Chapter 25

95 3 0
                                    

(Toll's POV)

Pagkaalis namin ng mall, hindi pa kami dumiretso sa bahay kasi hindi pa naman nagtetext sila Mama. Kaya pumunta muna kami sa coffee shop at nagpalipas oras.

"Ahh babe? Ayos ka lang ba? Is something bothering you?" Napatingin ako kay Angela na mukhang nag-aalala na sa inaasta ko.

Imbes na magsalita ay tanging ngiti na lang ang naibigay ko sa kanya at sinabayan ko pa ng iling.

"Just tell me if something bothering you. Baka makatulong ako." Sabi ni Angela at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Tiningnan ko yun at nilapat ko rin ang isa ko'ng kamay sa kamay niya.

"Thank you babe." Simpleng sabi ko sabay nginitian naman niya ako bilang sagot.

Maya-maya lang ay nagtext na si Papa na nasa bahay na raw sila at naghahanda na daw ng dinner, kaya agad kami'ng tumayo at umalis sa coffee shop.

Nang makarating na kami sa bahay. Agad kaming pumunta sa dining room dahil sabi daw ni manang ay nandun na daw sila mama at papa.

Pagkapunta namin dun, agad na nakita namin si Papa na nakaupo na sa table.

"Pa." Simpleng sabi ko at nagmano sa kanya

Napatingin naman sa'min si Papa at binaba niya ang tawag sa cellphone niya.

"Andito na pala ikaw Toll." Sabi ni papa at pinasadahan niya ng tingin ang nakakapit sa braso ko na si Angela.

Mukhang nahihiya siya.

''Ah Toll, who is the girl beside you?'' Nagtanong si papa kasi ngayon ko pa lang ipapakita si Angela sa kanila.

''Ah pa, si Angela po. Girlfriend ko.'' Sagot ko naman kay papa.

''Oh, hi Angela. Have a sit.'' Buti at naging maayos sya kay papa. Eh kay mama kaya. Ano ang reaksyon nya?

Umupo na kami sa dining table. Si Angela, katabi ni papa. Ako naman katabi ko si mama. Pero magkatabi pa rin kaming dalawa.

Napansin ko na nakatingin lang si Angela sa plato niya na nasa harapan niya at mukhang walang balak alisin ang titig niya dito.

Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sakin.

"Are you okay?" Sabi ko sa kanya at ngumiti lang naman siya.

"Hija, huwag ka'ng matakot sakin." Sabi naman ni Papa na nakatingin din samin.

Dahil doon, medyo nawala ang tensyon ni Angela kaya medyo nakalma ang sarili niya.

''Toll, andyan ka na pala. Sino yang kasama mo?'' Narinig ko si Mama na papalapit na samin.

Heto na sasabihin ko na.

''Ah si Angela po, gi--''

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agaran ako'ng pinutol ni Papa.

''Girlfriend niya ma.'' Si papa ang sumagot.

Ibig sabihin kakampi namin si papa.

Nanlaki ang mata ni mama at biglang lumapit kay Angela. Nagulat ako at baka kung ano ang sabihin niya kay Angela.

Bumitaw si Angela sa pagkakahawak ko sa kamay niya at dahan-dahang tumayo at hinarap si Mama.

''So... Ikaw pala yung lagi saking kinekwento samin ni Toll." Sabi ni Mama habang nakahalukipkip at nakapuwesto sa likuran ng upuan ni Papa, "Now tell me, what are your achievements?" Sunod na sabi ni Mama.

Oo. Madalas ko'ng ikwento sa kanila si Angela, pero ni minsan, hindi ko pa nababanggit sa kanila kung ano ang stand ni Angela sa school.

"Honor student ka ba? Valedictorian ka ba nung elementary?'' Grabe si mama oh... Sunod-sunod na tanong.

Alam ko si Mama. Hindi naman siya ganoon ka seryoso pagdating sa mga achievements. Siguro sinusubukan niya lang si Angela. Pero hindi ko magets ang ginagawa niya.

