Chapter 61

29 1 0
                                    

(Armiece POV)

Nandito na ako sa room ko after kong idump yung manliligaw ko. Kainis kasi eh, kakabreak ko lang tapos, papasok siya, kapikon diba. Hay nako, tatawagan ko na nga lang si Kira at hindi ko alam kung paano ko mapipigilang mapikon sa mga new stranger saken.

''Hello Kira. You have to help me!''-Me.

''Bakit na naman Armiece, inaantok na ako eh, bakit mo ko ginising, (yawning), alam mo namang kakareview ko pa lang para sa finals? Ikaw, nakareview ka na ba? 9pm na kaya''-Kira.

Hindi ko alam kung sasabihin ko to kay Kira kasi, kapag sinabi ko kay Kira, may possibility na baka sabihin niya rin ito kay Toll. Pero, kailangan ko lang talaga ng advice at kausap kasi, hindi ko na talaga kayang sarilinin ang problema ko. Bahala na

''Kira, may nanliligaw sakin. Hindi ko alam kung paano o ano ang isasagot ko sa kanya.''-Me.

Medyo parang narinig kong nashock si Kira sa mga nasabi ko. Kasi ang pagkaka-alam niya ay kami pa rin ni Joshua. Eh, kakabreak pa lang namin eh. Hindi ko siya nasabihan.

''Wala na kayo ni Joshua no? Bakit? Anong nangyari? Sayang naman bhe.''-Kira.

''Hindi ko alam eh. Basta ang number 1 reason ko kung bakit ko siya hiniwalayan kasi nagbago na siya. Parang naging maangas na siya hindi katulad nung dati na mabait, mabuting tao at humble. Wala na yun eh.''-Me.

''Sayang naman bhe. Pero kung yan ang decision mo. Fine, susuportahan na lang kita. Oo nga pala, sino nga pala yung nanliligaw sayo? Pogi ba?''-Kira.

''Si Vince. Kilala mo ba yun bhe. Hindi ko nga kilala yun eh. Tsaka paano niya ako nakilala. Iniisip ko tuloy na stalker ko siya, pero ayaw kong mag-assume. Hello, Kira. Andyan ka pa ba? Hello? Kira? Ki...''-Me.

''Armiece, gusto mo ng advice diba? Advice ko sayo, layuan mo yang Vince Pagandiga na yan. Delikado yan.''-Kira.

Medyo nagtaka ako sa mga sinabi niya. Para tuloy akong natakot sa kanya. Nacurious na rin ako kaya pinakwento ko kay Kira ang tungkol kay Vince.

''Bakit? Sino ba siya? Sino ba si Vince Pagandiga? Kilala mo ba siya? Paano mo naman nasabi yan?''-Me.

''Hindi mo ba alam, leader siya ng...''-Kira.

Bigla na lang nag call end yung phone ko. Hindi ko alam kung nawalan ng signal o shut down na phone niya. Pero yung phone ko, hindi pa. Kakacharge ko pa lang dito kanina eh. Wala pang 1 minute eh, may tumawag sakin na isang tao. Number lang pati. Pinindot ko yung answer at agad ko siyang kinausap.

''Hello? Who is this?''-Me.

''Hi Armiece. Narerecognize mo ba voice ko? Ako si Vince. Yung kumausap sayo sa cafeteria kanina. May sasabihin ako sayo. Tungkol kay Joshua. Malubha ang lagay niya. Critical ang lagay niya. Nagfififty-fifty na ang buhay niya.''-Vince.

Medyo kinabahan ako sa pagkakasabi ni Vince na andun si Joshua sa hospital. Hindi ko alam kung pupuntahan ko siya o hindi. Pero, on the sake of our friendship (oo, friendship na lang talaga kami). Pupunta na ako.

''Saang hospital? Papunta na ako.''-Me.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
HALA, ANONG NANGYARI KAY JOSHUA. AT ANO KAYA YUNG DAPAT SASABIHIN NI KIRA KAY ARMIECE TUNGKOL KAY VINCE. NAKAKATENSE NA TO AH. ABANGAN NIYO PO NEXT CHAPTER.

~END OF CHAPTER 61~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now