at wala nang makakagalaw. Pangako ko sa ‘yo ‘yan.”

Nagtawanan sila at patuloy sa pag-iinuman sa labas ng kanyang garahe. Kahit mag-ingay sila roon ay walang sisita sa kanila. Takot lang ng mga ito sa kanya. Wala siyang dinidiyos. Walang maibibigay sa kanyang kasiyahan ang Diyos kaya bakit niya pag-aaksayahan Ito ng panahon?

Nang matapos ang inuman nila ay hindi na siya makagulapay sa kalasingan.

“BOSSING, happy birthday. Heto na ang pangako ko sa ‘yo,” ani Gardo kay Edong.

Napangisi siya. “Siguruhin mong magugustuhan ko ‘yan, ha? Baka umarte-arte ‘yan.”

“Gustung-gusto mo ‘to, Bossing. Hindi na makakapalag ‘to kahit ano ang gawin mo at kahit ilang beses pa,” anito, sabay ngisi.

“Sige ipasok mo na.”

Ipinasok ng isang tauhan niya ang walang malay na si Joan. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng mga ito pero hindi na mahalaga iyon. Ang importante ay sa kanya na ang makinis na dalaga.

NilalangWhere stories live. Discover now