Chapter 80

27 1 0
                                    

(Toll's POV)

Wala na kaming masyadong ginagawa dahil malapit na ang graduation. Nagpa-practice na lang kami para sa graduation. Hindi ko pa rin makalimutan yung taong tumawag sa phone ni Angela kagabi. Masama ang kutob ko dun sa lalaking yun at baka mapahamak si Angela sa binabalak niyang gawin.

Nakaupo ako sa may bench dahil break namin at hinihintay ko sila Kira, JC at sila Greg. Nagulat ako dahil bigla na lang ako'ng nabasa kaya napatayo ako sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa nakatapon ng juice at biglang uminit ang ulo ko.

"Aww, sorry dude. Sa susunod kasi, huwag ka'ng uupo o kaya ay haharang sa mga dadaanan ko. Magkakaroon ng gulo."-Mikoh.

Susuntukin ko na sana siya kaya lang ay may pumigil sa kamay ko.

"Dude, hayaan mo na lang."-JC.

Binaba ko ang kamay ko at napapikit na lang ako. Pagkamulat ko ay nakita ko si Kira na sinusugod na sila Mikoh.

"Hoy Mikoh. Umayos-ayos ka ha. Don't even dare to mess with us because, you will get what you deserve."-Kira.

Ngumisi si Mikoh sa sinabi ni Kira at umiwas ng tingin kay Kira. Anong problema niya?

Tiningnan naman niya ako at parang may mali sa tingin niyang yun. Parang may galit at sakit ang mga mata niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay umiwas na siya ng tingin sa'kin at naglakad na papalayo. Napatingin naman sa'kin sila Kira at JC.

"Anong nangyari?"-Kira.

"Hindi ko alam. Nabuhusan ako ng juice ni Mikoh tapos pagkabuhos niya ng juice sa damit ko, nang-insulto pa. Buti na lang pinigilan mo 'ko kanina dude. Salamat."-Me.

"Basta sa susunod, huwag ka'ng padalos-dalos."-JC.

Tumango ako sa kanya at nagpaalam na ako sa kanila. Kinuha ko ang bag ko sa may room namin at dumiretso ako sa CR para magpalit ng damit.

Nung palabas na ako ng CR ay may narinig ako'ng boses na parang nag-uusap sa may labas ng CR.

"Ako na lang ulit, please. Please Angela, please. I'm begging you."

Parang boses ni Mikoh yun ah. Pero bakit parang pamilyar yung boses niya sa'kin. At bakit kausap niya si Angela? Magka-kilala ba sila? Teka? Siya nga ba yung...

"No Mikoh, I'm sorry. Mahal ko si Toll and I don't want to hurt him. I moved on from you and hindi na kita mahal. Si Toll na ang mahal ko at wala ka ng pwedeng magawa para mabago yun. I'm sorry."

Boses ni Angela yun at hindi ako pwedeng magkamali. Edi ang ibig sabihin lang nito, ang ex ni Angela ay si Mikoh Martinez ng Trio Trouble ay iisa. Pero bakit parang kakaiba. Ahhh! Naguguluhan na ako.

"Mikoh anong ginagawa mo... Tama na! TULONG!"

Narinig ko na parang nasasaktan si Angela sa ginagawa ni Mikoh. Kaya lumabas na ako ng CR at dun ko naabutan na nakasandal si Angela sa pader at tinutulak naman siya ni Mikoh.

Nagdilim ang paningin ko kaya hindi ko namalayan na nasuntok ko na pala si Mikoh. Nakahiga siya sa may sahig at hinahawakan niya ang labi niya.

"Gago ka Mikoh! Isa ka'ng malaking gago!"-Me.

Lalapit pa sana ako sa kanya pero pinigilan ako ni Angela.

"Babe please tama na. Umalis na lang tayo dito."-Angela.

Pero bago pa ako makasagot ay sinuntok naman ako ni Mikoh. Bumagsak ako sa sahig at hinawakan ko ang labi ko. Tatayo pa sana ako pero nakita ko sila Greg na lumapit sa'kin at inaalalayan ako'ng tumayo. Tumingin ulit ako kay Mikoh at nakita ko siya na nakaupo na sa sahig.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now