Chapter 18

121 1 1
                                    

(Toll's POV)

Pagkalabas namin ng school ay agad na nakita ko si Manong na naka-parking sa tapat ng gate namin.

Sumakay kami sa kotse at sinabi ko kay Manong kung saan kami pupunta.

"Pwedeng pa-text Angela? Sasabihin ko lang kay Mommy na pauwi palang ako." Sabi no Anne.

"Sorry Anne. Kaka-expired pa lang ng load ko eh. Sorry." Sabi naman ni Angela.

Agad ko namang kinuha ang cellphone sa bulsa ko at iniabot ito sa kanya.

"You can use mine, Anne." Sabi ko naman sa kanya.

Ngumiti naman sakin si Anne at dahan-dahang kinuha ang cellphone ko at nagsimula na siyang mag-text.

Pagkabigay ko ay napansin ko ang paggewang ng sasakyan na dina-drive ni manong.

"Manong? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko kay Manong driver.

Nung tingnan ko siya sa salamin na nasa harapan ng kotse ay nakita ko na mukhang inaantok si Kuya.

"Kuya, ako na lang po muna ang magda-drive. Inaantok na po kayo eh. Sorry po at natagalan kami ha. Pagod pa po kasi yata kayo dun sa business trip nila Mama at Papa." Sabi ko naman kay Manong.

Sumulyap sakin si Manong at tumingin din sa salamin.

"Ay hindi po, ayos lang po ako. Kaya ko na po ito." Sabi naman no Manong.

Hinawakan ko ang balikat ni Manong Driver at tiningnan ko ulit siya sa salamin.

"I insist manong. Sige na po. I-parking niyo na po diyan sa gilid." Sabi ko ng seryoso kay Manong.

At hininto nga ni Manong yung kotse at bumaba sa kotse. Bumaba din ako sa kotse at pumasok sa driver's seat at lumagay naman siya sa seat katabi ko.

"Babe? Tatawagan na lang kita bukas ha." Sabi ko kay Angela.

Naghintay ako pero walang sumagot.

"Tulog siya Toll. Kanina pa." Singit naman ni Anne.

Tiningnan ko siya sa salamin at oo nga, tulog ang prinsesa ko. Nginitian ko na lang at binalik ko na ang attention ko sa daan.

After 5 minutes ay tapos na si Anne makipag-text at ilo-lock na sana niya pero bigla itong tumunog.

"Toll may tumatawag sayo." Sabi niya.

"Ha? Sino?" Tanong ko naman sa kanya.

"Stephen Santiago." Sabi ni Anne.

"Si Stephen pala. Sige pasagot na lang " Sabi ko naman sa kanya.

"Ako ang kakausap?" Tanong niya.

"Nagda-drive kasi ako eh. Sige na." Sabi ko.

"Sige na nga." At clinick na niya ang answer key at nilagay sa tainga niya, "Hello?" Panimula niya.

Hinintay ko ang sasabihin niya.

"Nagda-drive kasi siya eh. Anne ang pangalan ko." Sabi niya.

Medyo matagal hindi nagsalita si Anne kaya napasulyap ako sa may salamin.

"Ahh okay po. Sige." Sabi ni Anne at ibinaba ang phone ko.

"Ano raw sabi?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi niya, ite-text ka na lang daw niya mamayang gabi. So magreply ka na lang daw." Sabi naman niya.

Tumango na lang ako at nagsimula na akong ihatid sila Anne at Angela.

(TIME SKIP)

Nang makauwi na ako sa bahay namin, agad kong binaba ang bag ko at nagbihis na nang damit. Nang magawa ko na lahat yun, binuksan ko yung iPod ko at sabay click sa app na oovoo. Pagkabukas ko, agad sakin may humarap na mga mukha. Sila Kira, Mirei at Kirei, Eya at Ia, at Armiece.

"Hi Toll!" Sabi nilang lahat sakin.

Kumaway naman ako sa kanila at sinaksak ko ang earphones ko sa tainga ko.

''Guys, ano? May hindi ba pinayagan?'' Sabi ko sa kanila.

Sana walang hindi pinayagan.

''Pinayagan kaming lahat, pwera lang kay Kira.'' Sabi ni Ia.

Ha bakit? Naku naman oh. Kainis!!! Totoo kaya ang sinasabi ni Ia?

''Teka lang. Bakit si Kira pwede naman si Mirei diba?'' Pambibiro ko kay Mirei.

''Yahh grabe. Oh di hindi. Hmmmp.'' Mukhang affected sya.

''Joke lang Mirei ano ka ba? Niloloko lang kita eh. Sorrrry pohhh.''

Nang humingi ako nang sorry kay Mirei. Agad naman siyang ngumiti at nagsalita nang ayos lang daw.

Ngayon, bumalik naman kami sa piknik plan namin. Tinanong ko naman si Kira kung bakit hindi sya makakasama. Ito yung sagot nya...

''Ah, Toll, ka-kasi...Si JC, sasama sya bukas.'' Sabi ni Kira.

Nakakasira naman itong babaeng toh nang ulo. Akala ko kung ano na.

''Oh, anong problema dun?  Buti nga yun at may armor ka para sa mga mambabastos sayo. Sama na Kira sige na. Please!!!" Sabi ko.

Umiwas siya ng tingin sakin at tumingin sa ibang lugar.

"Huwag kang mag-alala, ako na ang kakausap mamaya kay Tita para payagan ka okay...'' Pahabol ko pa.

"Hindi na kailangan! Alam naman na nila Mommy eh. Kaya huwag ka'ng mag-alala." Sabi niya sakin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Alam naman na ni Tita pero ayaw niyang sumama. Ano kayang problema nito?

"So? Bakit ayaw mo ngang sumama?" Tanong ko ulit kay Kira.

Gusto ko talagang kasama si Kira kasi kapag wala siya, boring ang buong atmosphere. Kaya pinipilit ko siyang sumama. Tsaka plus, first time nilang dalawa ni JC mag-bonding sa isa't-isa. Sayang din naman yun. Tsaka, para makapagbonding din kami ni Angela together.

''Hindi ko alam?'' Parang nagtataka ako kay Kira.

''Teka lang Kira? Sigurado ka bang yun lang ang dahilan? Kaya ayaw mo'ng sumama?'' Sabi ko kay Kira.

Nagdududa ako kay Kira kasi, parang may nililihim sya sakin na kung ano. Uulitin ko sana ang tanong ngunit biglang nagsalita si Armiece.

''Girl, sabihin mo na kung bakit hindi ka makakapunta." Sabi ni Eya.

"Sige ka baka magalit yan si Toll kung hindi mo sabihin.'' Pahabol naman ni Kirei.

Talagang magagalit ako kasi, may secret sakin ang mga kaibigan ko. At ang masama sa lahat, hindi ko alam.

''Ano ba yun Kira!? Ano yung sinasabi ni Armiece!?'' Pasigaw ko'ng sabi kay Kira.

Galit na galit ako nung sinabi ko ang mga salitang yun.

"Toll! Calm yourself down! Huwag ka nga diyang mag-hysterical!" Pagkakalma sakin ni Mirei.

Napabuntong-hininga na lang ako, napapikit at napahawak sa may bridge ng ilong ko.

"Okay. I'm sorry." Sabi ko ng kalmado, "So ano ngang nangyari?" Tanong ko ulit sa kanila.

Nanatili silang tahimik at parang naghihintayan kung sino ang magsasalita.

Pero maya-maya lang ay narinig ko ang buntong-hininga ni Kira kaya napunta ang attention namin sa kanya.

''Kasi Toll, meron akong na receive sa facebook account ko na nakalagay ay 'Don't touch this girl, malandi toh, promise'. Yan ang eksaktong nakalagay sa ibaba nang picture ko na may sungay pa.'' Sabi niya.

Biglang uminit ang dugo ko. Putcha, sinong may gawa niyan?

''Sinong may gawa nung picture mo na yun ha?'' Tanong ko sa kanya.

Halos pumutok na ang ugat ko sa may kamay ko dahil sa galit.

Kapag nalaman ko talaga. Kahit oras nang gabi susugurin ko sa bahay nila yung gumawa nung picture. Humanda sila sakin kapag nalaman ko kung sinong may gawa nun sa bestfriend ko.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

SO, YUN PALA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AYAW SUMAMA NI KIRA SA PIKNIK.PERO SINO KAYA YUNG MAY GAWA NUNG PICTURE NA YUN? MALAMAN KO LANG TALAGA KUNG SINO, PATAY SAKIN YUN.

¤END OF CHAPTER 18¤

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon