Chapter 22

96 1 0
                                    

(Time Skip)

(Kira's POV)

"Ang tagal naman nila." Sabi ko habang patingin-tingin sa mga dumadaan.

Andito na ako sa may gate papasok ng simbahan at nakatayo lang. Ako ang nauna sa mga kaibigan ko na pumunta sa simbahan kasi, baka kasi ako tamarin mamaya eh, sayang naman diba kung hindi ako makasimba.

Maya-maya lang ay nakita ko sila Mirei at Kirei na katulad ko, patingin-tingin din sa paligid.

''Hi Kirei! Hi Mirei!" Sigaw ko sa kanila.

Mukhang narinig naman nila ako kasi tumingin sila sa direksyon ko at kinawayan nila ako.

"Kira." Sabi nilang dalawa.

Lumapit sila sa puwesto ko at naka-bungisngis.

Tinaasan ko sila ng kilay at nagcrossed arms ako.

"Bakit ang tagal nyo?'' Tanong ko sa kanila.

''Ay, wala, may pinuntahan lang kasi si Daddy kaya natagalan kami.'' Sagot naman sakin ni Kirei.

Tumingin-tingin naman sa paligid si Mirei kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano'ng problema?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at inayos niya ang palda niya.

''Asan sila? Ikaw pa lang ba dito?'' Inosenteng tanong ni Mirei.

Hindi ba obvious? Ito talaga si Mirei oh.

''Ay hindi may kasama ako. Eto oh.'' Sabi ko.

Kumaway-kaway ako sa hangin na bala-bala ay may kasama akong hindi nila nakikita.

Napatingin naman yung dalawa sa'kin at tiningnan yung ginagawa ko.

''Ah asan?'' Tanong nung dalawa sakin.

''Eto oh, Hindi nyo ba nakikita?'' Tanong ko sa kanila.

Advantage ko to sa kanila kasi, alam kong takot si Kirei sa ghost.

''Asan? Ahhhhh!'' Napasigaw si Kirei.

Talagang naloko sya dun ah, sumigaw pa.

Napansin ko na medyo may napatingin sa'min mga tao at parang pinagbubulungan nila si Kirei.

''Mirei. Nakikita mo ba?'' Tinanong niya ang hindi naniniwala na si Mirei.

Alam ko naman na hindi yan maniniwala si Mirei sakin. Eh matalino yan eh. Never pa yan nauuto.

''Para yang isang creature na sya lang ang nakakakita at nasasabi na nandyan lang sa tabi nya at hindi natin nakikita.'' Sabi niya.

Medyo naguluhan ako sa explanation ni Mirei. Ano kaya yung ibig sabihin nun?

''In short term?'' Tanong ni Kirei.

''Kirei, tumawag ka nang pinakamalapit na hospital.'' Sabi ni Mirei.

Nagtaka kami ni Kirei sa sinabi ni Mirei. Bakit ako dadalhin sa hospital?

''Bakit?'' Tanong ulit ni Kirei.

''BALIW NA SI KIRA?'' Sabi niya ng seryoso.

Teka lang. Tinawag mo ba kong baliw ha?

"Anong sabi mo Mi--"

Hindi ko na natapos kung ano ang sasabihin ko dahil pinutol niya ang pagsasalita ko.

''Joke... Ito talaga oh hindi mabiro.'' Sabi naman agad ni Mirei.

Pagkatapos namin mag-usap, maya-maya ay dumating na sila Eya at Ia na kasama si Armiece, Anne at Angela sa kotse nang twins.

''Oh, Guys? Kanina pa kayo?''Tanong ni Eya samin.

Napatingin kami sa kanila at agad ko'ng pinunasan ang fake pawis ko gamit ang panyo ko.

''Oo kanina pa. Ang init-init na nga dito oh.'' Sabi ko sa kanila.

Sabi ko naman kasi ako ang pinakaunang dumating dito kaya.

"Hindi nga?" Sabi nilang lahat.

Napatingin ako sa kanila at sinamaan ko sila ng tingin. Mga baliw.

"Kira!"

Boses pa lang, alam ko na kung sino yun.

Nang lumingon ako sa kaliwa ko. Nakita ko si JC naglalakad nang ala slow motion moves.

Ayan tuloy pinagpawisan na nga talaga ako.

''Teka lang Kira. Pinagpapawisan ka ba dahil kay JC.'' Sabi niya sakin habang nakatingin kay JC.

Nang marealize ko ay tiningnan ko si Armiece ng masama at tinaasan ko siya ng kilay.

Aba tong Armiece na to ah.Teka lang.

''Mainit. Gets mo.'' Sagot ko naman sa kanya.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si JC at nakaakbay na ngayon sa balikat ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

Nakasuot siya ng white shirt, pants at sapatos. Ang simpleng tingnan pero ang gwapo niya sobra!

''Hi Kira.'' Sabi sakin ni JC na may pacute pang mata.

Nang napansin ko na medyo natutulala na ako ay agad ko'ng shinake ang head ko at tumingin ulit sa kanya.

''Ah, hi din JC. Miss na kita.'' Sabi ko sa kanya.

Nagulat ako nang sikuhin ako ni Armiece.

''Tong babaeng to oh. Kahapon pa lang kayo nagkita miss mo na agad?'' Pambabara niya.

Ano ba tong si Armiece. Maka-basag trip na lang. Hmmmp. Hindi ko na lang siya pinansin at medyo nabitin ako sa eye to eye contact namin JC.

Nang paglingon ko sa kanan. Nakita namin si Toll naglalakad na may dala-dalang litrato. Nang makita nya kami, agad nyang nilagay sa bag nya yung picture na hawak nya.

"Toll!?" Sigaw ko sa kanila.

Agad naman silang lumingon sa direksyon kung saan ako nakatingin at tumingin din sila dun.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami dito." Sabi ni Ia.

''Kanina pa ba kayo dito? Pasensya na ha.'' Sabi ni Toll.

Kanina pa sila tanong nang tanong nang ganyan. Eh, dyan ako naiinis.

Pero napansin ko na parang may iba kay Toll. Parang napakalungkot ng itsura niya.

Napatingin ako kay Angela at nagtama ang ngiti namin. Parang pareho kami ng iniisip. Sinenyasan ko siya na lapitan si Toll at kausapin, kaya ginawa naman niya.

Lumapit si Angela kay Toll at hinawakan ang kamay.

"Hi babe." Sabi ni Angela.

Napatingin sa kanya si Toll at biglang nawala yung lungkot sa mukha niya at napalitan ng ngiti.

Pero sinong niloloko niya, that smile was a fake smile.

"Babe. Hello." Sabi naman ni Toll at humarap kay Angela.

"Ayos lang ako babe. Huwag ka'ng mag-alala." Sabi naman ni Toll still having that fake smile.

Medyo nairita na ako sa kanya kaya lumapit ako kay Toll at binatukan ko siya. Halatang nagulat silang lahat sa ginawa ko pati na rin sila JC, Angela at Anne.

"That will help you Toll, to knock some sense on your brain." Sabi ko habang nakataas ang kilay at nakacrossed ang arms.

Agad na naka-recover si Toll at nagshake ng head. Napamulat siya at tumingin sakin sabay ngiti.

"Salamat Kira." Sabi ni Toll at ngumiti.

Ayan. Now that's a real smile.

''Tayo na sa loob.'' Sabi ko sa kanila.

Nang sinabi ko yun. Pumasok na kami nang simbahan upang magsimba nang mataimtim.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

HMMMP.ANO KAYA YUNG PICTURE NA DALA-DALA NI TOLL.MAY KINALAMAN KAYA YUN SA NAWAWALA NYANG KAPATID.ABANGAN SA NEXT CHAPTER.COMING SOON...

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now