"Aiane"

25K 815 57
                                    

"Aiane"

"Mama I'm hungry"

Nilingon ko ang naka simangot na si Zeus. I'm still amazed how he looks like Senri kahit na ang liit liit palang niya.

Palangiti naman siya katulad ko but there are times na makikita ko siyang nakasimangot katulad ng Papa niyang ewan na kala mo ba pinaglihi ko sa sama ng loob eh hindi naman. Madalas kasi niyang gayahin yung facial expressions ni Senri, hindi nga alam ni Sen 'yon. I'll sometimes catch Zeus staring intently at his Father, lalo na pag nasa study room.

Ngayon naka simangot na naman kasi gutom.

"Wait lang baby, babayaran ko lang 'to" Pinakita ko sa kanya ang isang pang babaeng damit kaya nangunot ang noo niya.

"It's for your little sister" Dagdag ko.

He touched my growing belly in curiosity. "Mama will she look like me?"

Natawa naman ako 'don. "I don't know, tignan natin pag lumabas na siya. Gusto mo ba magkamukha kayo?"

"Ayaw!" Mabilis siyang umiling. "I want her to look like you"

"And why is that?" Gusto ko sana siyang buhatin, kaya ko naman pero siya ang hindi papayag. He's a big boy na daw eh.

Ngumuso siya. "Because you're beautiful. Gusto ko beautiful din siya"

Kinurot ko agad ang pisngi niya. Syempre flattered ako! Ang dami talagang nakukuha nito sa tatay niya, nakakakilig lang.

"Mama!" Angal niya agad.

"Ang cute cute talaga ng baby ko!" I bent down to kiss his cheek.

"Im gwapo nga Mama!" Angal na naman niya.

"O sige na, you're so gwapo my little prince. I love you" I kissed the top of his head before grabbing his arm.

Habang binabayaran ko ang pinamili kong damit para sa baby girl ko, umiikot naman ang mata ni Zeus sa store.

"Achill, if you want something just tell me"

He shook his head before looking up at me with his big doe black eyes. "Papa bought me clothes last week"

"Yung Papa mo talaga parang ewan 'no? Ang hilig mag shopping mag isa."

Pag may nakikita talaga siya na kung ano na magugustuhan ng anak namin bibilhin niya agad. Zeus has a lot of toys at home, pati si Baby Athena na hindi pa lumalabas ay may collection ng toys na din at unti unti nang napupuno ang wardrobe niya. Senri loves to spoil Zeus pero pansin ko na mahigpit rin siya in a cool way. He makes sure na Zeus learns his lessons everytime na may nagagawa siyang mali. I admire Senri so much for that.

"When can we see Papa?" Tanong niya sa'kin nang lumabas na kami.

"Later baby, may inaasikaso pa siya"

It's refreshing na nakakalabas kami ng ganito at walang nakasunod. Noong maliit palang talaga si Zeus, Papa Sander insisted na tuwing lalabas kami dapat may escort. I told them na ayaw ko, kaya ko namang protektahan ang anak ko. I won't let anyone hurt him.

I always carry the shadow crystal with me para handa ako sa possible danger. Hindi pa naman nangyayari ang kinakatakot namin but there are threats. Bago pa man iyon mangyari at ginagawan na agad ng solusyon.

Everyone knows who Zeus Achilles is at kung kaninong anak siya.

Ngayon palang tinuturuan na namin si Zeus kung paano i-trato ang iba. Nakita ko naman iyon nang lumabas kami. Whenever someone stops and turns to bow at us, he nods his head in acknowledgement. I hope he sticks to what we taught him hanggang sa lumaki siya.

My son has it easier than Carly's twins. I pity the little Half Bloods but they're growing well. Carly's always on bitch mode tuwing may umaaway na kung sino mang Elite or Pureblood family sa family niya. Hanggang ngayon, no one has won an arguement against Carly Woodsen Heath.

Takot rin naman sila kay Mason. Ang astig kaya ng best friend kong 'yon! Pag inaway nila yung kambal niya mabilis lang silang ipapa-patay! Pero syempre hindi niya pwedeng gawin yon dahil mahal niya ang trabaho niya.

Vera and Gavin took Flame to London para maka iwas sa gulo. Bilib parin ako sa ganda ng batang 'yon. Mukhang manika! Binibiro ko pa nga si Vera na hindi niya kamukha, she kept on insisting na sa kanya nga nagmana si Flame. Gavin just laughs it off because we all know the truth. Flames' features came from Gavin's side.

"Mama, isn't that Tito Cain?" Zeus suddenly said.

Sinundan ko naman ang tinitignan niya at naroon nga si Cain at Asher, papasok ang dalawa sa isang buffet. Food trip na naman ang trip nitong mag amang 'to.

"Hoy Cain!" Sigaw ko agad bago pa sila makapasok.

Sabay silang lumingon ni Asher sa gawi namin.

"Hoy ka rin Adri!"

"Ewan ko sa'yo, isip bata." I rolled my eyes at him nang maka lapit na kami. "Alam mo napaka baliw mo talaga, hindi ka man lang nagsasabi na andito kayo sa Hangrove! Where's Erised?"

"Nasa London" Ngisi niya sa'kin. "Tumakas lang kami nito" Nilingon niya si Asher na naka upo sa balikat niya.

"Hello Ash," I leaned in to pinch his cheek. The little boy's grin reminded me so much of his Dad.

"Hello Tita"

And there goes his accent.

"Hey little man!" Bati naman ni Cain kay Zeus. Nakipag high five pa sa anak ko.

"Babalik rin kami mamaya," Cain informed. "Asher just missed Hangrove's weather kaya kami pumunta dito. Dadaan rin ako kay kambal mamaya dahil baka pingutin ako non kapag hindi ako magpakita sa kanya"

"Hindi lang pingot ang aabutin mo. Ipapa baril ka na non kay Mason"

Tumawa lang siya dahil alam naming dalawa na may possibility ngang mangyari iyon.

"Tara Adri kain tayo, libre mo ko!" Aya niya. Pumalakpak pa si Asher in agreement.

"Kapal naman ng face mo! Ikaw nga 'tong ngayon lang ulit umuwi! Kami dapat ang ilibre mo! Gutom na ang anak ko!"

Zeus nodded at what I said. Hala! Gutom na talaga ang baby ko! Lagot ako kay Senri nito pag mag sumbong na ginutom ko siya. Hilig pa naman nilang pagkaisahan ako pag trip nila!

"Tita, what's the name of your baby?" Tanong bigla ni Asher while eyeing my baby bump.

"Athena Adrianne" I smiled. Senri picked the name and I love it dahil nakuha sa Adrianna ko ang 'Adrianne'.

To my surprise, Asher frowns.

Ang cute pa naman niyang tignan habang nasa balikat ni Cain. Naka kapit pa siya sa magkabilang pisngi ng Daddy niya at naka baseball cap.

"Aiane" Asher blurted.

"Huh?"

"Aiane, Tita. Athena Adrianne is too long."

Napangiti naman ako. "Bakit naman Aiane?"

" 'A' from Athena then 'iane' from Adrianne" Asher shrugged.

"Cain ang daming alam ng anak mo!" I burst out laughing. Baby Athena already has a nickname.

"Syempre naman! Anak ko kaya yan!"

"I like it" Zeus grinned.

Nag high five naman kami ni Asher, he's smiling proudly now. "I like it too. Thank you for the cool nickname, Ash."

Mahina kong namang sinampal ang pisngi ni Cain. "Tara na, ilibre mo na kami. Tayong dalawa ang malalagot kapag mag sumbong 'to si Zeus kay Sen na ginugutom ko siya"

Sinclaire Academy: Untold StoriesWhere stories live. Discover now