Chapter 32

74 2 1
                                    

(Toll's POV)

Katatapos lang ng klase namin at pinadiretso na agad ako sa meeting namin para sa upcoming event ng school.

Bukod sa iniisip niyo, ang POPUgroups at POPUsolo ang laging kinukuhang ma-intermission, panlaban sa kung anu-anong paligsahan at kung anu-ano pa.

Tinakbo ko ang distansya ng classroom namin hanggang sa classroom na pagdadausan namin ng meeting.

Nang nabuksan ko ang pinto ay nakita ko ang ibang mga kagrupo ng nasabing organization ay agad ko rin nakita si JC na nakatingin din sa'kin.

Sinarado ko ang pinto at tuluyan pumasok sa loob habanh lumalakad papunta kay JC.

Nang makarating ako malapit sa kanya, ay dahan-dahan akong umupo sa katabi niya na upuan at pinatong ko ang bag ko sa katabi ko na bakanteng upuan.

"Welcome to your first meeting." Sabi ni JC habang nakahalukipkip.

"Salamat. Ano ba ang pag-uusapan ngayon?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko ang moderator ng organization na kasalukuyang may isinisulat sa pisara.

"Hindi ba malapit na ang sembreak, siguro magbobotohan kung magdadaos ba ng acquaintance ball o hindi na." Sabi ni JC.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.

"Akala ko, meron government organization ang nagpapatakbo ng buong studeny body regarding sa mga events na gagawin ng school? Bakit tayo ang magpaplano?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo dahil pa rin sa pagkagulat kanina.

Tumawa siya na parang nang-aasar at umiwas pa ng tingin sa'kin.

Loko!

"Meron ka ba'ng napapansin na pinagbobotohan natin para sa goverment organization?"

Dahil sa tanong niya, napaisip ako bigla.

Napansin ni JC na nag-iisip ako kaya tiningnan lang niya ako habang hinihintay ang isasagot ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at naramdaman ko na bahagya siyang gumalaw kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita ko siya na naghahandang magsalita.

"Ang organization natin, not only it's just a mere organization or a famous club if you'll ask me, it is also the student body of the whole academy." Sabi ni JC.

Napatango na lang ako ng dahan-dahan habang pinipilit isalpak sa utak ko ang sinabi niya.

"Ganun ba? Ngayon alam ko na. So meron ba'ng nga position?" Tanong ko kay JC.

"Dahil baguhan ka, at kakarecruit pa lang ng bagong member ng club, kailangang mafill-up ang nga vacant position na iniwan nung mga member nito na grumaduate na." Sabi ni JC.

Magsasalita pa lang ako pero agad na tinawag ang atensyon namin ng isang guro na nagsusulat kanina.

May katandaan na siya, at nakatali ang buhok. Naka-unipormeng pang-guro at medyo mababa sa'kin.

"Okay, so listen up. So since may bago tayong recruit..." Sabi ni Maam at kasalukuyang ginagala ang mga mata sa amin.

Nang mahagilap niya ako ay agad niya akong sinenyasan na tumayo kaya naman agad ko siyang sinunod.

"Pwede ka ba muna magpakilala sa'min Mr...?"

Tumango ako sa kanya at ginawaran ko si Maam ng isang ngiti. Pagkatapos ay tumingin ako sa mga kamiyembro ko at nagyuko.

"Ako si Toll Garcia, nagmula sa Aquamarine. Kinagagalak ko kayong makilala." Sabi ko habang nakayuko pa rin.

Maya-maya lang ay inangat ko na ang sarili ko at nakita ko ang iba na tumango na lang samantalang ang iba naman ay ngumiti.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now