Chapter 37

64 1 0
                                    

(Toll's POV)

Hanep si Gregory. Makapag nakaw-halik talaga tong mokong na'to. Pero one thing about Greg, hindi siya nanghuhurt nang feelings nang girl. Pwedeng chickboy siya oo. Pero, kapag nagmahal siya, talagang totoo.

Napalingon ako kay Greg at tiningnan ko naman ang isang pinsan ko na si Fred. Paglingon ko sa likod namin ay hindi ki mahagilap si Fred.

''Teka lang Greg. Asan si Fred? Diba, kasama mo yun kanina? Asan na?'' Sabi ko pagkatapos ko'ng huminto at ibaling muli ang ulo ko kung saan-saan na direksyon.

Napatigil naman si Gregory at tumingin din sa likuran niya.

"Don't know. You are the one who called us, Toll. And he followed us I believed when we are leaving the classroom." Sabi ni Gregory at nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa batok niya.

Napakamot na lang ako ng ulo. Naku! Ang laki pa naman nang Academy, baka siya maligaw.

Tiningnan ko ang relo ko at napuna ko na mahaba pa naman ang oras ng break namin. Medyo maingay nga sa baba ng building namin kasi nag-uusap ang mga estudyante at kasalukuyan ng pumunta sa canteen.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang cell phone ko kaya agad ko itong kinapa sa bulsa ko para matingnan kung kanino ang mensahe.

Pagkakuha ko ay agad ko itong binulsan at nakita ko agad ang pangalan ni Fred. Binuksan ko ang mensahe at nakasaad doon na bibili lang daw siya ng pagkain at masunod na lang siya.

Napabuntong-hininga na lang ako at agad na nilagay ko ang cellphone sa bulsa ko.

"Tara na." Yaya ko kay Gregory na kasalukuyang nakatingin sa'kin.

"Who's that?" Tanong niya habang binaba na niya ang kamay niya sa batok niya at nagsisimula ng maglakad.

Maya-maya lang ay sumulpot si Kirei sa hagdanan ng building namin na may dala-dalang mga libro na nakalapat sa dibdib niya.

"Kirei!" Tawag ko sa kanya kaya agad naman niya akong nakita.

Halata mo sa mukha ni Kirei na nagulat siya at parang may inipit siya na papel sa isa sa mga libri niya at agaran inilagay sa kanyang bag.

"Who's that, Toll?" Bulong ni Gregory sa'kin at kung maririnig mo ang tono niya ay umiiral na naman ang kanyang pagkamalisyoso.

"My friend. Try to make her one of your girls, I'll kick you out of our housenl, understood." Sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.

"Not my type, but I think Fred is. She is the one he's talking about." Sabi ni Gregory habang nakatingin sa papalapit na si Kirei.

Palapit na sa'min si Mirei pero biglang humarang ang lalaki na kabilang sa grupo na nakapagitna sa amin sa corridor ng building.

"Hi Kirei. Pwede ba kita mayaya mamaya pag-uwian?" Sabi noong lalaki na humarang kay Kirei.

Nakita namin na napatingin si Kirei sa mga kasama niya at mahahalata mo na mga manyakis ang mga iyon. Tumingin siya sa'min at agad nagkuyom ang kamay ko.

Lalong kumulo ang dugo ko ng puwersahang hinawakan nung lalaking humarang sa kanya ang braso niya.

''Bitawan niyo ko. Hmmmp!!!'' Tinakpan nila ang bibig ni Kirei para hindi siya makasigaw.

Susugurin ko na siya pero may narinig ako na tumatakbo palapit sa'min. Paglingon ko ay si Mirei, Eya at Ia ang agad na nahagilap ng mata ko.

''Kirei!!!'' Sabi naman ni Mirei.

Naku, huwag kang magkakamaling lumapit sa mga ulol na yan. Baka ka mapahamak.

Hinarangan siya ni Greg at baka siya tumakbo sa mga yun. Pero parang hindi nasiyahan si Mirei.

''Umalis ka nga diyan Mr. Arrogant. Tumabi ka at ililigtas ko kambal ko.'' Sabi ni Mirei at pinalipad ang buhok.

''Bitawan niyo siya mga ugly loudmouth.'' Sabi naman ni Ia habang tinuturo pa niya ang mga uto gamit ang kanyang hintuturo.

''Oo nga, kundi tatawag kami nang principal.'' Pahabol naman ni Eya.

Pinagtawanan lang nila ang sinabi nila Ia at Eya. Pero parang nag-iisip ang mga ulol kung ano ang hihingiin nilang pabor para maibalik lang si Kirei.

''Alam ko na kung ano ang hihingiin namin sa inyo.'' Sabi nung lalake na humarang kay Kirei kanina at kasalukuyan siya ngayong hawak.

''Ibigay mo siya sakin at gawin mo kong boyfriend. Ayos ba mga utol.'' Sabi noong acting-leader nila.

Hiriyawan naman yung mga kasama niya. Gustong gusto nila. Ang itinuro nung lalake ay si Mirei.

''Hoy! Huwag mong papakialaman si Mirei ha. Tatamaan ka sakin. Subukan mo lang lumapit sa kanya nang 50cm at susuntukin kita nang 50 percent force ko at 50 percent ang speed nang talsik mo at sinisiguro ko 100 percent. Tumba ang buong katawan mo. At may masuntok pa sayo dahilan sa tinapon mo ang siomai niya.'' Sabi ni Gregory habang seryoso ang mukha niya at nakasuksok ang dalawa niyang kamay sa pocket ng pants niya.

Ay, nakalimutan ko pa lang sabihin. Matalino pala yan si Gregory. Top student siya sa klase nila sa America. Kaya yan ang utol ko eh. Pero sino yung tinutukoy niyang matatapon ang siomai.

''Sino ka naman. Girlfriend niya?'' Sabi naman nung lokolokong tao na hawak si Kirei.

''Nope.'' Sabi ni Gregory at lumapit sa kanya.

Pagkasabi niya nang salitang yun agad siyang sinuntok nang malakas na malakas at bigla na lang itong natumba at biglang nawalan ng malay si Kirei.

Nakita ko sa likuran nung tao si Fred. Nakatungo. Tapos, bigla pagkasilip ko sa baba, ay may siomai na nahulog. Tama nga ang sinabi ni Greg.

"Future boyfriend I supposed." Sabi ni Gregory habang pinatunog ang kamay niya pagkatapos ng brutal na suntok na iyon.

''Who did this?'' Tinuro naman nang mga kasamahan nung lokoloko ang sarili nilang leader at agad na inupakan nang isa ni Fred sa mukha yun. Pero, hindi naman masyadong malakas.

Bigla namang lumapit si Gregory sa lokoloko at sinabi sa kanyang...

''Magiging girlfriend pa lang.'' Sabi niya sa loko.

Kinilig naman si Ia at Eya. Pero si Kirei hindi pa rin nagigising.

''Quick, let's bring her to the hospital so they can--"

Natigilan siya habang iminuwestra ang kamay sa likuran ni Kirei para mabuhat siya. Agad naman namin siyang sinundan at nakita ko si Fred na nakatitig sa mukha ni Kirei.

"I finally found you." Sabi ni Fred at ngumiti bago niya binuhat si Kirei.

Pumunta kaming lahat sa clinic at umaasa na sana maging maayos ang kalagayan ni Kirei.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

ANO KAYA ANG MAGIGING REAKSYON NI KIREI PAGKAKITA KAY FRED. MAGALIT DIN KAYA SIYA KATULAD NI MIREI? OH MASIYAHAN PA SIYA DAHIL MAY MAGPAPATIBOK NA NAMAN SA PUSO NIYA. ABANGAN.

~END OF CHAPTER 37~

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon