Chapter 29

69 2 0
                                    

~Time Skip~

~Armiece POV~

Nakakainis naman oh. Bakit pa kasi ganun si Louise kung gumanti parang OA lang. Nagsabi ako ng totoo pero si Louise, totoo ba yung sinabi niya?

Nakita kong papasok na si Toll sa classroom kaya agad ko siyang kinausap.

''Ah Toll? Meron ba tayong assignment?'' Tanong ko kay Toll.

Hindi ako sinagot ni Toll, imbes ay dumiretso siya sa upuan niya at nilagay ang bag niya. May hinahanap siya sa bag niya at nung tumigil siya ay inangat niya ang notebook na hawak niya.

Tiningnan niya ito pagkatapos ay nilagay na ulit niya ito sa bag niya at lumapit sakin.

''Meron pero..." Sabi niya pero tinitigan niya ako.

Nanlaki ang mga mata ko dahil naramdaman ko na basa ang pisngi ko.

"Umiiyak ka ba?'' Tanong niya na medyo kinatakutan ko.

Natahimik lang ako at agaran ko na kinuha ang panyo na nasa bulsa ko. Pinunasan ko ang mga ito at tumigin lang ako sa sahig.

"Hello Toll! Hi Armiece!"

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Kira na abot tainga ang ngiti at sa ngayon ay lumalapit na siya samin.

"Anong meron?" Inosenteng tanong ni Kira.

"Crying." Sabi ni Toll sabay, "Tss."

"Again?" Sabi naman ni Kira.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Kira sa balikat ko kaya dahil doon, medyo natrigger pa ang luha ko. Pero buti na lang at napigilan ko.

''Hindi mo pa rin ba malimutan yung ginawa sa'yo ni Louise? Hayaan mo na yun. Nakarma na siya diba?'' Sabi sakin ni Kira.

Hindi namin alam ay nandun na pala si Louise sa may pinto nang classroom at sabay nagsalita nang...

''What did you say?'' Sabi ni Louise na dahan-dahang lumalapit samin.

Patay! Narinig ni Louise yung sinabi ni Kira.. OMG!

Tumingin si Kira paharap kay Louise. Magsasalita na sana siya pero agad ko siyang inunahan bago pa man siya makapag-salita.

''Ay, wala yun Louise. Ah... Ang sabi ni Kira ... Ah, kailan ba ang audition nang POPUgroups dito sa school. Balak sana kasi ni Toll sumali.'' Sabi ko sa kanya.

As much as possible. Ayoko ng magkaroon pa ng away. Kotang-kota na ako. Ayaw ko nang madagdagan pa. Nakakairita lang talaga kasi.

Flinip niya ang buhok niya at sumabay ito sa hangin.

''Ah! Akala ko kung ano na. August 13-15 ang audition. Sa may Social Hall ang audition venue. Pero, matanggap ka kaya dun?'' Medyo nainis yata ang mukha ni Toll dahil sa sinabi ni Louise.

Sabay alis si Louise at may pabulong naman na sinabi si Kira kay Louise.

''Kapag naging POPUsolo lang talaga si Toll. Gantihan mo na lang si Louise. Maghihintay na lang kami.'' Sabi ni Kira na bumubulong kay Toll.

''Are you saying something?'' Tanong ni Louise kay Kira.

Naku Kira, mag iingat ka. Mabilis yang gumawa si Louise nang first move kaya mag-iingat.

''Ah wala yun Louise. Talagang mapagbulong lang talaga itong si Kira, masanay ka na.'' Sabi ko kay Louise.

Sinisave ko si Kira kasi patay na naman ito kapag napag-initan na naman siya ng Trouble Trio. Malay niyo kung gawan na sya kaagad ni Louise nang first move. Edi magmumukmok na naman ito sa bahay nila at mangiyak-ngiyak na naman magsusumbong samin?

''Ah... Armiece hindi ikaw ang kausap ko. Ang kausap ko, si Kira. Diba Toll?'' Sabi ni Louise sabay harap kay Toll.