''Ah....'' Parang kinakabahan si Angela. Tulungan ko na.

Napansin ko na medyo nauutal na si Angela kaya tumingin ako kay Mama at pinitik ko ang mga daliri ko.

''Opo. Top 3 po siya ngayong 3rd year. 2nd honorable mention siya noong elementary, ma. Tama na po ba yun?'' Totoo lahat yun. Kwinento sakin yun ni Angela noon pa kaya alam ko yun.

Biglang binaba ni Mama ang nakataas niyang kilay kanina pa at tiningnan ulit si Angela.

''Hmmmm. Magaling naman pala. Ang aking desisyon ay.....'' Grabe si mama ah. Ano to? Parang 1st nomination night ng PBB ah. Kasama pa yung sound effects. Hahaha. Pero ano kaya ang decision ni mama.

Binaba ni Mama ang kamay niya na nakahalukipkip at ngumiti kay Angela.

''Welcome to the family hija.'' Nagbeso pa sila mama at Angela. Buti na lang.

Nakita ko na ngumiti si Angela kaya napangiti na rin ako.

"Thank you po Tita." Sabi naman ni Angela.

"Nonsense hija..." Sabi ni Mama habang paupo na dun sa upuan niya besides Papa, "You can call me Mama, okay? Drop the Tita." Sabi ni Mama at nilalagyan ng kanin si Papa sa pinggan niya.

Habang kumakain kami ay may naalala ako na sasabihin ko pala kay mama at papa.

''Ah ma? Meron po ba akong kapatid?'' Biglang napatigil sa pagkain si mama kasi narinig nya ang tungkol sa kapatid ko.

Napahinto sa pagkain sila Mama at Papa pati na rin si Angela na kumukuha ng gulay. Napansin ko sila Mama na napabuntong-hininga.

''Ah, darling, kasi--''

Hindi na natapos ni Mama ang sasabihin niya kasi agaran siyang pinutol sa pagsasalita ni Papa.

''Oo, meron Toll. Pero...''

"Pero ano Pa?" Nasabi ko kay Papa dahil huminto siya sa pagsasalita.

Nakita ko na hinawakan ni Mama ang kamay ni Papa kaya napapikit ako. Naramdaman ko na hinawakan ni Angela ang kamay ko kaya napahawak na rin naman ako sa kamay niya.

"She passed away." Sabi ni Papa.

''Bakit nyo nilihim sakin? Bakit hindi mo sinasabi sakin. Pa, ma. Ano to?'' Sabi ko at tumayo na agad sa upuan.

Naiiyak na ako noon kasi sarili kong mga magulang. Nilihim sakin na may kapatid ako. Nag walkout na ako at hinila ko si Angela palabas at binuksan ko ang kotse ko. Ihahatid ko na siya sa bahay nila.

Nang umaandar na ang sasakyan namin ay napakatahimik. Pero maya-maya lang ay nagsalita na si Angela.

''Ah. Toll? Wag ka nang umiyak. Andito naman ako eh.'' Sabi ni Angela.

Buti nga at nandiyan pa siya. Tumahan na ako sa pag-iyak dahil kay Angela. Nakarating na kami sa bahay ni Angela at agad siyang bumaba. Nagpaalam naman siya sakin at nagpaalam na rin ako sa kanya. Pagkatapos ko siyang ihatid, pumuta na ako sa bahay ko. Pagkarating ko dun, pumasok na ako sa kwarto ko at agad akong natulog kahit maaga pa lang.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

HMMMP.SO ANO NAMAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT YUNG ATE NI TOLL AY PUMUNTANG NEW YORK.TSAKA KAILAN SYA MABALIK?ANO KAYA ANG NAGAWA NUNG KAPATID NYA KAY TOLL?ABANGAN KUNG ANO ANG DAHILAN?

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now