Chapter 11

151 1 0
                                    

(Kira's POV)

Nang makasakay na kami sa car ni JC, nagkwentuhan kami habang hindi pa kami nakakapunta sa dating place namin.

''Ah, JC, may gusto lang ako sa'yong itanong. Huwag mo'ng masamain ha." Panimula ko dahil sobrang nakakabingi na ang katahimikan.

Nakita ko na tumango lang siya. Hindi kasi siya makatingin dahil nagda-drive siya ng kotse.

Lumunok muna ako at inayos ko ang pananalita ko. I need to filter what words will going to come out from my mouth.

"May girlfriend ka na ba before ako.'' Ay toinkzz, bakit ko sinabi yun. Ang kapal naman talaga nang mukha mo Kira ano.

At tsaka ano ka ba? Sa tingin mo, sa gwapo niyang yan, hindi siya nagkaroon ng girlfriends? Mag-isip ka nga paminsan-minsan Kira. Nakakainis ka!

Nakita ko na parang medyo nagseryoso ang itsura niya kaya inayos ko ang upo ko at tumingin ako sa kanya para masabing hinihintay ko ang sagot niya.

''Ah, meron nang tatlo, kaso nga lang, lahat, brineak ako nang walang dahilan. Sabi nila I'm too hot to handle daw eh.'' Wahhh, oo naman syempre. Pero ang tanga nung tatlong girls na yun ano? Ang hot na nga brineak pa tssk. Pero thank you sa kanila napasakin na sya. Hahahaha.

''Talaga naman your hot.'' sabi ko kay JC.

What the!? Kira ano ba yan! Bakit hindi ka nag-iisip? Kung anu-ano tuloy ang lumalabas sa bibig mo. Hayy!

''So brinibreak mo na ba ako?'' sagot naman nya sakin.

''Naku hindi ano! Kadate ako nang isang hot na hot na teen sa buong school. Tapos ibrebreak ko pa? Hindi naman ako katulad nung tatlong yun no. Ang cute mo kaya.'' Hayyy, nasabihan ko na naman nang kung ano-ano si JC, pero ayos lang kasi totoo naman lahat yung sinabi kong yun eh.

Sumulyap siya sakin at nakita ko ang ngiti sa mukha niya.

''Talaga?'' sabi nya sakin na parang may pag-aalinlangan pero malalaman mo na satisfied siya sa naririnig niya.

Tumango lang ako ng paulit-ulit habang nakangiti at nakatingin sa kanya.

''I mean it.'' sagot ko naman agad sa tanong niya.

Nakita ko na gumuhit ang ngiti sa labi niya na animo'y tuwang-tuwa sa narinig niya.

''Thanks ha. Best compliment I received so far from the girl that I loved." Sabi niya at sumulyap sakin ng mabilis at kumindat.

Goodness! Baka hindi ko na makayanan to'ng puso ko. Ang OA kasi eh. Akala mo kapag tumibok wala ng bukas. Hayy! Ramdam ko tuloy na namumula na ako by the moment.

"Now I know that you are the suitable girl for me.'' sabi nya sakin.

OMG, nakakakilig na ito. I can't take up the heat. Parang sasabog na ako. Pero agad ko namang nacontrol yung feelings ko kaya hindi nya napansin. Buti na lang.

Pagkatapos nung topic na yun. Tumahimik na sa kotse ni JC at agad naman akong may naisip na bagong topic para pag-usapan.

''JC, Pwede mo bang ikwento sakin ang nangyari mula nung 1st year ka up to now?'' Ang tanging nasabi ko sa kanya.

Oo medyo baduy yung naisip kong topic. Pero gusto ko lang talagang malaman kung sino talaga sya. Parang further explanation.

Plus, gusto ko'ng may malaman sa buhay niya. Kung matalino ba siya? Babaero? Ex-convict (pero huwag naman sana.)

''Nung 1st year ako, honored pupil ako up to now.'' Sabi niya.

Nakakahiya. Ni-1st year wala man lang ako ni-isang award. Sana wag niyang sabihin sakin kung ano ang top ko.

''Then, isa ako sa mga POPUgroup nang School of Knowledge.''

Napatingin ako sa sinabi niya. Sumali siya sa POPUgroup? Woah! Hindi lang matalino, responsible pa pagdating sa curriculars.

Really a must have boyfriend.

''Ha, kasali ka pala sa POPUgroup nang School of Knowledge. Kaya pala marami kang girlfriends." Bigla ko'ng nasabi.

Nakita ko na parang naging seryoso siya at sumulyap siya sakin ng mabilis. Totoo naman diba? Dahil popular siya sa school, maraking girls ang humahanga sa kanya. Sounds bitter, but truth is a truth.

Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa daan.

"Estimate ko magaganda yun eh ako, wala pa yata ako sa kalahatihan nang mga ganda nun. I think i am not suitable for you.'' Malungkot kong sabi kasi ngayon ko lang nalaman na popular pala siya sa school.

Bakit mo sinabi yun Kira? Naku naman! Pwede namang sa isip na lang. Ano ba ang ginagawa mo at ano ang gusto mo'ng mangyari?

Nang walang anu-ano'y pinahinto niya ang sasakyan sa tabi ng daanan at pagkahinto ng sasakyan ay hinawakan niya ang kamay ko.

''Ha, No no no, please.'' Pagmamakaawa niya sakin. Oh my gosh popular sa school na boyfriend ko Oh my gosh. Kilig much!!!

Nakita ko na parang nanginginig na siya at parang namumutla. Hindi ko alam kung gusto talaga ako ni JC o parang may something na hindi ko alam.

"Please don't leave me, Kira." Sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at unti-unting pagkalat nito sa buong katawan ko.

Ang OA naman ni JC. Hindi pa nga kami eh, tapos kung makapag-salita, akala mo kami na.

Ayokong mag-assume at ayokong umasa sa wala. Pero parang nagbibigay na siya ng motive kaya, who am I to resist diba?

''Joke lang.'' pasabi ko naman kahit totoo yung kanina kong sinabi.

Pero... Kasi ayaw kong mahurt ko yung feelings nya kaya sinabi ko na lang yun. Pero paano kaya kung hindi ko makayanan ang challenges na haharapin namin?

Yumuko alo at tumingin ako sa baba ng kotse niya.

"Are you sure you're feeling okay?" Sabi niya sakin habang hinigpitan pa lalo ang hawak niya sa kamay ko.

Pinisil ko ang kamay niya at tumingin ako sa kanya at tumango.

"Oo JC. I'm fine. Don't worry about me." Sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng isang napakalaging ngiti, "See?"

Bigla naman din nawala yung lungkot sa mukha niya at napalitan yun ng isang kalmadong expression.

"Mabuti naman. Halika na? Tara na sa date natin." Sabi ni JC at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.

(TIME SKIP)

After ilang minuto ay nagda-drive na kami sa may pathway at parang may hinahanap si JC.

''Ah, ok. Oh, this is the place.'' sabi nya sakin.

Napalingon ako sa kanya at nagsimula na niyang patayin ang kotse niya. Bumaba na siya sa upuan niya at pumunta sa side para buksan ang pinto ko.

"Thank you." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at may kinuha siya sa pocket niya. Nang hugutin niya ito ay isa itong blindfold.

Just what is he planning to do?

"Wear this..." sabi niya habang sinusuot ang blindfold sa mukha ko.

Nang masuot na niya yun ay inalalayan niya akong maglakad at after ilang minuto ay huminto kami.

"Are you ready Kira?" Sabi niya na excited nang ipakita ang hinanda niya.

Unti-unti niyang kinalag ang blindfold at nang completely matanggal na ay medyo blurred pa ang paningin ko.

''Ito na ba yun bakit parang wa--ANG GANDA!!!'' Ang tanging nasabi ko na lang.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

BAKIT KAYA PARANG BUMAGSAK ANG PANGA NI KIRA?ANO KAYA ANG NAKITA NYANG MAGANDA.ABANGAN SA SUSUNOD NA CHAPTER ANG DATE NILA KIRA AT JC.SAKA ANO KAYA YUNG IBIG SABIHIN NI KIRA NA BAKA HINDI NIYA MAKAYANAN.HMMMMM.TINGNAN NATIN SA NEXT CHAPTER.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Where stories live. Discover now