Chapter 27

86 4 1
                                    

(Louise POV)

Nang marinig ko yung line na ''She's my girlfriend.' 'Nagulat ako na katulad lang nya ang magugustuhan ni Joshua. Isang commoner na friend nitong si Kira.

''Ah, Joshua? Are you kidding?'' Nagtaka talaga ako kasi. Isa sa mga dream guy ko ay si Joshua tapos mapapunta lang sya sa isang commoner.

Napahinto sila at tinitigan nila ako'ng lahat na may seryosong mga mukha.

Bumitaw siya sa pagkaka-akbay kay Armiece at nilagay niya sa bulsa ang mga ito.

''No. I'm not kidding.'' Grabe. Parang seryoso talaga sya kay girl na to ah.

It's pathetic.

Ginawa ko na lang na biro ang sinabi niya kasi hindi talaga ako makapaniwala.

This girl? Really?

''Hahahaha. Oh my gosh! Your so funny Joshua.'' Napatawa na lang ako sa sinabi nya kasi, baka nagbibiro lang.

Nakita ko na hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Joshua kaya medyo napahinto ako sa pagtawa.

''Why are you laughing? Is something funny from what I've said?'' Sabi ni Joshua.

Sa signal na yun. Parang naramdaman kong wala na akong pag-asa para kay Joshua.

''Nauto ka ng mga to? Hahaha!Nagpaloko ang isang Joshua King sa isang commoner na ang pangit na papansin pa." Sabi ko sabay tingin kay Armiece, "Siguro marami ka nang naging boyfriend no? May tawag sa'yo. Let me think... Malan....'' Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang ako'ng nilapitan ni Armiece at tinakpan niya mouth ko then bumulong siya.

''Wag mong ituloy kung ano ang sasabihin mo. Baka sa clinic ka dumiretso. Huwag na huwag mo rin akong tatawaging malandi ha. At kapag di mo kami tinantanan nang mga kaibigan ko, ako na mismo ang makakaharap mo.'' Sabi niya habang tinatanggal na niya ang kamay niya sa bibig ko.

Magsasalita pa sana ako pero napansin ko na maraming mata ang nakatingin samin. Kaya sinamaan ko na lang sila ng tingin lalong-lalo na si Armiece.

"Always remember that." Sabi niya at nagawa pa'ng magflying kiss.

The nerve of that girl! It's annoying.

Umalis na sila pagkatapos akong sabihan nang ganun ni Armiece. Nakaglue pose lang ako dun sa kinatatayuan ko.

"ARGHHHH!" Sabi ko at dumiretso sa stage.

Bigla ko na lang binarag ang microphone. Sinira ang mga gitara. Binutas ko rin ang mga drums at hinila ko ang kurtina. Nagalit talaga ako nang sobra kay Armiece.

Napansin ko rin na napagasp na ang mga tao at students sa paligid ko and I heard some teachers na pumipigil sakin.

After some time, noong wala na ako'ng makitang maayos na gamit ay tumigil na ako.

''Humanda ka sakin. Papahiya kita.'' Pag threat ko sa kanya.

''Ah girl? Tapos ka na? Baka pwede na tayong umalis. Wala nang stage oh, sinira mo na. Wala na ring instruments.'' Sabi sakin ni Mae.

''This was a total disaster for me.'' Sabi naman ni Mikoh.

Inayos ko ang composure ko at tiningnan ko ang buong stage. Maraming mga basag na equipment. But I don't care. That's how I like it. Breaking things.

"Dapat masanay na kayo guys. We already making such messy things simula pa lang noong mabuo itong grupo." Sabi ko sa kanila sabay flip ng buhok.

Nakita ko sila na sumang-ayon sakin at nagkatinginan silang dalawa.

Napansin ko na paparating na ang maintenance guy na normally nag-aayos ng mga gagamitin everytime na may event dito sa school.

Lumapit siya sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"What?" Sabi ko sa kanya habang nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay.

Nag-bow ang maintenance guy at tiningnan ulit ako.

"Pasensya na po Maam, maglilinis lang po ako dito sa stage. Pwede po ba'ng maki-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil agad ko siyang sinigawan.

"Not now Kuya! Hindi mo ba nakikita na meron kaming crisis dito? Can't even activate your instinct?" Nasabi ko sa kanya.

Nag-bow naman yung maintenance guy at umalis.

Pinikit ko ang mga mata ko at iniwas ko ang ulo ko.

"Lou-"

"Not now Ku-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pagtingin ko pa lang sa kanya ay ako na mismo ang napahinto sa pagsasalita.

It was the School Registrar and he was looking at me seriously.

''Ah excuse me hija. I think you have to pay for all the mess you made." Sabi niya habang pinapasadahan niya ng tingin kami nila Mae at Mikoh.

Sa huli ay tumingin siya sakin at napabuntong-hininga siya.

"Lalo ka na Louise.'' Simpleng sabi niya.

I rolled my eyes at him at humalukipkip ako.

''Call my dad and he'll pay for all the mess I made." Sabi ko sa kanya.

Tumango ang school registrar at naglakad na papalayo habang kinukuha ang phone niya sa pocket ng pants niya.

Napatingin ako sa microphone na nasa harapan ko at agad ko itong sinipa.

"Humanda ka sakin Armiece. Hindi mo ko kilala nang lubusan. Huwag mo kong subukan.'' Sabi ko habang tinitingnan ko ang microphone na nagkakandapira-piraso na dahil sa pagsipa ko kanina.

Napabuntong-hininga na lang ako at agad na pumunta kung nasaan ang bag ko. Kinuha ko ang foundation, powder, comb, panyo at pabango at nag-ayos nang sarili.

Sinundan naman ako nila Mikoh na nakasandal na sa pinto ng classroom at si Mae na nakaupo sa isa sa mga upuan ng room.

Nang kinukuha ko na ang lipstick ko ay dun ko binuka ang bibig ko at nagsalita.

"I'm really irritated dun sa Armiece na yun. Nakakainis!" Sabi ko habang nilalagyan ko ang lip ko ng kulay pulang lipstick.

"They are just insecure Louise. Let go with it." Sabi naman ni Mae habang inaayos ang uniform niya.

Narinig ko na ngumisi si Mikoh pero hindi noon naagaw ang tingin ko sa salamin ng foundation ko.

"Pero ang gaganda ng nga kasama ni Toll no. Chicks." Sabi ni Mikoh.

"Shut up Mikoh." Sabi ko habang iniipit ko ang lipstick na kalalagay pa lang sa labi ko.

Napangisi na lang ako sa sinabi ni Mikoh at agad ko'ng nilagay ang lipstick sa bag ko at tumingin sa kanila.

''You know what time is it guys?'' Sabi ko kala Mae.

''Yup! Its Trouble making time.''Sabi nila Mae at Mikoh.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

OH NO...ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA NEXT DAY.MAGING SAFE KAYA SI ARMIECE KAY LOUISE.KAPAG GUMALAW NA ANG TROUBKE TRIO.TIYAK KO, KAWAWA NIYAN ANG MAGKAKAIBIGAN.LALONG-LALO NA SI ARMIECE.

~END OF CHAPTER 27~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz