Chapter 24

92 3 0
                                    

(Angela's POV)

Nang maiwan namin sila Eya sa 7eleven at pagkasakay namin sa kotse nila ay agad ko'ng kinausap si Toll tungkol dun sa picture na hawak nya.

''Ah Toll? Pwede ba kitang makausap?'' Tanong ko sa kanya kung pwede.

Tumingin siya sa'kin and he smiled bitterly at me.

"Will I take that as a yes?" Sabi ko sa kanya.

Tumango lang sya at parang ayaw nyang magsalita. Pero tinanong ko pa rin ang gusto kong itanong.

''Toll. Totoo bang may kapatid ka?'' Panimulang tanong ko sa kanya.

Oo, alam ko'ng ayaw niyang pag-usapan pero wala namang mawawala samin kung itatanong ko sa kanya diba?

''Oo, may kapatid ako babe. Siya si Chelia, kakambal ko.'' Nagulat ako nang sinabi nya yun.

''Seryoso? Kapatid mo siya?'' Ay toinkzz, narinig ko na ngang ate. Tinanong ko pa. Pero tumungo sya.

''Oo Angela. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang nangyari. Bakit tinago nila sakin. Tsaka napapansin ko naman, tuwing halloween, hindi ko naman nakikita sila ma at pa na nasa puntod ni Chelia.'' Sabi niya habang tinatago na ang picture na hawak niya.

Ahhh, kaya pala ganyan sya kung mag-isip. He still hoping na mahahanap pa nya si Chelia.

''So, may kutob kang buhay pa si Chelia?'' Sabi ko.

Natawag ko si Chelia na Chelia. Hehehe.

''Kaya nga gusto ko sanang itanong kala mama at papa pagdating ko sa bahay tungkol kay Ate Chelia." Sabi niya at tumingin sa'kin.

"Angela pwede ba'ng sa bahay ka na lang namin mag dinner. I'm sure, okay lang sayo?'' Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

Hmmmmp, mag-iisip ako. I'm sure gusto lang ni Toll ng kasama sa pagsabi niya sa parents niya.

And I'm his girlfriend, kaya dapat lang ako'ng nandun. Moral support sa boyfriend ko kumbaga.

''Ah, okay. Dun na lang ako.'' Malumanay kong sabi.

Agad niyang hinawakan ang kamay ko pagkasabi ko nun ay agad niyang hinalikan ang kamay ko.

''Sorry nga pala sa mga expressions ko kanina. Talagang gusto kong makita o malaman ang tungkol sa kakambal ko." Sabi niya at tiningnan niya ako.

"Pero babe okay na tayo ha.'' Sabi niya habang nakapout at nagpa-puppy eyes.

Ang cute talaga ng boyfriend ko.

"Of course naman, ang cute mo nga eh kapag ganyan ang itsura mo. Oo naman.'' Yun lang ang nasabi ko.

Inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko na nakaakbay at yung isa namang kamay nya ay nakapatong sa isang kamay ko. Para kaming Dao Ming Si at Shan Cai sa Meteor Garden.

Nakakakilig!

''Basta, wag mo kong iiwan ha.'' Sabi na lang niya out of nowhere.

Bakit naman natanong yan ni Toll?

''Oo naman, bakit naman ako aalis. Anong dahilan?'' Sabi ko naman.

Pagkarinig nya nung sinabi ko. Napangiti sya at may sinabi siya sa driver niya.

''Ah manong, Huwag mo munang idiretso sa bahay. Doon muna kami sa Mall.'' Sabi ni Toll kay Kuya Driver.

Tumingin yung driver sa may salamin na nasa harapan at tumango.

"Sige po sir." Sabi naman nito.

Pagkasabi ni Toll nun, sinunod naman agad nung driver kaya pumunta muna kaming mall.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon