The Perfect Storm

12.2K 290 64
                                    

The Perfect Storm

Tinitignan lang ni Stormi ang kanyang cellphone habang patuloy itong tumutunog.

Pangatlong tawag na ito ni Ava sa kanya pero hindi niya magawang sumagot.

Ilang linggo rin nilang pinlano ang pag punta sa last day ng carnival. And today is the day.

School is over kaya libre na silang lahat.

She could just turn off her phone and sleep her sickness away pero pag gising niya, sigurado siyang may bagong pakulo na naman si Ava sa kanya.

The last rumor her "friend" created was hard to live down. She regrets telling them about her crushes. Sana ay kay Katie nalang niya sinabi because everything Stormi says, Ava will use it against her.

It's obvious Ava is a toxic friend but Stormi can't kick her down the curb just like that. They are the golden trio for a reason. If something happens to them, their school will have a field day. But she'd love to see Ava crash and burn. Hindi lang siya handa sa drama ngayon.

She let the call drop for the third time. Ngayon palang iniisip na niya ang possible na rumor na gawin nito tungkol sa kanya. Katie knows Stormi has been feeling a little under the weather lately, si Ava naman ay walang pakialam doon.

Baka bukas pag gising niya malalaman niya nalang na nag papanggap siyang may sakit to get attention.

She sighed. The last week of school decided to take a toll on her today. Ang bigat ng pakiramdam niya, baka mamaya tuluyan na siyang lagnatin.

Umilaw muli ang kanyang phone. Her fingers twitched as she thought of her decision.

Not wanting another rumor to spread again, Stormi finally picks up Ava's fourth call.

"Oh my god naman, bakit ngayon mo lang sinagot?!" was Ava's exasperated reply.

Inilayo ng konti ni Stormi ang phone sa kanyang tenga.

Dapat hindi nalang pala niya sinagot, mas magkakasakit pa ata siya after marinig ang boses ni Ava.

"Naka silent ang phone ko and I just woke up."

"You slept at this hour, Stormi, really?"

She resisted the urge to roll her eyes. Bawal bang matulong ng 6 pm?

"It's the first day of vacation. I wanted to catch up on sleep."

"It's the last day of the carnival. Nakalimutan mo na ba? Katie's on her way here to pick me up na nga!"

Isang katok ang pansamantalang pumutol ng atensyon niya sa kausap.

It was Matilda, her nanny, standing by the door of her room. Dala na nito ang gamot na hiningi niya kanina bago pa tumawag si Ava. Sinenyasan niya itong mag hintay sandali.

"I'll meet you there." Stormi sighed. She'd rather stay home but naawa din siya kay Katie kung mag-isa lang nito iha-handle si Ava buong gabi.

"What?!" Ava shrieked. "Diba plano natin na mag sabay using Katie's car?"

Yes, that was indeed the plan but Stormi doesn't trust herself not to snap at her "friend". Ayaw niyang mag sabay sila sa isang kotse ngayon dahil baka masabunutan niya ito for being such a brat. Maikli na ang pasensya niya.

She's usually patient. Ava's just being so intolerable these past few days.

Gusto lang naman nitong mag sabay silang tatlo to impress people. She wants attention.

"I'll meet you there." Ulit nalang niya at binaba ang tawag. She turns off her phone para hindi siya matawagan ulit, bubuksan nalang niya ulit ito pag paalis na siya.

Sinclaire Academy: Untold StoriesWhere stories live. Discover now