Nagkibit-balikat naman si Toll at hunalukipkip na lang. Nakita ko naman na ngumiwi si Louise dahil sa inasal ni Toll.

Hmmm kahit naman sino. Kapag inaapi ang bestfriend niya. Lalaban kayo diba? Lalo na kung kayong dalawa lang ang nandun sa sitwasyon na yun.

"Buti nga." Sabi ni Kira at nakita ko na inirapan niya si Louise.

Tumaas naman ang kilay ni Louise at magsasalita na sana siya pero bigla ko siyanh inunahan.

''Ah...Wala yun Louise. Ahhh... Ang sabi ni Kira, kung kayo daw ang magiging judges sa POPUlarity idols.'' Sabi ko sa kanila na may konting apologetic tone.

''Let me think...'' Nagiisip pa si Louise.

^_^--- Ganito ang itsura ni Kira habang nagiisip si Louise.

''Umhhh. I think, Hmm, Yah. Pakiki-usapan ko na lang sila Principal para maging judges ako.'' Sabi niya at nginitian din kami.

O_O--- Ganito na ang itsura niya pagkatapos nyang marinig yun.

''Ahh... Okay. Thank you Louise. Sana makapasok si Toll.'' Sabi ko kay Louise.

Narinig ko na parang nagulat si Kira kaya nilipat ko ang titig ko sa kanya. Mukhang gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"Diba, nagkakaroon ng problems ang Trouble Trio at inaayos niyo ito? Maayos na?" Tanong ni Kira kay Louise na nakakunot ang noo.

Oo nga no? Kakabalita pa lang kahapon na nagkaroon ng problema ang Trouble Trio dahil sa gulo kahapon tapos ngayon, kung kumilos sila akala niyo parang walang nangyari?

"Yes, pero, minor problems lang naman. Tsaka hindi pa naman nagbibigay ng letter kung irereject ba kami or tatanggapin pa." Confident na sabi ni Louise.

Pero parang may feeling na pagkawala nang confidence sa sarili si Kira. Kasi nga, yung pinakamadalas na kaaway nang grupo, eh yun pa yung mag jujudge sa contest para maging sikat si Toll.

''We'll see... Bye.'' May evil smile pa talaga pagkatalikod.

Pagkaalis ni Louise ay naupo na sya sa kanyang chair. Pumunta kami nila Kira at Toll sa labas at nagusap kami.

''Makapasok kaya ako? Kasi kapag si Louise ang magjujudge, parang hindi ko pa rin kayang manalo.'' Eto talaga si Toll ang baba nang fighting spirit.

''Si Toll talaga oh kaya mo yan... Aja fight!!!'' Ang sabi ko kay Toll.

Nakita ko na bumuntong-hininga si Toll at kumapit sa railings sa may corridor ng hallway namin.

"Oh sige, I can do this " Sabi niya at tiningnan pa ang kamay niya.

Natawa kami ni Kira sa inasal niya. Para siyang bata.

"So, ano ba ang gagawin mo sa audition? Magmamagic trick? Uupo sa mga pako? Lulunok ng barya?" Sabi ko sa kanya.

"Magfa-firedance? Makikipaglaro sa ahas? Makain ng bakal?" Sabi naman ni Kira sa kabila.

Tinignan ni Toll ako at si Kira na nakataas ang isang kilay at seryoso ang mukha.

"Papatayin niyo ba ako?" Sabi naman ni Toll at inayos ang bangs niya.

Umiling lang kami sabay tumawa sa inasal ni Toll.

"Joke lang. Go Toll." Sabi ni Kira sabay hug kay Toll.

"Oo nga. Goodluck Toll." Sabi ko naman sabay yakap din ako sa kanya.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

MAKAPASOK KAYA SI TOLL SA AUDITION? ABANGAN SA SUSUNOD NA CHAPTER

~END OF CHAPTER 29~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now