Chapter 14

132 1 0
                                    

(Time Skip)

(Kira's POV)

Hindi pa rin ako makamove-on gawa nung kahapon. Siguro meron akong tinatawag na LOVEnat dahil kay JC.

Andito ako ngayon sa classroom kasama si Toll habang hinihintay namin yung mga kaibigan namin at flag ceremony. Pero habang nakatingin ako sa may pinto, dumating na si JC. Lumapit siya sakin at sinabing...

''Good morning Kira.''pagbati niya sakin sabay halil sa forehead ko.

Narinig ko na parang naghiyawan ang mga tropa niya sa ginawa niya sakin kaya napa-iwas ako ng tingin.

Lumingon naman ako kay Toll at napansin ko na nakapikit siya at naka-earphones.

I can't believe this guy.

Binalik ko ang tingin ko kay JC at napansin ko na napatingin din siya sakin.

''Magandang umaga din.'' pagbati ko naman pabalik sa kanya.

Pagkatapos nun, agad syang pumunta sa upuan nya, ibinaba na yung bag at pumunta sa mga kaibigan nya sa room upang makipag-usap. Tulala ako nang oras na yun at dahil tulala ako, bigla naman akong ginising ako ni Toll na ngayon ay nakatayo na.

''Hoy, Kira. Mukhang natamaan ka na kay JC ah? Umayos ka nga.'' Tinatanong pa ako nitong sira na toh eh alam nga nya na pinadalhan ako nang sulat at regalo ni JC kahapon tapos hindi pa naalala nitong ulianin na toh.

Oo nga pala.

Nang naalala ko yun ay tumingin ako kay Toll at nakita ko siyang nakakunot ang noo.

"Don't worry. Naka-chat ko na siya kagabi. Kaya huwag ka'ng mag-alala." Sabi niya sakin kaya napabuntong-hininga na lang ako.

''Kira tara sa labas pahangin tayo.'' Nagmamadali kaming lumabas ni Toll habang hinihila niya ang blouse ko.

"Sandali nga lang! Ano ka ba Toll. Dahan-dahan ka nga sa pagtak-"

Pero biglang BOOMMMM!!!

May nakabangga kaming isa mga classmate namin at nahulog ang libro na hawak-hawak nito.

''Ano ba, pwede mag-ingat ka sa susunod ha. Look what you've done.'' Sabi nung isang babae na nakashort, then with blazer pa yung damit nya, at straight ang hair up to the tip.

''Sorry ha, hindi na mauulit, nagmamadali kasi kami ni--"

Paghihingi namin nang paumanhin ni Toll pero pinutol niya agad yun.

''Ha, sorry? yun lang ba? Thank you. Pero apology denied. Akala nyo kung sino kayong mga mahihirap na bumabangga nang mga mayayaman tulad namin.'' Pang-aasar nya samin.

Aba hanep tong babaeng to ah, akala mo kung sino makasalita nga.

''Akala mo kung sino ka. Teka lang, sino ka nga ba?''

Putcha man oh, confident na sana ako dun nakakainis naman oh.

''Hindi mo ako kilala?Pwes, magpapakilala ako. Ako si Louise Delos Reyes. Siya naman si Mae Czarina Adrenal at ito naman si Mikoh Martinez.''

Parang pamilyar sa akin yung mga pangalan na yun ah.Louise,Mae Czarina at Mikoh.Hindi ako nagkakamali sila ang....

''Kami ang Trio Troubles.'' pasigaw naman nung tatlo.

''Ngayong kilala mo na kami, papatulan mo pa ba kami?'' panakot nya sakin.

''Kira, tayo na hayaan na natin ang mga yan.'' Pag-akit sakin ni Toll palabas. Pero nag pumiglas ako at hinarap ko si Louise.

''Hoy Louise!"

Napahinto siya sa paglalakad at dahan-dahang humarap samin.

"Lahat tayo pantay-pantay. Hindi porket popular ka sa school na toh hindi na kita pwedeng patulan. Ito ang tatandaan mong babae ka. Ang bawat kapal nang lipstick mo, ganoon din kakapal ang mukha mo. Che.'' palaban kong sagot sa kanya.

"What did you say?" Sabi niya sakin at dahan-dahang lumapit sakin.

Nagcrossed ako ng arm at tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi mo deserve ang laway ko. Kaya hindi na ako maga-abalang ulitin yun para sayo." Sabi ko sa kanya at tiningnan ko siya na nanlilisik ang mga mata.

Narinig ko siyang tumawa ng sarcastic at tiningnan ako ng masama.

"Ang tapang mo naman. Tandaan mo, ako ang leader ng Trio Troubles. The most popular Group in the whole school." Sabi niya sa'kin na may pagmamayabang sa boses niya.

Inirapan ko siya at gaya ng ginawa niya, tumawa din ako with sarcasm.

"So? Anong gusto mo'ng iparating?" Tanong ko sa kanya at nilapit ko pa ng konti ang mukha ko sa mukha niya.

Lumapit din naman siya at nag-smirk.

"Messing with the me is like battling the whole school. Don't you think, you can handle the pressure?" Sabi niya sakin na parang tini-threaten ako.

Pero hindi ako magpapadala.

"Talaga?" Sabi ko sa kanya at tumawa with sarcasm, "Organization ba ang tawag niyo sa grupo ninyo? Or a bunch of morons na walang ibang ginawa kundi magpasikat ng magpasikat pero wala naman ginagawa for the sake of our school." Sabi ko na ini-emphasize ang ibang points.

Napatigil siya sa sinabi ko at nanlaki ang mga mata niya.

Guess I hit the bullseye.

"I thought that club organizations purpose is to make the lives of the student more productive and more meaningful for the school, the society, to others and for everybody?"

Napatingin ako sa kanya at kita ko na namumutla na siya. Guess she didn't know this is coming.

"Now tell me? What purpose do you want to achieve in your org? For the society, for the school, for others...?"

Nagtrailed off ako sa last words kaya lahat ng estudyante na pinapanuod kami ay napahinto sa kung anong ginagawa at hinintay kung ano ang sasabihin ko.

"Or just for your self? To gain popularity. To be known?" Sabi ko and I gave her one last smirk before turning my back on them.

Pero huminto ako mid-way at medyo inikot ko ng konti ang ulo ko sa side ko.

"By the way..."

Sabi ko at tumingin sa namumutla niyang mukha.

"Truth hurts right?" Sabi ko at hinila na si Toll pababa.

Wala akong pakelam sa kanya kahit sikat sya sa buong campus. Pagkatapos nyang ganunin kami ni Toll. Nagsorry naman kami diba, buti nga at pinulot pa namin yung books na nahulog namin.

Kaya pagkatapos ko kay Louise inismidan ko sya pag-alis nang tingin ko sa kanya at agad kaming umalis dahil nagbell na. Ma flag ceremony na. Hmmp, akala nya kahit ordinary student lang ako, hindi ako papayag na ganunin kami at specially pati ang kaibigan na pagsalitaan kami nang masama.

Matauhan sana yung Louise Delos Reyes na yun. Hindi ko malilimutan, ang mortal kong kaaway.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

GUYS. NAKITA NATIN KUNG GAANO KATAPANG SI KIRA NA HARAPIIN ANG MGA POPULAR SA SCHOOL NILA. PERO ANO KAYA ANG MAIDUDULOT NITO SA MAGKAKAIBIGAN AT LALONG-LALO NA KAY KIRA. MAGING AYOS LANG KAYA SIYA? ABANGAN.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon