First word

23.8K 902 97
                                    

First word

"Can I skip this one Carls?" Adrianna begged habang patungo sila sa great hall ng council for an important meeting.

"Nope" Carly nonchalantly answered. "Iiwan mo ako mag isa? No way. That's like betraying me"

"Just turn on your mataray mode and rule them all. OA nito"

"Bakit ba kasi gustong gusto mo na umuwi?" Carly paused for a moment. "And FYI Mrs. Sinclaire, kailangan ka ho sa meeting na ito"

"Eh kasi nga day off ni Senri ngayon. Alam mo naman kung gaano ninenerbyos yun pag umiyak si Zeus"

"Aba hayaan mo siyang mataranta doon" Carly's laugh caught the other council members' attention. "Alam mo bang ang saya tignan ni Mason kapag sabay na umiyak yung kambal tapos siya ang nagbabantay? He looks like a lost puppy"

"You're cruel"

"Say what you want. I find it real funny kasi."

"If I get tensed in the middle of the meeting, alam mong hindi ako yun" Adri glared at her best friend.

She always go Mama Adri mode when it's Senri's day off. Ito kasi ang naiiwan sa Manor at siya naman dito sa Council. Nagkataon pang inaayos ngayon ng Mama niya ang enrollment ni Andy sa SA for this upcoming school year.

Ayos lang naman dati noong wala pa si Zeus. Ang totoo ay nangangapa pa talaga si Senri sa pagiging tatay.

It's understandable since Zeus is their first born. And even before their little prince was born, Sen admitted how scared he was to be a parent.

She was the only one who saw and knew his insecurities.

"Adri hindi na pwedeng mag cutting sa ganito," Carly said once they were settled on their designated seats. "How I wish na pwede. Don't worry about Sen, he's going to be fine"

May tiwala naman siya kay Sen. She knows he can handle it. But sometimes, feeling the same thing doesn't help.

Pinapakiramdaman ni Adrianna ang sarili buong meeting. Ilang beses rin siyang pasimpleng binato ni Carly ng ballpen at punit na papel dahil iniisip niya kung ano ang ginagawa ng mag ama niya sa bahay. She was half listening to the council member who was talking in front, stating the advantages at disadvantages sa paghahati ng lupa na gagawin nila.

She inwardly yelled in triumph when the meeting was finally adjourned.

"Ano ninerbyos ka? Mukhang hindi naman!" Nakakalokong tanong ni Carly nang lumabas na sila.

"Ewan ko sa'yo basta uuwi na ko. May pupuntahan ka pa diba?"

"Unfortunately, yes. Bawal na ipagpabukas to eh" Siniko naman siya nito muli. "Invited tayo sa birthday nung anak ng Alpha"

"Huh? Ilang taon na ba 'yon?"

"Five! Ang gwapong bata! Manang mana sa tatay. Ang gwapo kaya ni Alpha Seb!"

"Ano ka ba may asawa ka na!"

"Oo nga may asawa ka na"

"Hi Mase," Adri smirked at her best friend's sudden appearance. "Driver ka na naman today ano?"

"Palagi naman. Ano babe? Okay na?" Inakbayan pa nito si Carly.

"Teka nga... sinong nagbabantay sa anak ninyo?"

"Nasa Manor si Mommy. Sandali lang naman kami"

"Asus. Sandali lang daw, malalaman ko nalang nag date na naman kayo"

The couple just laughed. "Date rin kasi kayo ni Sen pag may time ha?"

Adrianna considered what Carly said dahil matagal na silang hindi nakakalabas ni Senri dahil busy dito sa Council at hindi pa sabay ang day off nila. She needed more time off. Maybe they could ask for a two month vacation or something. Ayaw niya rin kasing nagta-trabaho ng todo habang lumalaki si Zeus.

Kampante siyang umuwi habang pinag iisipan kung mag le-leave nga siya. Senri will definitely say yes dahil maiinggit lang ito sa kanya if ever.

When she stepped inside the Manor, si Andy agad ang una niyang nakita. Naka higa ito sa sofa at naka takip ng unan sa mukha ngunit tinanggal rin agad nang marinig siya.

"Ate dito ako matutulog ah"

"May magagawa pa ba ako eh andito ka na. Asan si Mama? Naka enroll ka na?"

"Nasa bahay si Mama at opo naka enroll na ko. Kinuha ko parin yung dating locker mo"

"Mahal na mahal mo talaga ako 'no?"

Ngumiti lang ito. "Tumawag pala si Ate Yna kanina, naipadala na daw niya yung invitation para sa kasal at raincheck daw muna doon sa dinner na plano niyo."

"I'll call her later," ginulo niya ang buhok nito bago umakyat. Alam niyang nasa nursery ni Zeus ang mag ama niya.

With the calmness she's feeling, they're probably asleep.

And she was right.

Senri was sleeping on the sofa bed with a sleeping little Zeus oh his chest.

Nawawala lahat ng pagod tuwing nakikita niya ang dalawa. Lalo na kapag ganito. Ang sarap pag masdan ng dalawa habang natutulog.

Senri was wearing a gray cotton sweater kaya kumportable si Zeus na naka higa sa dibdib nito while Zeus was wearing a gray onesie. Nag partner pa ang dalawa.

Tinanggal na niya ang kanyang sapatos. Marami ring nagkalat na laruan sa carpet, dahan dahan pa niyang iniwasan ang mga ito para hindi magising ang dalawa. But when she looked at the two again, Zeus was already awake at naka tingin na ito sa kanya.

She crouched down and smiled at her little boy. Zeus blinked before giving her a toothy smile back which she found so irresistably cute.

Sen opened his when Zeus moved. Halos matawa naman siya sa alert reflex nito.

"Oh you're here"

"Yeah I'm here" She kissed his cheek before taking Zeus. "Kamusta?"

"He was a good boy" Ngiti naman nito and played with Zeus' little hand.

Nanatili muna sila sa nursery to play with Zeus until Sen excused himself to take a shower kaya siya muna ang naiwan.

Isa-isa niyang inayos ang mga laruang naka kalat. Ngayon palang ay nakikita na niya na magiging mukhang dinaanan ng delubyo ang kwarto na ito pag lumaki na si Zeus.

"Mama wants to spend more time with you"

Little Zeus' eyes just focused on her like he was really listening to her.

"P-pa..."

"Huh?" Nanlaki ang mata niya sa narinig galing dito.

"Pa..."

"Papa?" Inulit niya ang pinipilit na sabihin nito at sakto namang pumasok si Senri ng kwarto.

"Tawag mo ko?" Tinaasan siya nito ng kilay.

Zeus darted his eyes to Senri at umambang magpapabuhat. Senri took their son out of her arms. That's when Zeus started flailing his arms and said, "Papa!"

"Holy shit he called me!"

"Senri!" Kinurot niya agad ito. "Wag kang mag mura!"

"Papa..." ulit ni Zeus, calmer this time.

"He said it again..." Senri sighed and stared at their son.with admiration.

While Adri had different feelings. "Anong ginawa mo habang wala ako?!"

Their son's first word is "Papa" at hindi niya inaasahan iyon. She pinched him again, ngayon sa braso naman.

"Hoy hindi magandang example 'yan sa anak natin!" Sen jumps away while laughing.

"Example my foot!" Pinandilatan niya ito bago harapin si Zeus. "Baby say Mama"

"Papa..."

And that made Senri laugh out loud.

"You're so jealous" Asar pa nito.

"I hate you"

"Oh please princess you love me"

Sinclaire Academy: Untold StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora