Chapter 53

28 1 0
                                    

(Toll's POV)

~HUGE TIME SKIP~

Grabe...whoooo! Ang saya ng Christmas vacation namin tsaka new year... Pero, curious lang ako dun sa picture na nakita ko sa bahay nila Kira. Pareho kami ng picture at iisa lang ang ginamit naming damit...parehong size, brand at look. Hindi kaya...

''Ok class. I have an important announcement.''-Maam Hernandez. Ano kaya yun?

''Maam, ano po yun?''-Kira.

''Hindi matutuloy ang inyong 3rd at 4th examination.''-Maam Hernandez.

What! Hindi matutuloy and 3rd at 4th examination... This is a nightmare! I can't believe kung bakit? Bakit nga ba? Biglang lumabas si principal Gomez.

''Excuse me. 4th year, aquamarine. Delay ang 3rd at 4th grading examination. Dahil magrerenovate ng mga classrooms.''-Principal.

Lahat as in, parang nalungkot. So, kailan na pala kami mabalik? Pagkatapos ng renovation. Eh kailan? Kainis. I think I can't take this.

''Kailan po ba yan matatapos?''-Eya.

Tumingin silang lahat including ako kay Mirei. Parang gusto ko na ring mag-follow pero, natatakot ako kay mr. Principal.

''Kapag natapos na. Huwag kang pilosopo. Ano nga pala ang pangalan mo hija?''-Principal.

Grabe man yan. Alam ko, dapat irespeto si Mr. Ricgordon Gomez as a principal and as an adult also as a human person but, kung ganyan ang act niya as a principal, hindi na dapat siya manungkulan sa school. Sikat pa naman ang academy. Hindi niya kasi alam na nakakainfluence siya expecially maraming student ang nakakita na binabastos niya ang student niya. How embarassing.

''Eya Cruz po. Bakit po.''-Eya.

''Kung ganyan ang asta mo sa'kin, layuan mo ang apo ko. Baka maging masama pa ang ugali nun. Huling babala mo to. Ms. Eya Cruz.''-Principal.

Biglang nilapitan ni Maam Hernandez si Principal Ricgordon Gomez para siguro kausapin.

''Ah sir. Excuse me lang po. Baka po, may misundertanding. Nagtatanong lang naman po yata si Eya kung kailan ang tapos nang renovation.''-Maam Hernandez.

''Huwag kang mangialam dito Ms. Hernandez. Hindi ikaw ang kausap ko. Kayong lahat, bukas wala na kayong pasok. Mag-istart na ang renovation. Naintindihan niyo?''-Mr. Principal.

''Opo.''-Lahat.

''Good. Eya, babala ko sa'yo. Layuan mo ang apo ko. Hindi kayo bagay. Hindi ko siya gusto para sa'yo.''-Mr. Principal.

Tumingin kami kay Eya at bigla naming nakita ang patak ng luha niya. Gusto sana namin siyang icomfort pero sabi ni maam eh wag na. Nakakaawa siya. Bigla siyang nagpahid ng luha at tumingin kay principal, pagkatapos ay tumingin kay maam Hernandez.

''Maam, may I go out.''-Eya.

Tumakbo siya palayo kala Maam at Mr. Principal. Tapos paglabas ni Eya ay kinausap ni Mr. Principal si Maam Hernandez.

''Umayos ka Maam Hernandez. Baka fired ka na sakin next school year kapag hindi mo tinuruan yang mga bastos mong estudyante.''-Mr. Principal.

''Yes po sir.''-Maam.

Biglang lumingon si Mr, Principal sa likuran niya at parang nagulat. Umalis na siya at sinaradon agad ni maam yung pinto. Anong nangyari doon?

(Eya's POV)

Paglabas ko ng classroom ay nakabanggaan ko si Kapz. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap sa kanya. Ngumiti na lang ako, pero nahalata niya.

''Bakit ka umiiyak? May problema ba?''-Kapz.

Lumingon si Kapz sa may classroom namin at nakita si Mr. Principal as lolo niya sa may pintuan kung saan ako tumakbo.

''Si lolo ba?''-Kapz. Dumiretso siya kung saan nandun ang lolo niya.

''Hindi Kapz. Huwag mo ng ituloy. Kapz please. Gulo lang to.''-Me.

''Lolo.!''-Kapz.

Lumingon si Mr. Principal at pumunta siya sa amin. Nakakatakot. Ano kayang gagawin niya.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
ANO NA NAMAN KAYA ANG SASABIHIN NIYA SA AMING DALAWA. SANA HINDI NA NAMAN TUNGKOL SA RELATIONSHIP NAMIN. HMHMHMHMHM :'(

~END OF CHAPTER 53~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now