Thea

25.8K 643 17
                                    

"Thea, sabi ko sa'yo na wag mong gagalawin yan diba?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng marahang boses. Napatungo ako at dahan dahang ibinaba ang baril sa drawer ng night stand ni Kuya.

"P-pero Mama si K-kuya..."

"Wag mo siyang alalahanin," nginitian ako ni Mama. Her smile was always comforting. Halika na, merienda na tayo"

Sa gabing iyon ay umuwi si Kuya. Nagulat ako dahil may tama siya sa likod pero hindi niya iyon ininda. Hinubad lang niya ang t-shit niya at pumasok na sa kwarto. He skipped dinner.

"Kuya, kain na daw sabi ni Mama!" Sinipa ko na ang pintuan ng kwarto niya dahil hindi naman umuubra ang mga katok ko. Lumipas ang ilang minuto nang wala paring lumalabas galing sa kwarto ni Kuya kaya pumasok na ako, I found it empty. His bed was unmade at malaki ang pagkakabukas ng bintana.

Pagkatapos noon ay bihira ko nalang makita si Kuya dahil madalas na rin lang siya umuwi. Sabi ni Mama ay may tinitirhan siya doon sa Hangrove, a wealthy town that I've never been to. Tinanong ko pa kung paano siya naka kuha ng pang bayad sa tinitirhan ni Kuya doon. Alangan namang bumili siya ng bahay. Hindi naman kaya iyon ng pera namin. Tsaka delikado doon.

Sagot sa'kin ni Mama ay nakikitira daw si Kuya sa mga kaibigan niya.

Hanggang doon nalang ang impormasyong nakuha ko tungkol kay Kuya. Nasa drawer parin ang baril niya, wala na ata siyang balak na balikan pa ito.

Wala naman akong pakialam sa mga ginagawa ni Kuya sa buhay. As long as sumusunod siya sa pyramid ay ayos lang sa'kin, kasama ko naman si Mama. Si Mama lang talaga ang kailangan ko. Andito siya palagi para sa'kin at hindi niya ako pinapabayaan. Hindi ko na kasi nakilala si Papa, Kuya was the only man in my life.

I was on my way back from school when a black car with its windows down passed by me. I made eye contact with the man sitting on the passenger seat.

Brown eyes.

That was the first time I saw Anthony Walter, after that I saw my Mother lying dead in our living room.

"Thea, lunch's ready" wala sa sarili kong ibinalik ang baril na inabot sa'kin ni Kroenen nang umalis siya kaninang umaga.

"Bakit may ganyan ka?" Nagtatakang tanong ni Astrid at inagaw sa'kin ang baril.

"Binigay sa'kin ni Kroenen" mahina kong sagot.

Nang mawala si Mama, kinuha ako ni Kroenen. He ordered me not call him Kuya kaya ginawa ko. Siya nalang ang natitira kong kapamilya sa mundong ito. Dinala niya ako sa headquarters ng Red Circle.

Napag alaman kong dito siya nakatira kasama ng iba pang Hunters. I never knew na dito ako mapapadpad. Ibang iba ako sa kanila. Lahat dito ay immune nang masaktan, para bag wala lang sa kanila ang mga tama ng bala at saksak. Nakita ko na iyon noon kay Kroenen pero hindi ko alam na ganito pala dito.

"Astrid, Thea, bakit ang tagal niyo?" tanong ni Red na ngayon ay nasa pintuan na rin.

"Wala," mabilis na iling ni Astrid at ibinulsa ang baril.

"Bakit ka may baril? Diba sabi ko sa'yo bawal yan?"

Si Red ang tumatayong leader sa team nila. Kaya nirerespeto ko siya. Silang dalawa ni Astrid. Kakaonti lang ang mga babae rito at dalawa sila sa may mataas na rank. Silang dalawa lang ang nakakausap ko ng maayos dahil alam kong hindi nila ako sasaktan.

"Binigay ng gago niyang Kuya" Astrid said through gritted teeth before pulling me out of the door.

Everyday I grieved for my Mother's death. Habang lumilipas ang araw at mas nalaaman ko ang totoo ay mas lalong lumalaki ang galit ko sa mga Sinclaires, lalo na sa Senri'ng iyon. Siya kasi ang puno't dulo ng lahat! Wala namang kinalaman ang Mama ko sa pamilya nila pero bakita kailangan pa nila siyang ipapatay?!

Parehas kami ng hinanakit ni Kroenen. Maybe he was right, maybe it's time for a change.

Tumiwalag siya sa Red Circle kaya nagtatago na kami ngayon. I know he did things, bad things, behind his team's back kaya hindi na rin siya hinabol pa ng mga ito. Ayaw nilang makisali sa gulong papasukin ng kapatid ko.

Kroenen was recruiting different men to do various of tasks for him. Dirty tasks. And I was there to see it all.

He came back half alive one night, sabi niya sa'kin pinatay na niya si Anthony Walter. I was happy. Why wouldn't I be? The man killed our Mother.

My brother's twisted ways are rubbing off on me.

After recovering, Kroenen trained me along with his new men. I gladly obliged. He said his job isn't done. He has to take the Sinclaires down. That family is very troublesome, I think they deserve what my brother will throw at them.

Inside I was still hurting. Kahit na patay na yung pumatay sa Mama ko, hindi ko parin makuha ang maging tuluyang masaya. Like pain was permanently embed in my heart. Hindi na talaga babalik ang Mama ko, the realization punched me in the gut.

Simple lang naman ang gusto ko sa buhay. Hindi naman ako mahilig bumibili ng materyal na bagay at importante rin sa'kin ang pag aaral dahil yon ang gusto ni Mama. Gusto ko lang naman siyang makasama hanggang sa tumandan ako. Pero wala na siya.

Why did everything turned out to this?

Why did one simple wish turn out to be so complicated? All I wanted was my Mother to be with me through thick and thin.

"Thea," Kroened called, standing by the door. Blood was oozing out of hi left bicep. Sanay na akong makita siyang ganyan, and also seeing blood. I've seen blood more than I see humans. Seeing someone in pain, and feeling pain became normal.

"I want you to do something for me" Inilapag niya ang isang bukas na white folder. Umupo ako para basahin ang kung ano man ang nasa papel.

It was a Sinclaire Academy admission file.

"You want me to..."

Kroenen nodded before I could even finish my sentence.

Napansin ko si Francheska sa pintuan. She stood there with her velvet robe on and a wicked smirk on her lips, as if waiting for me.

"Keep an eye on Sinclaire for me"

"Okay."

If I'm not happy, no one should be happy either. Especially Senri Sinclaire.


Sinclaire Academy: Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon