Father and Son

22.9K 826 208
                                    

Father and Son

    Hindi na mabilang ni Cain kung ilang beses na siyang nagigising sa gabi dahil sa iyak ng anak.

Siya talaga ng unang nagigising dahil sa pwesto niya malapit ang baby monitor.

Asher's loud cry made him groan. Normal ba talaga sa bata ang umiyak gabi-gabi sa parehong oras?

His hand shot up to make his wife, Erised, lie down again dahil uunahan na naman siya nito. "Ako na"

"Hindi ka na nakakatulog ng maayos eh. Ako na" Hinimas nito ang pisngi niya. He understands her sentiments but sa ganitong paraan ay nagiging tunay na ama talaga siya kay Ash.

"Ayos lang," he smiled at her in return. "I think he loves my company"

He gave her a kiss before going out of the room. Nasa katabing kwarto lang ang nursery ni Ash. Kasing laki ito ng Master's bedroom dahil iyon ang gusto ng asawa niya.

He doesn't want to spoil his little one ngunit mukhang iyon talaga ang mangyayari.

When Cain entered the room, the sound Ash was making wasn't just a soft cry but a loud wail. Para bang tinatanggalan na ito ng vocal chords.

Cain scratched his head while looking down at his crying son.

Namumula na ang mukha nito sa kakaiyak.

Kahit na ganon, hindi parin niya maiwasang hindi ngumiti dahil sa suot nitong onesie na regalo pa ni Adri.

Asher started flailing his arms as his cry turned louder.

Hangga't hindi ito tumitigil sa pag iyak, hindi rin matutulog si Eris. Alam niyang nakikinig ito.

He picked up his son at hinele ito ng kaunti hanggang sa humina na ang iyak nito.

"Tahan na. Hindi matutulog si Mum pag di ka pa tumahan," he even said to his son.

Asher made a sound, as if understanding his words dahil tumigil na ito.

Umupo si Cain sa single bed na naroon. Nahagip ng mata niya ang oras kaya pinatayo niya si Ash sa hita niya at tinignan ito ng mariin.

"Ang liit mo pa pero ang galing mo na rin mang asar ano?" Walang mintis kasi, buong linggo itong saktong alas dos ng madaling araw nang gigising.

Ash just stares back at him with wide eyes.

"Mana ka talaga sa'kin" Niyakap niya muli ito.

Hiniling niya na sana hindi sila abutin na naman ng alas kwatro ng madaling araw. Nung isang gabi kasi alas kwatro na gising parin ang anak niya kaya nakatulugan na niya ang pag babantay dito. Siya ang nakatulog at hindi si Ash.

Buti nalang at nasa playmat sila non. Kung nasa kama sila, lagot siya. Baka nalaglag na ang anak niya.

Tsaka hindi ito ang tamang oras ng tulog ng baby.

Umayos siya ng higa sa kama at pinahiga si Ash sa kanyang dibdib.

Nakatingin ito sa kanya habang naka dapa.

"Bakit ka ganyan makatingin?"

Asher reached out to touch his nose kaya tumawa siya sa ginawa nito.

"Soon anak, mare-realize mo din kung gaano ka-gwapo si Dad"

Tinapik naman niya ang likod nito. "Seryosong usapan nga anak. Lalaki sa lalaki 'to ha. Bakit ang lakas mong umiyak? Gusto mo pa ba magkaroon ng kapatid? Paano pag nag session kami ng Mummy mo iiyak ka padin para patigilin kami?"

Sinclaire Academy: Untold StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora