Chapter 9

181 3 0
                                    

(Kira's POV)

Time Skip

Matapos ang date nila Toll at Angela kagabi. Masayang-masaya si Toll dahil first date niya then, successful pa. Pero may konting mga usap-usapan dahil sa last BF ni Angela.

Inihatid na ni Toll si Angela sa sundo nito at agad namang pumunta si Toll sa classroom niya. Doon nakasalubong niya ang mga naghihintay na sina Mirei at Kira na naglilinis dahil tapos na ang klase nila.

''Hi Toll kumusta ang date niyo ni Angela?'' patanong na sabi ko kay Toll.

''Teka-teka, paano niyo nalaman ang tungkol doon.'' sabi ni Toll samin.

''Heller, usap-usapan na po dito no.'' sagot naman ni Mirei.

''Kailan pa?'' sabi ni Toll sakin.

''Kahapon pa'' pabirong sabi ko kay Toll.

Nakita ko na nanliit ang mga mata niya at parang namula siya.

Ang cute talaga ng best friend ko.

''Hayaan mo na yan Toll, ayos lang yan, wag mong dibdibin ha.''sabi ni Mirei kay Toll.

''Oo nga, hayaan ko na yan.'' sabi ni Toll sa sarili, "Nagugutom, ako. Samahan niyo naman ako sa labas, makain lang ako." Sabi ni Toll sa'min habang hinihimas niya ang tiyan niya.

"Libre mo?" Sabi ko sa kanya.

Pinitik niya ang noo ko kaya napa-aray ako sa ginawa niya.

Ang sakit kaya ni Toll pumitik. Nakakapikon ha.

"Palibre ng palibre. Bakit di ka dun sa crush mo magpa-libre." Sabi sa'kin ni Toll.

"Oo nga. Balita sa'kin ni Ia, patay na patay ka raw dun eh." Sabi naman ni Mirei at nagcrossed arms pa.

Nagcrossed arms din ako at tinaasan ko sila ng kilay.

"Buti ako may crush. Ikaw. Wala!" Sabi ko kay Mirei.

Bigla naman siyang namula at inirapan ako. Guess I hit the bullseye.

"Tama na nga yan! Gutom na ako eh. Samahan niyo na ako sa labas." Sabi naman ni Toll sa'min at kinuha na ang nakapatong niyang bag sa lamesa.

Iniwan na namin ang mga hawak namin'g walis at ni-lock na ni Toll ang classroom namin. Pagkatapos nun ay dumiretso kami sa Cafe 77 na nasa tapat ng school namin.

Umorder na muna kami pagkapasok sa cafe.

"Red Velvet Frappe, please. Large." Sabi ni Mirei habang hinahanap ang wallet niya.

"Black Forest Frappe po. Large." Sabi naman ni Toll habang naka-lean sa counter at tiningnan yung babae.

Halata naman na kinilig yung babaeng nasa counter kasi hinawi niya yung strand ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

"Ahh... yun lang po ba?" Sabi nung babae habang nagpapa-cute.

Tumango naman si Toll at nag-smirk siya.

"Don't worry Sir. Ako na bahala sa add-ons mo. Discount mo na yun. Ang gwapo mo kasi eh." Sabi nung girl habang pina-patch ang order niya.

Nag-mouthed siya ng 'Thank you' at kinindatan ang girl. Kinilig naman ang babae.

"Ikaw naman Kira." Sabi sakin ni Toll at nag-lead siya ng way at lumapit naman ako dun sa counter.

"Ahhm.. Isa po'ng Apple Mint Frappe." Sabi ko kay Ate habang nakangiti.

"Yun lang?" Sabi sakin ni Ate nang pabalang at inirapan ako pagkatapos.

Problema nito? Ang taray naman nito. Kung makairap wagas? Pasabunot ko ito kay Ia eh.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now