Chapter 58

43 1 1
                                    

(Armiece POV)

Pasukan na naman. Hay naku, buti naman at magaling na si Joshua dahil napupuyat na ako kababantay eh. Nasisira na ang beauty ko. At tsaka...

"Hoy Armiece! Anong nangyayari sayo bakit lutang ka?''-Toll.

Nakita pala ako ni Toll na kung ano ang iniisip. Nakakatakot pa naman ito kapag napagtawanan ako, lalo na at ako pa ang target.

''Good morning guys, kumusta na kayo, tagal na nating hindi nagkita ah. Anong balita?''-Kira.

''Wow ha! Kakikita pa lang natin nung sunday tapos, sasabihin mo, namiss mo na ako kaagad?''-Toll.

Tumingin si Kira kay Toll na para bang stranger siya dito na parang may halong sarcastic na tawa.

''Wag kang feeling, hindi naman ikaw kausap ko. Si Armiece.''-Kira.

''Eh bakit tumingin ka sa akin? Palusot ka pa. Siguro meron ka ngayon? Ang init ng ulo mo eh. Para kang katatapos pa lang mag...''-Toll.

''Huwag mo nang ituloy at baka kung ano pa ang iisipin nila kay Kira.''-JC.

Bigla kaming tumingin ni Toll kay kala Kira at JC na parang kinikilig na akala mo ay parang mga sira ang ulo. Hindi namin kasi mapigilan kaya.

''Hoy tama na yan. Hindi naman yan mawawala sayo si Kira eh, chillax ka lang.''-Me.

Nagtawanan kami pagkatapos kong sabihin yung line na yun. Maya-maya pa ay nag ring yung phone ko. Agad kon tiningnan yung phone ko at nakita ko ang name ni Joshua.

''Punta ka sa park mamaya, may sasabihin ako sayo. Importante lang ha. Thank you."-Joshua.

''Bakit ka niya pinapapunta sa park? May pag-uusapan ba kayo?''-Toll.

''Hindi ko rin alam eh."-Me.

(TIME SKIP)

Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa park at nakita ko si Joshua na nakaupo sa may bleacher at nagtitingin ng phone.

''Joshua!"-Me.

Agad akong narinig ni Joshua at lumingon, pero sa lingon niyang yun, parang wala akong naramdamang happiness nung nakita ko yung eyes niya. Para bang may mali. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay.

''May problema ba? Bakit ang tamlay mo? May sakit ka ba?"-Me.

''Wala! Wag mo nga akong hawakan!"-Joshua.

Parang nagulat ako dun sa sinabi niyang yun, at talagang tinaboy niya pa talaga yung kamay ko nung titingnan ko sana kung may lagnat siya o kaya sinat.

''Ano bang problema mo! Ha! Concern lang naman ako sayo ah? Bakit ba? Dahil ba meron ka nang iba at dahil kaibigan lang ang treat mo sakin? Sige kung yan ang gusto mo, pagbibigyan kita.''-Me.

Agad akong nag-walkout pero nung papaalis na ako ay biglang kinapitan ni Joshua ang wrist ko at nilapit niya ang mouth niya sa tenga ko.

''Bakit? Bakit ka ganyan sakin? Hindi naman kita kilala ah? Ano ba kita? Ano ka ba sakin? May halaga ka ba? Para sa akin, isa ka lang babae na walang kwenta, sinunga..."-Joshua.

Naputol ang pagsasalita niya kasi bigla ko siyang sinampal sa pisngi.

''Hoy, hindi ikaw naghangad na kailangan mo ng tulong ko. Ako ang nagkusa dahil naaawa ako sa kalagayan mo. Kaya sige, tawagin mo na kung anong gusto mong tawag sakin... tanga, bobo, animal, at kahit murahin mo pa ako. Ginusto ko yun eh, paninindigan ko na lang. Kaya huwag mo saking isumbat na wala akong kwenta. Kasi sa mundo, hindi ka pwedeng mag-isa lang. Minsan kailangan mo rin ng tulong ng ibang tao... at ang dapat mo lang sabihin ay salamat. Salamat lang Joshua. Hindi mo pa maibigay? Bahala ka sa buhay mo!"-Me.

Nagwalkout na lang ako habang umiiyak. Hindi ko kasi kayang sikmurain  kapag sinabihan ako ng ganun. Aba, wag siyang pa famous.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
ANO KAYA ANG MANGYAYARE SA RELATIONSHIP NILA ARMIECE AT JOSHUA. AT ANO KAYA ANG SUNOD NA HAKBANG NG ATING ISANG MYSTERY PERSON? ABANGAN...

~END OF CHAPTER 58~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now